Chapter 3

2652 Words
"Huy, gising na," "Hindi pa ba gising 'yang isang 'yan?" "Ayaw nga magising eh!" "Batukan mo!" "Ayoko nga! Magagalit 'yan sa'kin" Ano ba yan? Ang ingay! Kahit naka-earphones ako, rinig 'ko pa rin ang ingay nila. Tinunghay 'ko na ang ulo at napa-aray dahil may naka-untugan ako. "Aray!" "Aray!" Si Rigel pala yung naka-untugan 'ko. Sinamaan 'ko na lang siya ng tingin at inirapan. "Wow, sorry ha?" Inirapan 'ko muli siya at iniligpit ang gamit 'ko. "Walang dumating na teacher?" tanong 'ko at nang matapos ligpitin ang gamit, binuhat 'ko na ang bag 'ko at inaya silang lumabas na dahil kami na lang ang natitira sa room. "Pumasok si Ma'am Umali nung PE, nag-bilin lang ng gagawin kasi may meeting daw silang teachers," Gaille explained kaya nakahinga ako ng maluwag. Iniisip 'ko na baka habang nagka-klase sila, natutulog ako. Isa't kalahating may kalokohan sa katawan 'tong mga kaklase 'ko eh. Mako-kotongan 'ko talaga sila isa-isa. Nagpaalam na sila Gaille dahil pauwi na sila, samantalang hihintayin 'ko matapos ang klase nila Siri dahil kasabay 'ko siya pati si Ryden umuwi. Pumunta ako sa cafeteria at chinat sila na roon na lang ako maghihintay. Si Sir Cabrera kasi ang teacher nila kaya sure akong matatagalan 'yon, mahilig 'yon mag-extend eh. Habang naghihintay, binuksan 'ko ang Treind 'ko to check if nag-chat ba sa akin si Ashley dahil end na rin ng class nila. May chat nga siya. @ashleydexplorer : Girl, jgh. Agad 'ko naman siyang nireplyan para maging mabilis ang oras habang naghihintay kina Siri. @elliexxss : hello! I'm still here sa school, you want to call? @ashleydexplorer : yeah, badly need it. I called her. Since we've comfortable with each other, and both treat each other as friends, we often call each other. Agad namang sinagot ni Ashley ang tawag at ang una 'kong narinig ay ang buntong hininga niya. "Hey, why? What happened?" I asked her. Mukhang masama ang araw nito ah? "It's an annoying day, grabe!" panimula niya at narinig 'kong may sumara na pintuan sa background niya. Mukhang kakauwe niya nga lang. "Why? Sino may gawa?" "You remember the guy na kinukwento 'ko na na-meet ko here sa Treind? He went to school!" she said that made my eye widened. Another tsaa! "The guy who asked for your Instamax?" "Yeah! Grabe, nakakahiya! He was looking for me and asking the students if kilala nila ako!" she exclaimed again, ramdam na ramdam 'ko yung frustration niya mula sa phone ha? "Tapos? Ano ginawa mo?" I said, encouraging her to continue her story. "Buti na lang sinabi sa'kin ng friend 'ko kaya nagpasundo ako sa driver sa likod ng school. Omg! I can't believe I talked to a guy like that!" she said and I'm already imagining her rolling her eyes because of annoyance and frustration. "Bakit ba you won't meet him?" I asked because the guy is nice naman. According to her kwentos, they have many alike and the guy is intelligent! A dean lister and a successor of his family's business. "I told you, yung Instamax 'ko yung kinukuha niya which is for kabits only!" she explained, and I laughed my ass out. She's so adorable, ang inosente ng mukha niya, yet, ang dami niyang alam sa buhay. Meron pa siyang ginagamit na mga conyo terms na hindi 'ko alam, so she always explain it to me. "Malay mo naman he doesn't have Facegroup, kaya sa Instamax ka niya gustong i-reach out," I told her. "Then maybe make an account for me? Duh?" she answered. I again laughed at her reply. Just like the typical mayaman girls, she's kind of spoiled pero hindi yung spoiled na nakakainis. She's actually cute! Ang sarap sarap niyang alagaan kasi she listens to you well. Bunso rin siya sa family niya kaya alagang-alaga siya. Minsan nga naiinggit ako sa kanya eh. She has the money. The beauty. The brains. Specially, she has a complete and loving family. Hindi katulad ng pamilya 'ko. "Anyways, my mom's calling me. We'll go to the mall daw, she wants to buy something. Talk to u later, els! Love u!" paalam niya and I nod na akala mo nakikita niya ang non-verbal response 'ko. "Okay, ingat kayo ni Tita! Love you too!" I replied and ended the call. Dahil wala na akong kausap at wala pa rin sina Siri rito, I explored again sa Swipe section para maghanap ng new kausap. I just swiped them to the left kasi hindi 'ko trip yung iba. Sobrang arte 'ko no? Kala mo kagandahan. Emz! I just continued on swiping until a notification from the system popped up. Sovann sent you a friend request. I quickly tapped the notification to check if he's the guy I saw a while ago. At siya nga! Hala! Tinadhana nga siguro kami. Lord, eto na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake 'ko? Charot! Dahil gusto 'ko muna magpakipot, I didn't click the accept agad. If you both liked each other kasi sa Treind or accept someone's friend request, pwede na kayo mag-usap. Para hindi masyado halata type 'ko siya, mamaya 'ko na lang siya i-aaccept pag uwi 'ko ng bahay. Hindi rin naman nagtagal bumaba na sina Siri ng may busangot sa mukha. Mukhang nabadtrip nanaman kay Sir Cabrera. Tsk tsk. "Anyare sa mga mukha niyo?" tanong 'ko nang umupo sila sa mga bakanteng upuan sa table. "Badtrip talaga si Cabrera. Ang daming tanong at ni-lesson, eh magkikita pa naman kami bukas," reklamo ni Ryden. Andito rin sina Kaia at Kendra dahil magkakakaklase sila. Samantalang si Bryce at si Apollo sa ibang section pero STEM pa rin. Ako lang naman nahiwalay sa amin dahil ako lang naman ang nag-HUMSS. "Hayaan mo na, I'll help you guys na lang later if may hindi kayo naintindihan," sambit ni Kaia sabay smile sa kanila na para bang hindi pinoproblema ang mga gawaing ibinigay sa kanila. Sabagay, matalino naman si Kaia eh kaso hindi niya masyado sineseryoso ang pag-aaral para raw may braincell pa siya sa college. Mag-dodoctor pa man din kaming tatlo nila Siri. After a few chats, we left the school para umuwi na. Magkasabay umuwi si Kendra at Kaia dahil magkapit-barangay lang naman sila. Iisa lang sila ng way. Samantalang kaming tatlo nina Siri at Ryden sabay sabay dahil nasa iisang barangay lang kami. We walked papunta sa sakayan ng tricycle at sumakay. Nasa charity si Ryden kahit ang sabi namin sa likod na siya para hindi sayang ang ibabayad niya pero ayaw niya raw. "Ayoko nga! Baka i-backstab niyo ako eh!" dahilan niya kaya tinawanan na lang namin siya ni Siri. "Ay Siri, asan nga pala pinsan 'ko? Bakit hindi niyo kasama?" I asked Siri dahil madalas kaming apat ang magkakasabay umuwi. "Ah, birthday ngayon ng tropa niya. Nauna na kanina," sagot naman niya kaya tumango na lang ako. Iniba naman ni Ryden ang topic at kinuwento sa'min ang nakakausap niya na babae ngayon. "Pre, kilala niyo si Dani diba?" tanong niya. Dani? Her name sounds familiar, parang I heard it before. "Ka-schoolmate mo siya before, Els." sagot niya kaya nasagot na rin ang tanong sa utak 'ko. Kaya pala siya familiar! Siya yung nag-transfer sa school namin nung grade 6 ako while she's in grade 5. Medyo popular siya since she's pretty. Maganda naman talaga! Miski ako natitibo sa kanya eh. "Tapos?" interesadong tanong namin ni Siri dahil minsan lang 'to mag-kwento tungkol sa lovelife niya. "Diba kalaro 'ko lang siya sa PYR dati? Magkachat na kami ngayon!" proud niyang sambit pero lumungkot din ang mukha pagkatapos. PYR or Play Your Role is a mobile shooting game. It's popular ngayon at hindi lang siya uso sa mga lalaki, pero miski na rin sa mga babae! Siri and I actually play it, but we're lowkey lang. Yung apat na lalaki talaga namin ang malala sa ganyan, hindi na nga sila nagrereview tuwing exam kasi naglalaro sila kaya tuloy ngarag sila every morning ng exam. "Oh, bakit ka sad?" "Eh crush siya ni Bryce eh," sagot niya kaya nanlaki mata namin. Bryce? "Bryce natin?" tanong ni Siri. Tumango naman si Ryden. Nako! Kaya pala lumungkot 'tong isang 'to. Mukhang gustong gusto pa naman niya si Dani kaso gusto pala ng tropa namin. "Oh, anong gagawin mo?" "Umamin kasi sa'kin si Dani eh. Sabi niya gusto niya raw ako, pero crush nga siya ni Bryce kaya ayon. Lalayo na lang ako," sabi niya kahit labag ito sa loob niya. Kawawa naman 'tong mga kaibigan 'ko. Bigo sa pag-ibig... "Nasabi mo na kay Bryce?" "Hindi pa, ayoko saktan yung isang 'yon. Alam niyo naman 'yon, laging narereject kaya ayoko na rin sabihin sa kanya. Mukhang gustong gusto niya naman si Dani," Ryden explained and sighed. Totoo naman na maraming beses na na-reject si Bryce. Buti nga hindi na-ttrauma 'yon eh. "Alam mo, mas mahirap kapag sa iba nalaman ni Bryce na gusto mo pala si Dani tapos gusto ka rin niya. Hindi naman ganon ka-selfish 'yon si Bryce, and I'm sure maiintindihan niya," sambit ni Siri kaya I nodded para sabihing sumasang-ayon ako. Alam 'kong hindi dadating yung point na masisira yung friendship nila dahil sa babae. "Ewan 'ko, bahala na." huling sabi niya bago ako pumara dahil nasa may gate na ako ng subdivision namin. "Basta, always choose the choice kung saan ka masaya. If you think she's worth the fight, edi go," huling sabi 'ko bago ako bumaba. Kumaway ako sa kanila dahil magkapit-bahay lang sila. Kumaway din sila pabalik sa akin. Hindi na ako nag-pedicab pauwi ng bahay dahil trip 'ko mag-lakad ngayon. Senti moments kumbaga. Charot! Kinuha 'ko muli ang earphones 'ko at inilagay sa tenga 'ko at nagpatugtog. Wala namang masyado nadaan dito na sasakyan pero mahina lang ang volume para sure. Ayokong bangga ang maging cause ng death 'ko no! Playing: Ride Home by Ben and Ben I closed my phone and continue walking while the music is playing. This song just reminded me that life is an adventure. Just like the trips we have, we have our destinations. Although there are many stops, hindrance, no can stop you from heading where you are meant to be. And just like the trips we have, we may lost our way, we may go to our destinations where it can give us happiness, but we eventually go home. We eventually go to our home where we can find our rest, our solace. I just looked around kasi nandito ako sa pinaka-center ng subdivision namin kung saan madaming kainan. It's like a food park, it's surrounded by trees, decorated with fairy lights that made it more aesthetic. Dahil nga kainan ito at dagdag pa ang ambience nito, maraming nakatambay dito. Merong mga pamilya, magkakaibigan, meron ding solo at syempre mga mag-jowa. I saw my classmate with his girlfriend eating street food on the corner. They looked so happy. Parang hindi siya yung dugyot 'kong kaklase nung Junior High School. I just realized that most of my age, they already are in a relationship. Parang napag-iiwanan ako. I quickly shrugged that thought off of my head. I know that there's a perfect someone for me. A person that God designed for me. Pero Lord, naiinggit pa rin ako huhu. I just pouted and went to a stall kung saan nagtitinda ng kwek-kwek. Favorite namin 'tong magkakaibigan. "Manong, limang piraso po nung kwek kwek na maliit," saad 'ko pagkatapos kumuha ng limang piraso ng kwek kwek na maliliit at 'tsaka ibinigay ang bayad 'ko. Sinuklian naman ako ni Manong kaya umalis na ako roon at tinuloy ang lakad. Dapat pala nag-pedicab na lang ako. Mapapagastos ako rito dahil sa pagkain eh. "I'm home," saad 'ko nang maka-pasok na ako sa bahay. Nakita 'ko naman ang kapatid 'ko sa salas, nanonood ng Reblock, a game for kids. "Saan si Mommy?" I asked him and went over to the kitchen para i-check kung may dinner kami. Meron naman, pininyahan, my favorite! "Umalis," sagot ng kapatid 'ko, naka-focus pa rin sa pinapanood niya. "Kanina pa?" "Oo," sagot muli ng kapatid 'ko. "Bakit ka naman iniwan mag-isa rito?" saad 'ko at kinuha ang cellphone 'ko para i-chat ang nanay 'ko. Alam naman niyang walang makakasama rito ang kapatid 'ko, paano kapag may biglang pumasok sa bahay? Hindi pa naka-lock ang pinto! Dahil hindi naman nag-rereply ang nanay 'ko sa mga chats 'ko, tinawagan 'ko siya dahil pagabi na rin. "Hello, Mommy. Asan ka?" tanong 'ko. "Ah, andito ako kina Tita Maris mo!" sigaw niya dahil maingay sa background niya. Parang may nag-vivideoke. "Sana sinabi mo sa'kin na aalis ka, para maaga ako umuwi. Wala palang kasama si Lance rito," sambit 'ko sa nanay 'ko dahil simula ata nung naghiwalay sila ng tatay 'ko, siya yung na-brokenhearted. Araw-araw inom. Kung anong kina-ayaw 'ko sa alak, ayon naman kina-adik niya roon. "Sorry nak," sagot niya at napa-buntong hininga na lang ako. It's the third time na iniwan niya ang kapatid 'ko mag-isa sa bahay para sumama sa barkada niya. "Okay, just go home early," I said and ended the call. Tumaas ako sa kwarto 'ko para magpalit ng damit at bumaba muli para iinit ang ulam para makakain na kami ng kapatid 'ko. Mukhang umaga na uuwi nanay 'ko eh. "Kain na, mamaya ka na uli manood," saad 'ko sa kapatid 'ko matapos ilapag ang ulam sa table. Sinunod niya naman ako at pi-nause niya ang pinapanood niya. Sa Youtube kasi siya nanonood gamit ang tv. Pagkatapos naming kumain, bumalik sa panonood ang kapatid 'ko samantalang niligpit 'ko naman ang pinag-kainan namin. Matapos mag-ligpit, I asked my brother if may assignments siya para magawa na namin. He just get his notebook from his bag and give me his assignment notebook. Hinanap 'ko ang date ngayon at nakitang wala silang assignment. Ibinigay 'ko na lang sa kanya ang notebook at pinabalik sa bag niya. "Akyat ka na sa kwarto, matulog na dahil maaga pa pasok mo bukas," sambit 'ko kaya my brother pouted and turn the tv off dahil wala siyang magagawa kung hindi sumunod. "Get my laptop in my room, doon ka na lang manood," habol 'ko pa kaya ngumiti siya. "Yehey! Thank you ate," he said and excitedly go upstairs. Many people mistake me as maldita dahil sa awra 'ko. My friends and cousins told me na I have an authoritative awra that made them follow what I told them. I just hope na hindi siya bad thing dahil ayokong magmukhang bossy at manipulative. No, no. I locked our door and chatted my mom kung nasaan ang susi para hindi na kami gisingin pag umuwi siya. After doing what I need to do, I went to my mom and brother's room to check kung anong ginagawa ni Lance. I saw him watching his favorite show on my laptop while laughing. I smiled with the thought na sana na-eenjoy ng kapatid 'ko ang kabataan niya kahit lumaki siya na nag-aaway palagi ang magulang namin. "9 pm, matulog ka na. Maaga pa ang pasok bukas," I told him. He just nodded and continue watching while I went to my room para makapagpahinga na. Wala naman kaming assignments or quizzes kaya humiga na ako sa kama. While laying on my bed, nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip kung babagsak ba 'to sa'kin? Charot! Just then, I remembered yung lalaki sa Treind! I quickly get my phone and go straight to the app. I check his profile once again. Sovann Zamora, University of the Philippines, 18, BS in Biology Siya nga 'yon! Yung gwapong lalaking I accidentally swiped to the left! OMG! Inadd niya ako! Lord, is this destiny? Charot! I accepted his friend request. Hindi 'ko muna siya chinat para hindi halatang crush 'ko na agad siya. Baka sabihin niya crush na crush 'ko siya. Kapal naman ng mukha niya! Medyo crush lang naman... While waiting for his chat, I just watched an episode of a k-drama and drifted to sleep after a while. --------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD