Chapter 1

1894 Words
CHAPTER 1     Charlotte's Pov:   "Hindi ba’t sinabi ko sa ‘yo na ako ang unang uuwi? Paano na lang kung may makakita sa atin? Are you nuts?" sigaw ni Clark at pabalagbag na ibinagsak ang bag n’ya  sa sofa pagkatapos pumasok sa bahay. "I-Im sorry. Eh, kasi naman, kanina pa a—" He cut me off. "Save your excuses. I don’t need it. Huwag mo na rin ‘tong uulitin at baka malintikan ka na sa akin. Now, get out of my sight!" matiim na bulyaw n’ya. Patakbo kong inakyat at tinungo ang kwarto ko sa ikalawang palapag at pabalagbag kong isinara ang pintuan. Pabagsak akong humiga sa kama at saka hinablot ang isa sa mga unan na malapit sa headboard at pinagsusuntok iyon. Nanggigil na ako sa ugali n’ya. Akala mo kung sino kung umasta. Mamalasin talaga ang mga magiging empleyado n’ya sa gaspang ng ugali n’ya. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. May isang buwan na mula nang ikasal kami. At nagkasundo kaming dalawa na hindi ipaaalam iyon sa iba. Nakasisiguro akong magkakagulo lalo na ang mga kababaihang naghahabol kay Clark kapag nalaman nilang ang iniidolo nilang ma-attitude ay mayroon nang inuuwian na asawa. One month na rin akong nagtitimpi sa ugali ni Clark kung hindi lang ako pinilit ni Mommy at binalaan na itatakwil n’ya ako kung hindi ako magpapakasal sa asungot na iyon. My life became a living hell dahil sa kasal na iyon. Just like before and as part of our agreement, hindi kami nagpapansinan ni Clark sa school. Nobody else knew except for our parents at si Manang Josie, ang matandang katulong namin dito sa bahay, ang nakaka alam na kasal na kaming dalawa ni Clark. We had a civil wedding to keep everything a secret. Besides, this is just business marriage although hindi ko pa alam ang buong detalye kung ano ang napagkasunduan ng mga pamilya namin. Kasal kami ngunit hindi ibig sabihin niyon ay magkasama kaming natutulog sa iisang kwarto. I have my own room and so does he. Iniregalo sa amin ng parents ni Clark ang bahay na ito noong araw ng kasal at kasama namin ni Clark manirahan dito si Manang Josie. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school dahil na rin sa nagco-commute ako. Isa pa, maaga akong nakatulog kagabi. Naubos ko yata ang lahat ng natitira kong lakas sa inis na naramdaman ko sa inasal ni Clark kahapon. "Uy beshy, napapansin kong maaga ka nang pumasok sa school. Dati-rati naman palagi kang late. In fairness, improving!” pamumuna ni Jasmin na isa sa mga kaibigan ko. Napangiwi ako sa komento n’ya. Totoo ang sinabi ng kaibigan ko. Madalas akong late pumasok sa klase pero nagbago lahat iyon nang magsama kami ni Clark sa iisang bubong. Kinailangan kong pumasok sa university ng maaga araw-araw dahil na rin sa utos ni Clark at para lang walang makahuli sa aming dalawa. “Hahaha! Kina-career na talaga ang pagiging punctual!" natatawang dagdag pa n’ya sa panga-asar. "Shut it Jasmin Hidalgo! Anong kina-career? Mukha mo! Good student na po kasi ako kaya hindi na ako nale-late," pananaway ko sa kaibigan at sinabayan ko pa iyon ng page-eye roll sa kanya. Nasa labas pa kami ng classroom nang mga oras na iyon. May kahabaan pa ang oras bago magsimula ang unang klase ngayong araw. Nakapatong ang mga braso ko sa balkonahe ng hallway habang nakatanaw sa mga estudyanteng naglalakad sa school grounds. Nagsisidatingan pa lang ang iba habang ang ilan naman ay katulad naming nakatambay sa labas o kaya naman ay sa loob ng kani-kanyang mga classroom. “OMG! Si Papa Clark narito na!” Narinig ko ang matinis na boses ng pagtili ni Jasmin na siyang awtomatikong nagpatakip ng mga kamay ko sa aking magkabilang tainga. Hinampas-hampas at niyugyog din ni Jasmin ang balikat ko habang hindi ito mapakali sa paglingon. “Girl, how do I look?” pagtatanong n’ya. Nangingislap ang mga mata ng kaibigan ko. Kung alam lang sana n’ya. Maging ang ibang mga babaeng estudyante ay hindi na rin magkaintindihan sa pagtanaw kay Clark. Dinaig pa n’ya ang isang artista kung pagtilian ng kababaihan dito sa school. Maging ako man ay napasilip na rin sa pinagkakaguluhan nila. Ano bang meron kay Clark? Bukod sa gwapo at matalino, saksakan naman ng kasungitan at kasupladuhan ang lalaking iyon! "Ang gwapo talaga ni Clark. Kung magkaka-girlfriend s’ya, sana ako na ‘yon…" narinig ko pang sabi ng isa sa mga fans n’ya habang humahagikgik. “Naku, kung magkatotoo man, mamalasin ka girl,” pagbulong ko sa sarili. Mula sa kinatatayuan namin ni Jasmin, tanaw ko ang pagbaba ni Clark mula sa kanyang BMW wearing his famous poker face. Napakaangas talaga ng kanyang dating. Saglit akong napatingala sa langit upang i-check ang panahon dahil nakasuot din s’ya ng sunglasses at wala namang araw. Maulap at pakiramdam ko’y uulan mamaya. Tinanggal n’ya ang suot na sunglasses at saglit na napatingin sa direksyon ko ngunit nagbawi rin ito saka umalis kasama ang barkada n’yang sinalubong s’ya sa labas ng sasakyan. Nakita ko rin ang paghi-high five ng mga ito sa kanya. “OMG! Tumingin s’ya rito! Girl, tiningnan n’ya ako!” masaya at excited na wika ng isa pang fan ni Clark. “Ang hot n’ya talaga forever!” sigaw naman ng isa pang babae. Napalingon ako sa mga narinig ko. Nakataas na ang isang kilay ko at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib. Nakaka-imbyerna na ang mga taong ‘to. Napakalalandi lang. Pumapasok ba kayo sa school para lang tumili sa lalaki? Hmp! Hinila ko ang isang kamay si Jasmin upang makaalis at makalayo sa nagkukumpulang mga babae. "Aray! Kung makahila ka naman beshy para namang hindi ako tao," pagrereklamo sa akin ni Jasmin. Binitawan ko ang kamay n’ya at saka kinuha iyon at hinaplos-haplos. “Sorry na beshy,” malambing ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Nang dahil sa inis ko sa lalaking ‘yon ay napanggigilan ko ang kamay ni Jasmin. Muli akong nag-sorry sa kanya. "Sorry na. Nakalimutan yata kita. Ikaw naman kasi, tulo laway ka na roon beshy, nawawala na poise mo" hinaluan ko ng panga-asar ang intensyon ko. "Hoy! Grabe ka! Bakit ikaw ba, hindi ka ba nabibighani sa kagwapuhang taglay ni Clark, ha?” sagot ng kaibigan ko. “Iyon? Gwapo na ang hitsurang ‘yon?” may pagtuturo pa ako sa direksyon ng school grounds. Muli kong pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib. “Well, gwapo nga, magaspang naman ang ugali. Isa pa, hindi ko s’ya gusto at hindi ko rin gugustuhin na magustuhan s’ya,” pagdadagdag ko. “Sus! Talaga lang ha,” panunukso pa ni Jasmin. "Whatever. Tayo na at baka ma-late pa tayo," pagi-iba ko ng usapan at nagtungo na kami sa building ng Insititute of Nursing. Nasa ika-apat na taon na ako sa kolehiyo gayundin si Jasmin at kaunti na lang ay matatapos na ang paghihirap ko bilang estudyante samantalang si Clark naman ay nasa ika-limang taon sa pagiging med student. Masasabi kong nasa average ang mga grades ko kumpara kay Clark pero proud naman ako na hindi pa ako bumabagsak sa kahit alin mang subject na kinuha at kinukuha ko. Nakabalik na kami sa classroom ni Jas at naupo sa aming kanya-kanyang silya. Magkatabi ang mga upuan namin dalawa. Saka ko inilabas mula sa aking bag ang isang libro at ipinatong sa desk. Sinunson ko ang bookmark na isiningit ko sa pahina ng aklat para ipagpatuloy ang pagre-review ko sa chapter na hindi ko natapos kagabi. “Hoy Madam, kanina pa kita kinakausap,” winawagayway ni Jasmin ang kamay n’ya saka dalawang beses na pumalakpak  sa harap ng mukha ko. Ilang beses akong napakurap sa ginawa n’ya at umiling-iling. “Ay, sorry naman!” pagbabalik ko sa realidad. Tinampal ko ang kamay ni Jasmin. Bakit ko ba naiisip ang lokong ‘yon? Pinahihirapan lang naman n’ya ako sa bahay kapag wala si Manang Josie! Umuuwi kasi sa pamilya n’ya si Manang Josie every weekends kaya kami lang ni Clark ang naiiwan sa bahay. Pero minsan naman ay ako na lang ang naiiwan dahil hindi ko alam kung saan pumupunta si Clark at hindi rin naman n’ya binabanggit sa akin ang mga bagay tungkol sa mga lakad n’ya. "Hoy!" sigaw muli ni Jasmin. "Ay kabayo si Clark! Ano ba Jas?" gulat na gulat na sigaw ko sa kanya at itinakip ko ang palad ko sa tainga na malapit sa kanya. Sa tinis ng boses ni Jas, sumasakit na ang tainga ko sa tuwing maririnig ko ang pagtili or pagsigaw n’ya. "Oh! Easy ka lang, huwag ka naming pahalata na iniisip mo si Clark,” nakakalokong panunukso ni Jas sa akin. “Sinasabi ko na nga ba. Crush mo s’ya!" dagdag pa n’ya habang tumatawa at tinusok-tusok pa ng daliri n’ya ang tagiliran ko na ikinatalon ko mula sa pagkakaupo ko. “Jas! Ano ba? Si Clark, magiging crush ko? Asa ka!” pagdedepensa ko sa sarili. “Tumahimik ka nga! Ewan ko sa ‘yo!” bulyaw ko pa sa kanya. Tinampal ko rin ang braso ng kaibigan at kaagad itong nag-iwas. Inayos kong muli ang sarili at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa ng librong hawak ko, Nursing Care for Life Threatening Conditions. Nang matapos ang araw na iyon, dumiretso ako pauwi sa bahay namin ni Clark. Sa pagkakaalam ko, maagang natapos ang klase n’ya at malamang ay nakauwi na rin s’ya. Isa pa, wala rin s’yang pasok bukas. Hindi na rin naman siguro kami magkakasabay na umuwi dahil sigurado akong uusok na ang ilong n’ya sa galit kapag nagkasabay kaming dumating sa bahay. Sa loob ng isang buwang pagsasama namin ay na-memorize ko na ang schedule n’ya. Iyon lang ang bagay na ibinigay n’ya sa akin para lang maiwasang mahuli kami ng kahit sino mula sa eskwelahan o kaya ng kakilala namin. Mahirap na, ayokong pagmulan ng issue at gusto ko pa rin ng payapang buhay. Kadarating ko lang sa bahay. Napaupo ako sa sofa sa salas at ibinaba ang dalang mga gamit. Dinukot ko rin ang cellphone ko sa bulsa saka inilapag iyon sa coffee table sa harapan ko. Tumingala ako at isinandal ko ang ulo ko sa ibabaw ng backrest ng sofa at pumikit. Napakatahimik na rito sa loob kaya naman naisipan kong tawagin si Manang Josie. "Manang Josie! Manang! Manang Josie!” ilang ulit ko pang pagtawag sa kanya ngunit walang sumasagot. Nagmulat ako ng mga mata. “Ano ba yan, bakit hindi s’ya sumasagot? Nakaalis na ba s’ya? Gusto ko pa naman sana na magpatulong mag-bake ng cupcakes,” naiiritang wika ko. “Wala s’ya rito." Narinig ko ang baritonong boses ni Clark sa likuran na s’ya namang ikinagulat at ikinabangon ko mula sa pagkakasandal. "Ay palakang buntis!" gulat na gulat na sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib ko at nilingon si Clark na nakasuot na ng damit pambahay at kabababa lang ng hagdan hawak ang isang tasa. “Ano ba yan? Bakit ba kung saan-saan ka sumusulpot? May lahi ka bang kabute?” pasigaw na pagtatanong ko sa kanya. Mapang-asar na ngumiti si Clark. "Maaga s’yang umuwi ngayon. May sakit ang anak n’ya kaya binigyan ko na lang s’ya ng one week leave of absence," sagot n’ya. Pagkasabi niyon ay kaagad na s’yang tumalikod at pumasok sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko. Teka, one week? Makakasama ko ang lalaking ito ng one week?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD