Nanlaki ang mata 'ko at tinakpan 'ko ang bibig 'ko para pigilan ang pag-tili dahil nanonood si Ashley sa tabi ko at natutulog na ang mga pinsan 'ko sa kabilang kwarto. He sent it at 11:59!! He's the last person to greet! And he's the last person I'm expecting!
I collect my thoughts dahil baka imbes na "Thank you" lang masabi 'ko, maging long sweet message pa.
Pinakalma 'ko muna ang puso 'kong sasabog na dahil sa kilig at nagtipa ng i-rereply sa kanya.
Hey! Thank you, hehe..
Ay, wait! Is it too awkward?
Thank you! :>
Not this one! Masyadong mataray.
No, you're not late pa!
And not this one!! Para akong... tae?
HDASDASDASD HINDI KO ALAM SASABIHIN KO, PERO I DO PO DOC!!! T___T
Napatakip na lang ako ng mukha ko dahil hindi naman ako ganito dati. I could easily talk to others. Ganito ba talaga kapag sa online na-meet?
"Ano yan? Bakit you look like natatae?" napabalikwas ako nang marinig si Ashley na nasa tabi, sinisilip ang cellphone 'ko.
"Ha? Ano, wala! Ano lang, may nakita lang ako na lamok, ang cute pala ng lamok pag zinoom no?" wika 'ko, at kinunutan naman niya ako ng noo, at 'tsaka ibinalik ang atensyon sa pinapanood niya.
Napatingin ako sa cellphone 'ko dahil bigla itong nag-vibrate.
sovann_z: Huh?
Ha? Bakit huh?
Binuksan ko ang conversation namin at nakitang sinend ko pala yung huling tinype ko.
I do, I do ka pa dyan shuta ka! Halatang halata na crush mo! Hindi proud si Maria Clara sa'yo!
@elliexxss: I mean! I do thank you a lot! You're not late pa naman hahahaha!
Sinubsob ko muli ang mukha ko sa unan dahil sa kahihiyan. Baka na-turn off na 'to sa'kin! Muntikan ko pang hindi malusutan, pero hindi naman siya ganoon ka-slow para hindi ma-gets yung sinabi ko. Med student yan, girl!
sovann_z: Oh, okay. Sure, you're welcome.
Hala, sige! Ano sasabihin 'ko rito... Hala beh! Maki-sama ka naman. Hindi lang ako yung mage-effort sa relasyon na 'to! Pagod na ako! Ayoko na!
Choz!
@elliexxss: hehehe, how do you know that it's my birthday pala?
Tipa 'ko at sinend sa kanya para naman humaba ng konti yung pag-uusapan namin. Girl, hindi tayo titibag, ipapanalo natin 'tong laban na 'to. Baka alagang Bonakid 'to!
sovann_z: ah, I visited your profile. It says that it's your birthday today.
Ah.
Ah-no na sasabihin 'ko?
@elliexxss: oh, i see hahahaha.
Ano ba yan! Ang hina 'ko naman. Kapag nakita 'to ni Kendra, magagalit sa'kin 'yon! Parang hindi ako sineminar, huhuhuhu.
"Sino 'yan ha? You're too focused sa phone mo ha? Did you understand the movie ba?" Hindi ko napansin na tapos na pala ang movie. Hindi 'ko man lang nakita kung nagka-tuluyan ba yung dalawang bida, o kung sawi ba sila.
"Nagka-tuluyan ba?" tanong 'ko sabay tago ng cellphone sa gilid dahil panigurado, hindi naman na ako rereplyan non.
"Unfortunately, no. Diba they got separated, and when they met again, may jowa na si girl. Nawalan ng saysay ang pag-hihintay nung lalaki sa kanya," Ashley sadly narrated. Hay, kawawa nga no?
Pero, ibang klase rin yung may taong handang maghintay sa'yo kahit gaano pa katagal. But, hindi lang din doon nag-wowork ang paghihintay, kasi need mo pa rin ng assurance from the person you're waiting for.
And, it's also important to put yourself first before anything or anyone else. Hindi sapat yung "kasi mahal 'ko," na dahilan para unahin sila kung in the process, nawawala mo naman yung sarili mo.
Grabe, ang dami 'kong alam. NBSB naman.
"Sayang naman sila, pero, the guy's too dependent kasi sa girl. Buti nga the girl decided to take a break, ang pagkakamali lang, the girl did not clear kung dapat pa bang maghintay yung boy o hindi. Kaya quits lang," I said while standing from where I sit, and stretch my arms. Nakakangalay pala.
"Pero ang galing no? What does it feel kaya na merong taong maghihintay para sa'yo?" Ashley suddenly ask out of the blue, kaya napatingin ako sa kanya. Ano nga ba ang feeling?
"Ewan ko? Hindi pa naman ako nagkaka-boyfriend or anything kaya I don't know how it feels. Pero I bet it's something too genuine to experience," I said while walking towards our bed, sumunod naman si Ashley sa'kin.
To be honest, I don't even know how love feels. Diba, there's three kind of love; Eros, Philos, and Agape. Philos is a love from our friends and families, Agape is the unconditional love of God, and Eros is the romantic love. I already experienced the Philos and Agape, but the Eros? Hindi pa...
Yes, I do had some flings, but I don't got the feeling of the love that I've been reading on books. Yung butterflies sa stomach, yung slow motion, and sacrificing for the your significant other.
"Me too, although, I had some flings. But, I'm not nagmamadali naman. I still want to enjoy my youth, and I hope you do too. I know you've been feeling pressured kasi most of your friends or classmates have jowas na, but take your time. The right person will come at the right time," Ashley said, smiling while looking straight into my eyes. Her expression looks so genuine.
Tumango na lang ako and smiled back. We lay down at our bed, and continue our chikahan. Time flies fast when you're enjoying kaya hindi na namin namalayan na alas tres na pala ng madaling araw at eto kami ngayon, nagtatawanan while reminiscing our most embarrassing moment.
"Grabe! I'm so assuming nung time na yon! I thought the guy was following me because he likes me or whatever, but classmate ko pala siya! Grabe, I shouted pa naman non, sabi 'ko, 'Stop following me! Dog ka ba?'" she narrated, while I laughed at her story.
"He was giving me the 'the f**k you doing look?' and answered me, 'Miss, the f**k? I literally have the same uniform.' and doon ko lang napagtanto na oo nga! I mean! Masisisi niya ba ako? I'm pretty kaya! Some boys followed me before asking my number, so, duh?" she said while rolling her eyes.
"Oh, tapos? Anyare?"
"Ayon! I immediately walked away, but ayon nga, same kami ng classroom. Tabi pa kami ng upuan since we're both late non. We're always fighting, I swear! But, he's pogi naman, so?" she added.
"Kaya naman pala okay lang, kasi pogi?" sabi 'ko with nang-aasar tone. "Tama behavior," I added so we both laughed.
"Ikaw? What's your most embarassing moment?" Napa-isip ako, what's my most embarrassing moment ba?
"Madami eh, sa sobrang dami gusto ko na ulit magpakain sa lupa."
"Ang daya naman neto! Sige, isa lang! Kahit yung recently lang," she convincing said, kaya I sighed.
"Sige, uhm, ano ba? Ah, yung siguro ano, yung may event kami sa school tapos kasali ako sa choir. Ako kasi yung parang head singer? Ewan! Kung ano man ang tawag doon, tapos, nagpa-practice kami, eh late ako non. Tapos nung umupo ako tas kumanta na, bigla akong pumiyok! Tinawanan pa ako ng nagtuturo sa'min non! Grabe!!! Ayoko na maalala yon!" I said, habang dinukdok ang ulo ko sa unan dahil nakadapa na kami, tila hindi tinatalaban ng antok.
"OMG! I didn't know you can sing! Can I hear it?" Ashley looks at me with pleading eyes. Hay! Paano 'ko ba matitiis 'tong babaeng to?
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Ano bang gusto mong kantahin ko?"
"Hmmm, do you know 'A Thousand Years' by Christina Perri? That song never gets old eh, I still have that song on my playlist," she said while I nod. It's a pretty song, chill lang, no high notes.
"Heart beats fast, colors and promises," Panimula 'ko. "How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall," I continued while I saw Ashley adjusting her sleeping position, so she could be comfortable.
"One step closer. I have died everyday waiting for you. Darling, don't be afraid I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more..." I ended the song and saw Ashley has fallen asleep already. I smiled at her cute sleeping face, and adjust the blanket para hindi siya lamigin.
Dahil hindi pa naman ako inaantok, balak ko sanang manood ng ASMR Mukbang nang makakita ulit ako ng isa pang notification mula sa Treind.
Sovann sent a message
3 hours ago...
Hala! Ni-replyan niya pa pala ako! Hindi 'ko alam dahil feeling ko kanina hindi na matutuloy ang usapan namin. Agad 'ko itong binuksan.
sovann_z: anyways, did u enjoy your day? : )
LORD!!! POGI TYPINGS PO! If hindi po siya para sa'kin, bakit po?
Ngiti akong nagtipa ng ire-reply sa kanya.
@elliexxss: slr! nag-sleep over kasi friend 'ko, chikahan lang ganern. anyways, i enjoyed my day ;>. it was full of surprises, and i'm genuinely happy.
Sinend 'ko ito sa kanya, hindi umaasang magrereply siya dahil alas-tres na nga ng madaling araw. Baka tulog na 'to, o baka naman hindi talaga siya puyatero.
I-cclose ko na sana ang app, ngunit nakita 'kong sineen niya ang message 'ko at nag-ttype.
@sovann_z: haha, it's okay. i'm glad : >, u deserve to be happy.
LORD!!!! I'M NOT YOUR STRONGEST SOLDIER PO! JUSKO!
Pigil na pigil nanaman ang irit 'ko dahil mahimbing na ang tulog ni Ashley sa tabi 'ko. Para na rin akong nagkape dahil nagising bigla ang diwa 'ko.
@elliexxss: hahaha, thank you. why r u awake pa pala? 3 am sharp na oh
@sovann_z: hmm, studying. u?
Patulog na sana, pero ginising mo bigla diwa ko, lods.
Syempre, hindi na ako tanga para i-send yan ulit kaya naman dinelete 'ko agad ang tinipa 'ko, at nag-type ng panibagong message.
@elliexxss: can't sleep, tinulugan ako ng kasama ko huhuhuhu.
@sovann_z: u should sleep na. it's getting late, it's not good for your health.
Coming from a med student na hindi pa natutulog? Sige po, doc.
@elliexxss: what about you?
@sovann_z: nah, i still have a lot to memorize.
Ang hirap pala mag-aral ng Med no? Parang umatras bigla yung kagustuhan 'kong maging Psychologist.
@elliexxss: hay, you should rest din. mas nag-wowork ang brain kapag kumpleto ang tulog. i'll na po. good night po, future doc! u did well today <3
@sovann_z: thank you, u did well today too.
Pinatay ko na ang cellphone 'ko, and drifted to sleep.
Kinabukasan, late na parehas kami nagising ni Ashley. Kung normal na araw lang 'to, malamang napagalitan na ako ng nanay 'ko pero dahil nandito si Ashley at iba 'ko pang pinsan, hindi ako napagalitan. Safe po!
After naming maghilamos at mag-toothbrush, bumaba na kami upang mag-brunch. Alas dose na kasi.
"Good afternoon, tita!" bati ni Ashley sa nanay 'ko na kasalukuyang nilalagyan ng pagkain ang nakababata 'kong kapatid. Ang mga pinsan 'ko namang lalaki ay nasa court, maglalaro raw. Sana mangitim sila, tanghaling tanghali eh. Sina Ate Jamie naman at ang mga tita 'ko umuwi na raw kaninang umaga, sina Ate Julia naman at si Kuya Erwin iniwan muna si Ethan dito sa bahay dahil magda-date raw sila. Edi wow, sana all.
May kasalanan pa pala sa'kin yung mag-asawang yon! Yung regalo pala na sinasabi nila ay irereto nila ako sa pinsan ni Kuya Erwin sa La Union, vinideo call pa nga sa harap ng nanay at kaibigan ko! Inasar tuloy ako, parang sira. Hindi ba nila alam na taken na ako? Choz.
"Hindi naman sa pinapauwi kita, iha. Pero anong oras ka susunduin dito? Baka nag-aalala na ang magulang mo sa bahay niyo." tanong ng nanay ko kay Ashley.
"Uhm, siguro po mga gabi na? I'm planning po kasi na mag-mall muna with Ellie since it's my first time here in Laguna po," sagot naman ni Ashley at tumango ang nanay 'ko. After eating our brunch, umakyat na kami sa kuwarto at naligo na dahil mag-mamall nga kami ngayon.
I'm just wearing a brown spring high waist wide pants, together with a white crop top and a pair of white shoes. On the other hand, Ashley is wearing a brown skirt, a black round neck crop top and a pair of white shoes. Matchy, matchy kami!
Nagpaalam na kami kay Mommy at nag-commute papunta sa mall. Sayang nga lang at hindi magtatagal si Ash dito sa Laguna, yayayain 'ko sana siya mag-cafe hopping since parehas naman kami mahilig sa kape.
Pagkarating namin sa mall, dumiretso kami sa department store para magtingin-tingin ng pwedeng bilhin. Sinamahan 'ko lang si Ashley dahil broke era pa ako, kape lang kaya ng budget 'ko for today's video.
"Els! Come here, this looks good on you," she said, holding a contrast collar backless halter dress, maganda ito at color red maliban sa collar na color white. Lumapit ako upang tingnan ang presyo.
"Hala! Hoy! 'Wag na! Ang mahal nito, Ashley, grabe! Wag na!" todo tanggi ako dahil sobrang nakakahilo ang presyo! Isang dress lang yon pero umabot ng tatlong libo, kahit may pawis pa 'yan ng paborito 'kong artista, hindi 'ko bibilhin yon!
"Ano ka ba! It's okay! Kulang pa nga 'to eh. Dali na! Fit the dress na, let's see if fit sa'yo yung size," she said while pushing me towards the fitting room. Napabuntong hiningi ako dahil wala akong magagawa rito. For a month na magka-usap kami, I saw how persistent she is lalo na kapag may gusto siyang gawin. Isa na rito kapag may gusto siyang bilhin.
I fit the dress, and went out so Ashley could see. Nag-cecellphone siya pag labas 'ko, so I called her.
"Omg! Sino ka? Who are you? Where's my Ellie?" OA niyang wika with actions na naghahanap. Isang araw lang nakasama ng mga kaibigan 'ko 'to, naging ganito na. Laki ng impluwensya ha?
"Gaga!" I said, and hit her arm. Hindi naman masyadong malakas iyon kaya tumawa na lang siya. She paid for the dress, and leave the department store upang kumain.
We went to a sushi restaurant. After eating there, we went for a shopping ulit, this time, sa labas na ng department store. Different designer brand shops are here, nakakapagod man mag-ikot at nakakahilo ang mga presyo, sulit naman dahil masaya si Ashley.
#Ashlielayag #AshlieForever #Ashlie_taponsusi
Mag-gagabi na nang matapos kami mamili, so we went to a cafe shop to drink coffee, and to just chill. Eto, medyo kaya na ng budget 'ko kaya sabi 'ko ako na magbabayad. Nag-away pa kami ni Ashley kung sino magbabayad, pero nang ibigay 'ko na sa cashier yung bayad 'ko, wala na siyang nagawa.
We sat near the window kung saan makikita ang city lights. It's so aesthetic, so we can't help but to take each other's picture.
I opened my treind, so I could check if anyone messaged me, and I was right.
@sovann_z: hi, good morning.
sent 11:45 am
Hala! Nag-message pala siya kaninang umaga! Siguro type na type niya ako, 'no? Siya na nag-first move eh. Hala, ano ba? Ako lang 'to.
I quickly replied to him, saying that I'm at the mall right now with a friend.
Baka eto na ka-talking stage na hinihiling 'ko kay Lord, jusko!
"Els, let's go na? My driver is nasa baba na," Ashley said, so I get my things and follow her out, while typing a message.
@elliexxss: hala, hi! good evening! slr, i'm at the mall right now with a friend, but pauwi na kami.
@sovann_z: okay, take care. message me once you get home : )
---------------------------------------