Hindi 'ko mawari kung bakit nakatingin sa'kin si Rigel habang sumasabay sa kanta. Hindi naman pwedeng may gusto pa rin siya sa'kin kasi may nakakausap na siya diba?
After our eyes met, I quickly break it. All of a sudden, I feel awkward. Pinaghihila naman nina Kendra ang buhok 'ko.
"Grabe! Ang gwapo ng boses ha?"
"Jowain mo na 'yan, Ellie! Habol na sa birthday at Valentine's dali!"
"Paki-tabi! Natatapakan niyo na buhok ng birthday girl!"
"Daya, binayaran na nga yung dedication, pati ba naman yung host,"
"Magtigil nga kayo! Sumabay lang yan sa kanta para sirain. Walang ibang meaning 'yon!" giit 'ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi 'ko maintindihan si Rigel at siya rin ba yung Hunter? Hindi naman siguro! Sabi naman ni Rigel sa'kin, hindi niya na ako gusto. Baka sumabay lang siya sa kanta kasi paborito niya, o kaya naman sumabay siya sa kanta para sirain kasi naka-dedicated sa'kin? Oo, siguro 'yon nga...
Natapos ang Foundation Day at nairaos naman namin ng maayos.
"This will be the last event that we'll handle kaya I wanna thank all of you for working hard! Ngayon, alam 'kong pagod na kayo kaya umuwi na tayo at magpahinga. Mag-set na lang tayo ng date kung kailan ang swimming," sambit ni Kuya Howard kaya napa-sigaw kami sa tuwa! May swimming! Although this is kind of secret kasi bawal kami mag-swimming kahit may kasamang teacher, tutuloy pa rin kami. Hihihi! We break the rules, emz!
After the short meeting, Kendra, Mara, Marga and I went to the gate para tagpuin sina Siri. I invited my Grade 12 co-officers but they have to finish their school works, which is okay lang! Ang busy talaga pag Graduating Student ka. Ayoko na tuloy gumaraduate!
Pagdating namin sa gate, naroon na ang barkada. Nandoon na rin si Zach na kasabay lang namin dumating mula sa school niya.
Hindi ako pinansin ng barkada at umalis agad kami. Pinaprank nanaman ako ng mga 'to. Laos naman na yung prank nila kasi ginawa na nila 'yon sa'kin last year nung nag-swimming kami nung birthday 'ko. Kaya ang ginawa 'ko, hindi 'ko rin sila pinansin. Damay damay na 'to!
"Pre, mukhang alam ni Ellie na prank lang 'to," narinig 'kong bulong ni Ryden sa likod 'ko.
"Wag ka naman maingay, pre! Ligalig mo eh," sagot naman nung isa na wari ko'y si Bryce. Hindi na rin ako pinapansin nung 3 'kong kasabay kanina, marahil kinuntsaba ng mga 'to.
Nakarating kami sa bahay ng hindi nagkikibuan. Kikibuin din naman ako ng mga 'yan mamaya. Pagdating namin, sinalubong agad kami ng nanay 'ko kaya nagpa-bida ang mga kaibigan 'ko.
"Hello, tita! ganda niyo pa rin po,"
"Tita, ba't ang fresh mo?"
"Tita, mas maganda ka pa sa araw,"
"Tita, penge bente!"
"Ay jusko! Wala akong pera ngayon ha? Bukas na lang," biro ng nanay 'ko at pinatuloy na kami sa salas. Andoon sa salas ang mga pinsan 'ko na nagsi-uwi rin ngayon kaya kuminang ang mata ni Kendra. Andito rin kasi si Kuya Ace, fresh from Manila.
"Happy birthday, Ellie 'ko!" bati sa'kin ni Ate Julia kasama si Kuya Erwin na asawa niya at si Ethan na anak nila. Agad 'kong kinuha si Ethan at hinalikan sa pisngi. Napaka-cute talaga ng pamangkin 'kong 'to! Mana sa tita.
"Regalo 'ko?" tanong 'ko habang kinakagat ang pisngi ni Ethan.
"Mamaya," she said, giving me a mischievous smile. Kinabahan naman ako roon. Last gift nila sa'kin, kasabwat ang barkada 'ko, pinapunta nila ang crush 'ko sa bahay. Nakakahiya 'yon grabe! Kaklase pa naman nina Kuya Howard 'yon! Hindi lang 'yon, pinakilala nila kay Mommy 'yon bilang boyfriend 'ko. Eh, hindi nga ako kina-rushback! Hmp!
Binaba 'ko si Ethan para makapaglaro. Kumpleto rin kaming magpipinsan, kasama ang mga jowa nila... Akala 'ko ba birthday 'ko?Bakit inaapi nila ako? Charot!
Lumapit na ako kina Siri dahil baka sabihin nila inabanduna 'ko sila, although ka-close naman nila ang family 'ko.
"Happy birthday, Ellie." napa-angat ang tingin 'ko sa lalaking tumawag ng pangalan 'ko. Si Kuya Ace pala, kaya naman agad akong napatingin kay Kendra na kulang na lang tumulo ang laway dahil sobra makatitig sa pinsan 'ko.
"Thank you, Kuya. Regalo 'ko?" sambit ko sabay lahad ng kamay 'ko.
Ina-piran niya lang ang kamay 'ko at tinawanan ako. "Bawi ako next year. Biglaan lang sabi ni tita na may celebration eh. I went here directly after my class," he explained while I just pouted. Napatingin ang gawi 'ko kay Kendra na nasa gilid dahil tinuturo niya ang sarili niya, parang sinasabi na ipakilala 'ko siya. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to, grabe!
Napa-irap ako at tumayo para ipakilala ang mga kaibigan 'ko.
"Kuya, you know my friends naman diba?" I said and Kuya Ace nodded. "This is Siri, Apollo's girlfriend," I said and Kuya Ace nodded.
"Oh, it's her! Hi, I hope our cousin's taking good care of you," Kuya Ace said. "Asan nga pala 'yon?" Kuya Ace asked. Sakto naman na nagbukas ang pinto, revealing Apollo.
"Bro!" Apollo approached Kuya Ace and fist bumped with him. "I assume you already met my girlfriend?" Apollo said while heading to Siri's side and held her waist. Napa-irap naman ako kasi sa harapan 'ko pa talaga? The audacity!
"Yeah, she's pretty, bro. You better take good care of her," Kuya Ace threatened Apollo kaya Apollo smile, and said "Of course, Kuya." kaya naman namula si Siri. Cringe. Charot!
I continue to introduce the rest of the gang kasi Kuya Ace don't know some of them. "Kuya, this is Kendra, my friend." I introduced Kendra kaya tumayo si Kendra and offer her hand for a handshake. They look at each other's eyes, infront of me pa talaga. Akala 'ko ba birthday 'ko 'to? Eh bakit kinikilig ako sa relasyon ng iba?
"Hi," Kuya Ace said and Kendra did the same. Kuya Ace struggles to get his hand from Kendra pero masyadong mahigpit ang hawak ni Kendra sa kamay ng pinsan 'ko. Grabe! Pwede bang magpabebe muna 'to? Halatang gustong gusto ang pinsan 'ko eh.
"Ah, Miss, my hand?" Kuya Ace said kaya Kendra quickly let go of Kuya Ace's hand and apologize. Kuya Ace just smiled at nagpa-alam na pupunta lang sa mga pinsan namin.
"'Te, pwedeng magpabebe ka muna? Gusto ni Kuya Ace yung pakipot," I said.
"Ang gwapo ng pinsan mo, masisisi mo ba ako?" she answered, not taking her eyes away from my cousin. I rolled my eyes, again, at niyaya silang kumain.
It's already dark and my friends are still here. Ihahatid na lang daw sila nina Tito gamit ang van dahil gabi na rin. Nakatambay lang kami sa living room at naglalaro ng cards.
"Hehehehe," Bryce evilly laugh at ibinaba ang 4x niya na card. Tiningnan naman siya ni Mara dahil siya ang kasunod ni Bryce at ibinaba rin ang 4x niya. Lahat kami may 4x, kaya ibinaba namin 'to at si Kendra na yung susunod. Kung hindi magbaba si Kendra ng 2x na color blue or 4x, sa kanya mapupunta ang 36 cards, at kung magbaba naman siya, kay Bryce mapupunta ang cards.
Kung kani-kaninong santo na siguro nagdadasal si Bryce para hindi sa kanya ang card pero agad siyang napasigaw dahil merong 4x si Kendra! Kay Bryce mapupunta ang 40 card! Haha! Karma!
"Karma mo 'yan, b***h!" sigaw ni Kendra at tinawanan ng malakas. Patuloy naming inaasar si Bryce nang tawagin ako ng nanay 'ko.
"Nak, may bisita ka. Kaibigan mo raw," sambit niya at nagtaka ako dahil wala naman akong inaasahan. I invited Gaille and Rigel. Hindi pinapayagan si Gaille sa mga birthday parties, samantalang ita-try daw ni Rigel dahil may family dinner daw sila.
Sumunod ako sa nanay 'ko lumabas. Nanlaki ang mata 'ko nang makita kung sino ang bisitang sinasabi ng nanay 'ko.
"OMG! ASHLEY!!!" sigaw 'ko at tumakbo sa kanya at yinakap siya. Grabe! I don't expect her to be here kasi ang layo ng Manila sa Laguna, but here she is! Kung hindi 'to kaya ng future jowa 'ko, maigi pang maghiwalay na kami.
"Happy birthday, best girl!" she said at naghiwalay kami. She handed me a paper bag, at nanlaki ang mata 'ko nang makitang galing ito sa isang kilalang luxury brand.
"Uy! You don't have to give me a gift!" I said, declining her gift kasi nahihiya ako! Grabe, this is the first time we meet and she already give me a luxury brand gift! My broke ass can't relate.
"Hay, nako! Accept it! Magtatampo ako," she said and give it to me. I accept it kahit nahihiya-hiya pa ako. I introduced her to my mom, and my mom immediately accommodate her inside at nakasunod ako sa kanila.
"How did you know my house?" I asked dahil hindi siya familiar sa lugar 'ko, hindi 'ko rin naman nababanggit sa kanya yung address 'ko.
"I have my ways, girl. Ikaw kasi eh! You said you hope that I would come ngayon, so I did! Madali naman akong kausap," she said and follow my mom inside our house.
"Ang daya mo naman, Bryce! Talo ka na tapos ayaw mong gawin yung dare, buang ka ba?" rinig naming sigaw ni Kendra pagkapasok at pagkapasok palang namin sa bahay. Tinawanan lang sila ng nanay 'ko, sanay na sa ingay nila, at dumiretso sa kitchen para ikuha ng plato si Ashley.
Hinila 'ko si Ashley papunta kung nasaan ang barkada.
"Hoy!" I said para makuha ang attention nila. They eventually became quiet while looking at Ashley, who's standing beside me holding my hand while whispering, "Ayaw ba nila sa'kin?" I laughed at her kasi she's too innocent, hindi niya ba alam na tumahimik sila dahil masyado siyang maganda?
"Guys, this is Ashley. My friend from Manila. Ashley, these are my friends; Siri, Apollo, Zach, Ryden, Kaia, Marga, Mara, Bryce and Kendra," I introduced them to each other.
"Hello! Nice to meet you all!" Ashley happily said while waving her hand. Nang makaraos sa pagiging starstruck ang mga kaibigan 'ko, they quickly greet Ashley. Kendra immediately grab Ashley's arm to sit beside her, kaya naman Ashley looked at me, while I smiled at her and nodded.
My mom called Ashley so she could eat. I immediately accompany her while my friends resume their game. Sasali na lang kami ni Ashley mamaya.
"Hanggang anong oras ka dito?" I asked her while she's eating.
"I asked my mom kung pwede akong mag-sleepover, and she said yes since she already met you through video call," she said. Because we always talk to each other, minsan nag-vivideocall kami at isang beses nahuli siya ng nanay niya with a thought na baka jowa niya ako, but no. Tita Leandra is so nice, no wonder kung bakit mabait si Ashley, nagmana sa nanay.
"That's nice! You'll sleep in my room," I excitedly said.
"Yes! It's my first time having a sleepover because I'm the who's hosting the sleepover," she said. Hindi 'ko na siya dinaldal dahil nakain siya. Suddenly, my phone rang, revealing Callie who's calling. I quickly answer the call, at bumungad sa'kin ang Callie'ng kakagising lang.
"I'm sorry, I'm late for the greetings, baby! Happy birthday, Ellie! I wish I'm there to celebrate your birthday with you," Callie sadly said while I smile at her. At least, she didn't forgot my birthday kahit magkaiba ang time zone namin.
"It's okay, Callie! Ah, nga pala! This is Ashley, my friend," I introduced Ashley to her and they greeted each other. I gave my phone to the gang at nag-usap usap sila roon.
The night went by fast, at pauwi na rin sina Siri. Hinatid 'ko sila sa gate dahil ihahatid sila ni Tito.
"Uy, thank you! Ingat kayo! Chat kayo pag naka-uwi na kayo," sambit 'ko habang pumapasok sila sa loob ng van.
"Ay wait!" Siri suddenly went at my way and get something from her bag. It was a paper bag at inabot niya sa'kin yon.
"My gift!" she exclaimed. Bubuksan 'ko na sana nang pigilan niya ako. "Later mo na buksan kapag naka-alis na kami," giit niya kaya naman I hugged her again and waved them goodbye. Nang maka-alis na ang sasakyan, I also went inside our house at dumiretso sa kuwarto 'ko kung na'san si Ashley. Sina Kuya Ace naman at mga pinsan 'ko, dito rin sila sa bahay matutulog dahil Sabado naman, wala raw silang pasok. May guest room naman kami at malapit lang din ang bahay nina tita rito kaya if hindi kami kasya sa bahay, doon na lang sila.
Pagdating 'ko sa kuwarto, Ashley is looking around. Nahiya naman ako bigla dahil ang liit ng kuwarto 'ko kumpara sa kuwarto niya.
"Sorry, it's small and messy," I said at agad na kinuha ang mga kalat na nakita 'ko. Ashley just laughed and told me it's okay. Ang cute nga raw ng kuwarto 'ko, parang hindi room ng 17 years old dahil wala masyadong gamit, hindi raw katulad ng mga classmates niya. Andami raw arte sa katawan.
Inilagay 'ko sa tabi ang regalo ni Siri at dumiretso na sa cr para maghugas ng katawan. Madaming nangyari ngayong araw. Malapit na matapos ang birthday 'ko pero hindi pa rin ako binabati ng tatay 'ko. Kahit greet lang, kahit wag na siya pumunta sa bahay, okay na okay na ako.
I quickly shrugged that thought off dahil birthday 'ko ngayon, I should be happy. After taking a bath, I returned to my room and saw Ashley na naglalatag ng foam na nakuha niya sa ilalim ng higaan 'ko at inilatag sa sahig. Agad 'ko siyang pinigilan dahil bisita namin siya no! Masasabunutan ako ng nanay 'ko neto!
"Uy! Ano ginagawa mo? Tabi tayo sa kama," sambit 'ko at hinila siya sa kama. "Tutulog ka na ba? Or gusto mo mag-chismisan muna tayo?" tanong 'ko kaya tinawanan niya ako. Mag-chismisan daw muna kami.
"You know what? I like your life, it's super lowkey and you have awesome cousins and friends!" she opened up. I didn't know na gusto niya pala mamuhay ng tulad 'ko, kahit broken family ako.
"Why would you want to live my life? Sobrang boring kaya!" I replied. "I like your life too, you have loving parents and brother. You can buy whatever you want, go wherever you want. But don't get me wrong ha? I envy you but I'm not jealous. I'm still happy with my life. Nagbibigay lagi si Lord ng rason kung bakit kailangan 'kong mahalin buhay 'ko," I continued. Ashley just smiled at me at iniwas ang chikahan sa private lives namin dahil dapat good vibes lang!
Nanood na lamang kami ng movie. Habang nanonood, chineck 'ko ang oras.
11:59
Malapit na pala matapos ang birthday 'ko. Ang bilis naman.
Magfo-focus na sana ako sa panonood nang biglang mag-notif ang cellphone 'ko. It was a notification from Treind so I opened it and the notification leave my mouth open.
sovann_z: Happy birthday, I hope I'm not yet late hahaha.
----------------------------------------------------------------------------------