CHAPTER 4
Katulad ng byahe niya noong araw ng kanyang interview sa GNC, parehong hirap sa pagluwas ang hinarap ni Gio papunta sa clinic para sa medical exam,. Sa building kung nasaan ang GNC nandoon din ang clinic kung saan gagawin ang medical exam sa kanya. Casual na damit lang ang isinuot niya. Polo shirt na kulay light green, maong na pantalon at puting sapatos na padala sa kanya ng kuya niya na nasa abroad. Ingat na ingat siyang huwag itong madumihan sa siksikan sa tren kanina. Pagdating niya sa building, dumeretso siya sa comfort room dahil ihing-ihi na siya. Kanina pa niya ito pinipigil habang nakasakay siya sa jeep.
Pagpasok niya sa clinic, isang lalaking nurse ang kumausap sa kanya sa front desk. Ipinakita niya rito ang letter of authorization na ipinadala sa kanya ng GNC thru e-mail. May pinafill-up sa kanyang form ang lalaki at kinuhanan siya nito ng blood pressure. Kinuha rin nito ang timbang niya at taas, at pagkatapos ay itinuro siya nito sa Window 1 kung saan binigyan naman siya ng babaeng nurse na naroon ng isang plastic container na lalagyan niya ng ihi.
Habang hawak niya ito papunta sa banyo, namroblema siya kung paano niya ito lalagyan. Sinubukan niyang umihi pero wala talaga lumalabas. Nailabas na niya ata lahat kanina. Ibinalik niya ang plastic cup sa nurse at nagpaalam siyang lalabas muna para bumili ng tubig. May convenience store sa labas ng building kaya doon siya bumili. May mga nakasabay pa siyang mga magkakaibigan na nagkwekwentuhan habang nasa pila. Nakita niya ang strap ng mga I.D. nito. Sa GNC nagtratrabaho ang mga ito. Sa isip ni Gio, magkakaroon din ako ng ganyan. One medical away na lang, hello GNC na ‘ko.
Binayaran na niya ang biniling tubig at naglakad pabalik sa building, papunta sa medical clinic. Habang naglalakad hindi niya mabuksan ang hawak na bote ng mineral water. “Napakahigpit naman nito. Ang lambot pa ng plastic. Hindi ko mapiga.”
Nabuksan na niya ang kalahati ng takip ng bote nang may makabungguan siya. Dahil sa nangyari, napisil niya ang bote at tumapon ang laman nito, papunta sa braso ng nakabanggaan niya. Nabasa ang manggas ng polo nito at gilid ng pantalon. Napatingala siya at nakita niya sa harapan niya ang isang matangkad na lalaki na ang sama ng tingin sa kanya. Parang magkahalong gulat at inis ang nababakas sa mukha nito.
Hindi malaman ni Gio kung paanong paghingi ng tawad ang gagawin niya. “Sorry po. Sorry po,” sabi niya rito habang nagmamadaling sinarado ang hawak na bote ng mineral water. “Sir sorry, po talaga. Hindi ko sinasadya. Ang hirap kasing buksan nitong tubig. Malambot ‘yung plastic. Nabangga ko kayo. Napisil ko. Sorry po talaga.” Mahaba niyang paliwanag.
Nanatiling nakatingin lang sa kanya ang lalaki. “Sorry po talaga.” Bigla niyang naalala ang medical exam niya kaya kinuha niya ang panyo niya sa bulsa. “Pasensya na po talaga sir.” Iniabot niya rito ang panyo. Hindi nito kinuha kaya, siya na mismo ang kumuha sa kamay nito at saka niya ipinatong sa palad nito ang hawak niyang panyo. “Sorry po sir. Nagmamadali po kasi ako. My medical pa po ako. Pasensya na po talaga. Have a nice day po.” Tumatakbo siyang umalis at iniwan ang lalaki na hanggang sa umalis siya’y wala pa ring sinabi.
Pagdating niya sa clinic, ininom na niya ang dalang tubig. Dahil hindi pa siya nakakaramdam ng pag-ihi kinuhanan muna siya ng dugo ng isa sa mga nurse para sa mga blood tests na gagawin. Pagkatapos ay itinuro naman siya nito sa isang kwarto.
Sa loob ng kwarto naroon ang isang matandang lalaking doktor. May ilang mga tanong ito sa kanya pagkatapos ay ineksamin siya. Pinahiga pa siya nang patagilid sa kama at ipinababa ang suot niyang pantalon at boxers para tingnan ang butas ng pwet niya. Unang beses niya ito kaya nagulat siya. Hindi niya alam na ganito pala ang ginagawa sa medical exam para sa trabaho. “Mabuti ka pa walang almoranas. ‘Yung nandito kahapon ang laki. Sabi ko nga iwasan ang maaanghang.” Kwento ng matandang doktor sa kaniya. Sinuot na niya uli ang boxers at pantalon at saka siya lumabas at binalikan ang plastic cup na iniwan niya kanina.
Nakaramdam na siya ng pag-ihi kaya dumeretso na siya sa banyo. “Last na ‘to, makakauwi na ‘ko.” Ibinalik na niya sa Window 1 ang plastic cup na nilagyan naman ng nurse ng pangalan niya. Pagkatapos ay binigyan siya uli ng isa pang plastic cup. “Miss lalagyan ko po uli ‘to?” Nagtataka niyang tanong.
“Hindi po sir. Para po sa stool niyo ‘yan.”
“Ano?!”
“Kumusta ang medical mo anak?” tanong agad nang makita siyang papasok ng bahay.
“Naku Nay, tiningnan ng doktor ‘yung pwet ko tapos napilitan akong mag-pupu doon.” Natawa ang ina sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at nakinig pa sa kwento niya. “Laking hirap ko po kanina kaya sana pasadoa ang medical exam ko.” May naalala pa siyang insidente na nangyari kanina. “May malas pa po palang nangyari kanina. May natapunan ako ng tubig. Hindi ko naman po sinasadya at nag-sorry naman ako, kaso parang galit pa rin ata sa ‘kin. Sana hindi ko na siya uli makita. Sana hindi siya roon nagtratrabaho. Sana sa ibang building.”
“Kapag nakita mo siya uli, mag-sorry ka uli. Gano’n lang kasimple. Hindi mo siya kailangang taguan.”
“Kung doon man siya nagtratrabaho Nay, sa laki at taas ng building na ‘yon, mababa ‘yung chance na magkita kami uli.”
“Kahit mababa, may chance pa rin na magkita kayo, at kapag nangyari ‘yon, mag-sorry ka.”
“Opo Nay.” Humalik siya sa pisngi nito. “Panik po muna ‘ko.”
“Sige, pahinga ka muna habang naghahanda ako ng hapunan natin.”
“Opo Nay.”
Nakatulog siya sa byahe niya pauwi kanina kaya hindi na siya gaanong pagod. Nakita niya ‘yung playstation na nakapatong sa sahig. Binuksan niya ito at ang TV at naglaro siya. Ilang stage na ang natapos niya nang pumasok si Vicky sa kwarto niya. Tumabi ito sa kanya sa kama. “Ang luma na niyan ah,” sabi nito habang nakayakap sa likod niya.
“Ngayon ko lang nalaro ‘to. Masaya pala.”
“Matagal ka pa d’yan?” tanong nito habang hinahalikan siya sa balikat.
“Tatapusin ko lang ‘tong stage na ‘to.”
“Hindi ba pwedeng pag-alis ko na lang?” Hinalikan naman siya nito sa leeg.
“V, huwag kang magulo.”
“Ipagpapalit mo ‘ko sa playstation?” May inis sa tono ng boses nito.
“Pagkatapos ko rito, magdamag tayong maglalaro,” sagot niya na nakatingin pa rin sa TV at hindi binibitawan ang controller.
“Hindi. Huwag na lang.” Padabog itong lumabas ng kwarto niya. Napilitan siyang tigilan ang nilalaro at sinundan ang kaibigan.
“V!”
Hindi siya pinansin nito. “Tita, alis na po ako.” Nagmano ito sa ina niya bago lumabas ng bahay nila.
Sinundan niya ito hanggang sa gate nila. “V, huwag ka na magtampo.” Hinawakan niya ito sa kamay. “Balik na tayo sa loob.”
“Uuwi na ‘ko at huwag mo ‘kong susundan.” Lumabas na ito ng gate nila.
“V naman.”
Pumara na ito ng tricycle at sumakay nang hindi man lang siya nililingon. Wala na siyang nagawa kundi bumalik sa loob ng bahay nila. “Ano’ng nangyari?” tanong sa kanya ng ina.
“Nagtampo po kasi pinagpalit ko sa playstation.”
“Tara nga dito anak. Maupo ka rito sa tabi ko.” Tinapik pa nito ang sandalan ng upuan sa kusina nila. Naupo siya sa tabi ng ina. “Ano bang relasyon n’yo ni Vicky, ‘nak? Pansin ko kasi na mas madalas na siyang pumunta rito at minsan d’yan pa sa kwarto mo natutulog.”
“Magkaibigan lang po.”
“Kaibigan lang ba talaga?”
“Opo Nay.”
“Malinaw ba ‘yon sa kanya? Baka naman iba ang iniisip niya sa iniisip mo.”
“Alam po niya Nay. Malinaw po sa ‘min kung ano’ng relasyon namin. Matalik pong magkaibigan.”
Tinitigan muna siya nang ina sa mata bago ito nagsalita. “O siya, sige. Kung ‘yon ang sabi mo, paniniwalaan ko. Ang gusto ko lang anak, huwag kang magpapaiyak at mananakit ng babae. Pwede ba ‘yon?”
“Opo Nay. Mamaya tatawagan ko po si Vicky. Magkakaayos din po kami.”
Pagbalik niya sa kwarto, pinatay na niya ang TV at playstation. Nawalan na siya ng gana maglaro. Nakita niya nag mp3 player na ipinatong niya sa tabi ng playstation pagkatapos niyang i-charge. Kanino kaya ‘to at ano’ng mga kanta ang laman? Binuksan niya ito at isinlapak ang earphone sa kanyang tenga, mga lumang English love songs ang laman nito. Nahiga siya sa kama at pinakinggan ang mga kanta. ‘Yung iba dito alam na niya. Madalas niyang mapakinggan sa radyo kapag nakikinig ang itay niya tuwing umaga, lalo na kapag Sabado at Linggo.
Nakatulog siya at napaginipan na naman niya ang misteryosong tao sa panaginip niya. Sa panaginip niya ngayon, hindi niya pa rin kita ang buong mukha nito pero kita na niya ang labi nito na nakangiti habang magkaharap sila sa kama, kapwa sila hubad sa ilalim ng kumot na pinagsasaluhan nilang dalawa. At tulad dati, basa na naman ang shorts niya at buhay na naman ang p*********i niya paggising niya.
“Lintek naman! Hindi na kami nagse-s*x sa panaginip ko, pero tinigasan pa rin ako.”
Bago pumunta sa banyo may kalokohan siyang naisip.
Gago ka Gio. Katabi ko nanay ko. Nalaglag puso ko. Buti busy siya kaka-Facegram. Ikakalat ko ‘tong nude mo. Walanghiya ka!
Bati na tayo. Mas masarap ka kalaro kesa sa playstation.
Bahala ka d’yan. Mag-Mariang palad ka habang buhay.
V, peace na tayo. Please?
Gago ka. Dahil sa picture mo parang gusto ko nang pumunta d’yan sa inyo.
Ikaw kasi, umalis ka pa.
Mag-videocall nga tayo. Pupunta ‘ko sa kwarto ko.
Nagmamadali niyang ni-lock ang pintuan ng kwarto niya nang makita niyang tumatawag na si Vicky.