Chapter 4

2658 Words
Mabilis nagdaan ang araw at papalapit na rin ang Foundation Day namin, ibig sabihin, malapit na rin birthday 'ko. Hindi pa ako handang tumanda... Hindi rin ako chi-nat nung Sovann matapos ako i-add sa Treind. Ano ba yan! Paano tayo uunlad niyan? Paano tayo makakahabol sa Valentine's niyan? Charot! Nandito ako ngayon sa Student Council room kasama sina Marga, Kendra at Mara. Inaasikaso namin ang mga designs na ibibigay namin sa kanya-kanyang section dahil sagot namin ito na council. Mababalik din naman sa'min dahil magbebenta kami ng foods during the Foundation Day Proper. "Els, ano balak mo sa birthday mo?" tanong ni Kendra habang nag-gugupit kami ng ticket para sa mga booth. Napa-isip din ako sa tanong niya. Ano nga ba balak 'ko sa birthday 'ko? To be honest, my birthday don't excite me that much anymore. Habang tumatanda ako, parang nagiging normal day na lang din ang birthday. #pubertyhits Charot! "Wala naman, wala nga ata ako balak mag-celebrate," sagot 'ko at pinagpatuloy ang ginagawa. "Hoy! Bakit naman ganon? Dapat maghanda ka! Maghanda ka ha?" pangungulit ni Kendra at hinihila pa ang palda 'ko. Loko talaga 'to! Bakit ba gustong gusto nitong maghanda ako? Siya ba gagastos at magpapakain sa mga bisita? "Bakit ba gusto mong maghanda ako? Ikaw ba gagastos ng pagkain?" "Eh, diba nauwi mga pinsan mo pag may handaan sa inyo? So, baka umuwi pinsan mo pag naghanda ka?" tanong ni Kendra habang nagnining-ning ang mga mata. Eto na nga ba sinasabi 'ko eh. Trip pala pinsan 'ko. "Sino ba roon trip mo?" tanong 'ko dahil baka mamaya may jowa na pala yung pinsan 'kong trip niya. "Yung ano, law student." sagot niya at tinigil muna ang ginagawa upang mag-unat. Tagal din kasi naming nakaupo at nag-gugupit. Halos isang oras ata. "Bababa kami sa canteen, may ipapabili kayo?" tanong ni Mara habang kinukuha sa bag niya ang wallet. Gayundin si Marga. "Ay, ako! The usual," banggit ni Kendra at kinuha rin ang wallet niya sa bag at nagbigay ng pera. Dahil magkakasama na kami since Junior High School sa Student Council, we're always together kapag council matter and we probably know kung ano yung ino-order namin. Kendra always order fries and Java Chip Frappuccino. Dahil naiinggit din ako at gutom na rin ako, nagpa-order na rin ako kina Mara. I usually order Cookies and Cream Frappe and Red Velvet Cake since may cafe sa may canteen namin. Taray nga ng school namin eh, mayaman kahit average lang ang estudyante nila. Nang umalis sina Mara, we decided to stop what we were doing at magpahinga muna. Nag-unat unat din ako dahil ang sakit na rin ng likod 'ko. Buong araw na kaming nandito sa Student Council Room dahil papalapit na rin ang Foundation Day. Dahil doon, dinala na namin ang bag namin para hindi na kami bumalik sa classroom, excuse na rin kami sa mga teachers kaya sarap buhay. Hay! "Si Kuya Ace ba tinutukoy mo?" tanong 'ko kay Kendra dahil si Kuya Ace lang naman ang pinsan 'kong law student. Pero iba rin trip netong babaeng 'to no? Ilang taon na si Kuya Ace, 22 na, tapos siya 17 palang. "Ewan 'ko? Basta alam 'kong law student siya," sagot niya. "Si Kuya Ace nga, siya lang naman law student 'kong pinsan eh," "Aba'y gaga ka, siya lang pala pinsan mong law student. Bakit ka pa nagtatanong kung siya nga? Ikaw ba'y usbaw?" gigil na gigil na banggit niya kaya tumawa ako. Grabe! Happiness 'ko talagang may nabu-bwisit sa buhay. "Alastair Miguel Sales, pangalan sa Instabook. Hindi 'ko lang alam kung may jowa na," sambit 'ko kaya naman umirit ang isa. Tinakpan 'ko ang tenga 'ko dahil nakaka-rindi. Parang sasabog na eardrums 'ko! "Ang gwapo ng pangalan! Pangalan pa lang, jowable na!" giit niya at nilabas ang cellphone para i-search ang pinsan 'ko. "Bakit Ace palayaw niya? Wala namang Ace sa pangalan niya?" Kendra curiously asked while browsing Kuya Ace's photos pero bumagsak ang balikat nang makitang naka-private ang photos. "Alastair, Alas, Ace," I explained. Hindi 'ko alam kung gets niya ba yon pero basta 'yon. Gets niya naman siguro? Or baka hindi? Si Kuya Ace na lang tanungin niya! "Ah," sambit niya at patuloy pa rin sa pag-stalk kahit wala namang makikita sa wall ni Kuya. Hindi nagtagal dumating na rin sina Mara, dala-dala ang mga pagkain namin. Iniligpit 'ko ang gamit naming nasa lamesa para malinis ang table pag kumain na kami. "Buti wala masyadong tao," I told them while getting my cake and frappe. "Buti nga eh, PE pa man din ngayon." they said at kinuha na rin ang pagkaing binili nila. Pagkatapos kumain, pinagpatuloy namin ang paggawa para makatapos na agad. Dahil naging busy ako, hindi 'ko namalayan na February 14 na pala. Ang bilis ng araw! Parang kahapon lang, fetus palang ako, tapos ngayon, 17 na ako! Mag-dedebut na ako next year, mag-cecelebrate kaya ako? Dahil nga maaga ang call time namin ngayon, I don't expect my mom or even my brother to wake up but to my surprise, andoon sila sa salas at may hawak na maliit na cake. I immediately smiled at them at lumapit sa kanila. "Happy birthday, anak. Sorry for what happened the past year, thank you for being a great ate to us." my mom genuinely said while holding the cake while my brother is holding a birthday hat, handang isuot 'to sa'kin kaya I lowered my head para mailagay niya ng maayos. "Thank you mom," I said and hugged her. I'm not sweet, I don't even say "I love you" to them. I really want to, but I really can't. But this time, I had the urged to hug my mom. I don't know but I just did. My mom hugged me back at sumali na rin ang kapatid 'ko. "Nga pala, invite your friends later. May handaan tayo," my mom said kaya I nodded at nag-chat sa group chat dahil panigurado, hindi kami magkakasalubong mamaya. I opened my phone to be greeted by many of my friends. Merong mga nag-greet sa'kin sa Instabook dahil sa post ng nanay 'ko. I cannot thank them all kaya later na lang. I quickly went to our group chat para masabi sa kanila na pumunta sa bahay mamaya. They greeted me pala saktong 12, kasarapan na ng tulog 'ko 'yon... Public Hair 12:00 am pogi (Siri): Happy birthday, my pretty bff! You know what I want to tell you, love u super! I'm so proud of you! weh? (Kaia): Happy birthday, Ellie best girl! Love u! pinakapogi, pinakamatalinong lalaki sa grupong 'to (Bryce): hbd tol ellie. sana masarap handa mo later red flag po (Apollo): hbd nasnip. mbtc, gbu bura(o)t (Zach): hbd els, bigyan kita pogi na taga sci-high as my gift hatdog (Ryden): hbd pre! sana masaya ka sa bday mo hoot hoot lakambaboy (Kendra): habadu, els! sana magka-jowa ka na Yan ang bungad sa'kin pagka-bukas 'ko ng groupchat. I am so lucky to have them in my life. They made my High School life more memorable. They helped me with everything. They never failed to make me smile and support me. goldfish (Ellie): thank u, best buds! see u later! punta raw kayo later sa bahay. Hintayan na lang ulit sa gate. Love y'all!!! And I sent it at pumunta sa Treind dahil nag-chat si Ashley. @ashleydexplorer : happy birthday, pretty girl! u made my life more happy, i thank God for giving u in my life. Mahal na mahal kita! Alam mo yan, see u soonest! I quickly make a reply to her too. Wishing na sana makasama siya later para maipakilala 'ko rin siya sa mga friends 'ko. Paniguradong type 'to ng mga boys, ganda eh. @elliexxss : thank u, bb! how i wish u can come later: After replying to the messages that greets me happy birthday, I went to the bathroom to take a bath. Katulad ng sinabi 'ko kahapon, I never expect to have a blissful birthday kasi patagal nang patagal, it just become a normal day, but they made it blissful. I feel really loved, at if I don't find my birthday surprising anymore, they make it surprising. I thank God for giving them in my life. Kaya siguro hindi pa ako binibigyan ng jowa ni Lord, dahil meron naman akong "sila." Pero Lord, beke nemen. Malapit na ako mag-18 oh! Pumasok na ako sa school at dumiretso sa council room. "Happy birthday, Ellie!" "Ay, anak ka ni Pipay!" sigaw 'ko dahil sa gulat. Akala 'ko kasi ako unang tao sa room dahil nakapatay ang ilaw pero nang binuksan 'ko ang ilaw, they shouted and jumped out of nowhere. Ay jusko! "Grabe ka naman, Els. Binati ka lang namin," tampong saad ni Kendra kaya naman I smiled at them and say "Thank you," "Dahil birthday mo, happy birthday! Gusto 'ko sana maging non-working day mo 'to as a Student Council kaso need ka namin eh," saad ni Kuya Howard, kaya napatawa ako. Ayoko rin naman na walang ginagawa so, kahit pagbawalan nila ako, kikilos at kikilos pa rin ako. Baka Ellie 'to! I thanked them once again, even though, they always greet me every birthday since I became a part of the council. Nag-meeting lang kami saglit bago bumaba at pumunta sa stall na gagamitin namin para sa food booth. Naka-assign ako sa drinks kaya nasa labas ako. I'm with Ate Stella, my senior. "Uy, malapit na kami umalis," malungkot na saad ni Ate Stella. Ate Stella transferred here nung Grade 11, at ngayong taon lang kami nagkasama pero naka-close 'ko na siya ng sobra. "College ka na, ate. Saan mo balak mag-aral?" tanong 'ko. Nakatambay lang kami rito habang hindi pa officially binubuksan ang mga booth. "Hmm, balak 'ko mag-TUIP eh. Pero pag hindi ako nakapasa, mag-GU ako," sagot niya. TUP stands for Technological University and Institute of the Philippines, samantalang Gonzales University ang ibig sabihan ng GU. They're both great universities sa Philipines pero mahirap parehas makapasa. Na-udlot ang usapan namin nang may nagsalita sa speaker. Boses 'yon ni Kuya Howard. "Good morning, Menesians! We are officially opening the booths. Happy Valentine's Day and enjoy the rest of the day!" sambit niya at nagpatugtog ng kanta. I Choose by Alessia Cara All of my life I thought I was right Looking for something new This song is so good. Habang natugtog ang kanta, nagsimula nang dumagsa ang mga estudyante sa booth namin. "Miss, isa nga pong cookies and cream shake," napa-angat ang tingin 'ko sa lalaking nagsalita at hindi nga ako nagkamali na si Rigel 'yon. "Ayoko nga," attitude 'kong sagot. "Ay, sige lods." sagot niya at humarap sa mga estudyanteng nakapila rin para bumili. "Guys, wag na kayo bumili rito, masama ugali ng tindera," dugtong niya kaya naman hinila 'ko ang buhok niya dahil ang kapal ng mukha niya. "Bwisit ka talaga," saad 'ko at 'tsaka binigay ang shake na inorder niya. Kung wala lang dito si Ate Stella, baka nginubnob 'ko na yung mukha niya sa shake na iniinom niya. "Bayad mo hoy!" sigaw ko dahil kinuha niya lang ang shake at umalis na kahit hindi pa siya nagbabayad. "Ay, akala 'ko libre na kasi birthday mo naman," sambit niya at 'tsaka binigay ang bayad. "Wow ha? Baliktad na ha?" sagot 'ko kaya tinawanan niya ako at ginulo ang buhok 'ko. "Happy birthday, lods. Wag magpapagod, birthday mo pa man din," he said and left para siguro asikasuhin ang booth ng section namin. Nakita 'ko naman na palihim na ngumiti ng nakaka-asar si Ate Stella. "Ikaw ha? Hindi mo sinabi na may jowa ka na pala. Gusto mo pala yung matatangkad na chinito," asar niya pa. Yuck! Sa lahat ng pwedeng mapagkamalang jowa 'ko, si Rigel pa! Lason! "Jusko, Ate Stella! Lason, please!" giit 'ko at patuloy na nag-aasikaso ng mga orders ng mga estudyante. "D'yan din kami nag-simula ni Pierre, tingnan mo ngayon, break na kami." saad niya at tumawa. "Yiee, hindi pa nakakapag-move on!" asar 'ko rin sa kanya. Hindi ako papatalo no! "Ulol, baka siya hindi pa nakaka-move on sa'kin. Tingnan mo!" at pasimpleng nginuso ang booth na nasa gitna ng covered court. Nandoon kasi ang wedding booth, at ang section ni Kuya Pierre ang nagfa-facilitate ng booth na 'yon. Nakita 'kong nakatingin si Kuya Pierre sa gawi namin, kaya ngumiti lalo ako ng nakakaloko. Nangangamoy cb oh! "Ate, excuse po. Hindi pa po ba tapos ang order 'ko?" Napatigil ang usapan namin nang may nagsalita na student sa harapan namin. Wari ko'y Grade 7 siya. Hala! Nakalimutan 'ko nang ibigay! "Hala, sorry! Eto oh! Thank you, balik ka." I said and she nodded and said "Thank you." Nagkatinginan kami ni Ate Stella at nagtawanan. Buti na lang hindi namin kasama si Kuya Howard sa inumin at nasa loob siya, nagluluto, kaya hindi kami mapapagalitan. Hindi na ulit kami nag-chikahan dahil baka maulit ulit ang nangyari kanina. Nagkaroon kami ng lunch break at sagot ng Student Council ang lunch namin, kaya no need gumastos. Yehey! Perks of being a Student Council. "Dami palang gwapo ngayon sa Grade 7 no?" bungad ni Kendra pagka-pasok na pagka-pasok sa room na pinagsstayan namin. Nasa labas para magbantay ng food booth ang mga kaklase ni Kuya Howard para makakain kami ng lunch. "Hoy! Ang babata ng mga yan! Maghunos dili ka nga, Kendra. Jusmiyo ka!" giit ni Mara at inusod ang upuan niya papalapit sa table kung nasa'n kami. "So?" mataray na sagot ni Kendra. Matapos ang konting bardagulan, kumain na kami para makapag-bantay na ulit ng food booth. Nakakahiya naman sa mga friends ni Kuya Howard. "Kuya, kami na po magbabantay dito. Thank you po!" sambit 'ko sa mga kaibigan ni Kuya Howard. Tumango naman sila at pumunta na rin sa mga booths nila. Habang nag-aasikaso ng mga orders ng mga estudyante, narinig 'ko ang pangalan 'ko sa speaker. May nagdededicate sa'kin. May dedication booth din kasi rito at ang section namin nina Rigel at Gaille ang nag-aasikaso rito. "So, this song is dedicated to Ms. Elasca Marie Valencia," panimula ng speaker na wari ko'y si Rigel dahil kaboses niya. But why the full name though? Bakit naman sinama yung pangalan 'kong pang-gatas? Pwede namang Ellie na lang huhu. "Dear Ms. Ellie, I want to greet you a happy birthday. I'm dedicating 'Isn't She Lovely' by Stevie Wonder for you because I want you to know that you are loved, I'll always adore you from afar," pagpapatuloy ni Rigel. "Aw! Ang sweet naman ng dedicator mo, Els!" sambit ni Ate Stella at inalog-alog pa ang braso 'ko. Pumunta rin sa space namin ang minions na sina Mara, Kendra at Marga para chikahin ako. "Hoy! Bakit may pa-dedication?" "Haba naman ng buhok ng Ellie namin!" "Madaya 'to si Ellie, binayaran yung dedication," panira ni Kendra kaya sinabunutan 'ko siya. Panira talaga! "From Hunter. So this is 'Isn't She Lovely' by Stevie Wonders to Ms. Elasca Marie from Hunter," pagtatapos ni Rigel at 'tsaka pinlay ang kanta. Isn't She Lovely by Stevie Wonders Isn't she lovely Isn't she wonderful Isn't she precious Less than one minute old Panimula ng kanta. This is one of my favorite songs, I wonder how Hunter knew about my favorite song kasi sa mga close friends 'ko lang siya nasabi. I never thought through love we'd be Making one as lovely as she But isn't she lovely made from love Habang nagpapatuloy ang kanta, patuloy din ang pang-aasar sa'kin. "Ellie, I'm so proud of you! May jowa ka na!" sigaw ni Kendra at sinabunutan ako. Sinabunutan 'ko rin siya dahil hindi ako papayag na inaapi-api ako! "Londie, it could have not been done without you who conceived the one," napatigil kaming lahat nang may sumabay sa kanta. Agad akong napatingin sa may dedication booth na nasa stage at nakita si Rigel na nakatingin sa'kin. Siya yung sumabay sa kanta. Maganda rin pala boses niya. "That's so very lovely made from love" he continued and smiled at me. ----------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD