CHAPTER 2

2432 Words
CHAPTER 2 “s**t!” Nagising si Gio sa isang panaginip. Basa na naman ang suot niyang shorts at naghuhumindig ang p*********i niya. “Napaginipan ko na naman siya.” Dali-dali siyang tumakbo sa banyo na nasa loob lang rin ng kwarto niya. Binuksan niya ang shower at tumapat sa umaagos na malamig na tubig. Pero kahit ito ay walang nagawa upang pababain ang kanyang libido. Kailangan niyang ibsan ito, kung hindi buong araw siyang hindi mapapakali. Napapikit at napatingala siya sa sarap na nararamdaman. Unti-unti ay pabilis nang pabilis ang ginawa niyang pagtaas-baba ng kanyang palad na nakabalot sa kanyang p*********i. “Ahh… s**t!” Kasabay ng pagkaabot niya ng rurok ay ang pagpulandit ng puting likido mula sa kanya papunta sa itim na tiles ng kanyang banyo. Ganito siya sa tuwing napapaginipan niya ang misteryosong tao sa panaginip niya. Misteryoso dahil wala itong mukha. Mula leeg hanggang dulo lang ng paa nito ang nakikita niya. At sa tuwing mapapaginipan niya ito ay nagtatalik sila. Tanda na nga niya na may tatlo itong nunal sa puson. Isa rin ito sa rason kaya niya niyaya si Vicky kahapon. Mabilis niyang tinapos ang pagligo at lumabas ng banyo. Sinuot niya ang plantsado nang polo sa cabinet na kagabi pa niya pinili. Sakto ang sukat nito sa kanya at mababanaag pa rin ang ganda ng kanyang pangangatawan. Kulay asul ito na tinernohan niya ng itim na pantalon at dark brown na leather na sinturon at sapatos. Inayos niya ang kanyang buhok na ginamitan niya ng wax at nilagyan pa ng hati sa gilid. Gusto niyang magmukhang disente at malinis dahil importante ang araw na ito para sa kanya. Unang job interview niya ito matapos niyang maka-graduate sa kolehiyo. Ang tagal niyang pinangarap ang araw na ito. Hindi nga siya makapaniwala nang makatanggap siya ng e-mail galing sa malaking kumpanyang ito na una ng listahan ng mga kumpanya na nais niyang pasukan. Balita niya kasi ay maganda itong magpasweldo at maraming benepisyo hindi lang sa mga empleyado kundi pati sa pamilya ng mga ito. Nag-spray pa siya ng pabango bago kinuha ang bag at envelope na naglalaman ng mga importante niyang dokumento. Pagbaba niya ng hagdan nakita niya ang ina na papasok ng bahay galing sa likod, kung saan naroon ang lutuan nila. “Nay ang aga pa po, gising na kayo?” 5:30 pa lang nang umaga at madilim pa sa labas. Napatingala ito sa kanya habang may hawak na plato na may lamang kanin. “Ipinagluto kita ng agahan, para may laman ang tiyan mo bago ka bumyahe. Kailangan may laman ang tiyan para may maisagot ka mamaya.” Inilapag na nito ang plato sa lamesa at bumalik muli sa labas. “Nay ingat.” Bukas naman ang ilaw sa labas pero pinag-iingat pa rin niya ang ina lalo pa’t medyo malabo na ang mga mata nito. Naupo na si Gio sa harap ng mesa at siya namang pagbalik ng ina na may hawak namang dalawang mangkok. Inilapag nito ang mga ito sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng bandehado ng sinangag na kanin. Ang isa’y may lamang adobong baboy, habang ang isa naman ay inihaw na manok na uwi niya kagabi. “Ininit ko ‘yung mga ulam natin kagabi. Ayos na ba ‘yan sa ‘yo? Balak ko sanang magluto ng tuyo dahil paborito mo ‘yon kasabay ng sinangag kaso baka kumapit ang amoy sa damit mo.” “Opo Nay. Ayos na po sa ‘kin ‘to. Dapat nga po ‘di na kayo nag-abala pa.” Naupo sa tabi niya ang ina. “Pwede ko ba namang pabayaan ang bunso ko? Ang laki ng sakripisyo mo sa pamilyang ‘to. Ito man lang magawa ko para sa ‘yo.” “Nay masyado pa pong maaga para sa drama. Dapat sa hapon po ‘yan o sa gabi,” biro niya sa ina. Paborito kasing panoorin nito ang mga drama sa TV na nagsisimula mula hapon hanggang gabi. “Ikaw talagang bata ka. Sige na, kumain ka na at baka mahuli ka pa.” Magana siyang kumain at nakailang kuha pa uli siya ng sinangag. Isang malakas na dighay ang inilabas niya matapos niyang kumain. Natawa tuloy ang ina sa kanya. Mabilis siyang nagsipilyo at nagpunas ng bibig. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago umalis. Hinatid naman siya nito hanggang sa pintuan. “Pakisabi na lang po sa Itay na umalis na ‘ko.” “Oo, sige. Mag-iingat ka. Balitaan mo ‘ko agad mamaya kung ano’ng mangyayari sa interview mo.” “Opo. Tatawag agad ako.” Paglabas niya ng gate may tricycle na dumaan na agad niyang pinara. “Kuya sa terminal ng bus po.” Mabilis ang takbo ng tricyle at pakaldag-kaldag sa loob nito si Gio dahil sa bako-bakong kalsada na dinadaanan nila. Natalsikan pa siya ng tubig nang madaan ito sa parteng may kaunting baha. Napamura siya habang pinapagpagan ang suot na pantalon. “Buti na lang hindi putik,” bulong niya sa sarili. “Kuya iiwas n’yo naman po sa tubig!” sigaw niya sa driver. Maingay ang motor ng tricycle kaya kailangan niyang lakasan ang kanyang boses. “May interview po kasi ako!” “Pasensya na!” pasigaw din na sagot nito sa kanya. Mabilis siyang nakarating sa terminal at sakto naman na may nakaparada na, na ang byahe ay pa-Manila. Agad siyang sumakay rito at pumwesto sa bandang gitna sa tabi ng bintana. May libreng wi-fi sa loob ng bus na ang password ay nakapaskil sa harap. Dahil dito nakapagbukas siya ng Facegram at ang una niyang tiningnan ay ang message na galing kay Vicky. Gago ka. Ang sakit ng katawan ko paggising ko. Pasalamat ka nasarapan ako. Goodluck sa interview mo. Nakangiti siya habang nagre-reply. Ulitin natin kapag natanggap ako sa trabaho. Reply niya na may smiley pa sa dulo. Nag-reply uli si Vicky. Ilibre mo na lang ako sa una mong sweldo. Sige. Sige. Umandar na ang bus na sinasakyan niya. Paalis na ‘yung bus. V, bigla akong kinabahan. Para namang ‘yan ang una mong interview. Ang dami mo nang naging trabaho. Iba ‘to. Mga interview ko dati sa karinderya, factory ng tsinelas, sa palengke ‘tsaka sa mga magulang ng mga estudyante na tsinu-tutor ko sa Math. Gamitan mo ng charm mo ‘tsaka may utak ka naman. Kaya mo ‘yan. Bumalik uli ang kumpyansa niya sa sarili nang dahil sa sinabi ni Vicky. Okay. Papasok ka na ba sa trabaho? Oo, paligo na nga ako nang mag-message ka. Maligo ka na muna. Baka ma-late ka pa. Mamaya na tayo mag-usap. Okay! Bye! Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at itinuon ang atensyon sa bukas na TV sa harap. English movie ang palabas na pelikula. Napanood na niya ito pero papanoorin pa rin niya uli para pampalipas ng oras. Mabilis ang byahe sa bus pero pagdating niya sa pila ng tren doon siya nagtagal dahil sa haba ng pila papasok. Ilang senior citizen pa ang pinauna niya bago siya nakabili ng ticket. Pasarado na ang pintuan ng tren pero hinabol niya talaga ito at pilit na isiningit ang sarili makasakay lang dahil kung hihintayin pa niya ang susunod na tren, baka mahuli na siya. Gusto pa naman niyang dumating na mas maaga kaysa sa nakatakdang oras ng interview niya. Siksikan sa tren na puro lalaki ang kasama niya kaya halo-halo na ang amoy ng pabango at pawis. Pakiramdam ni Gio, pawisan na ang kili-kili niya. Buti na lang at maganda ang tela ng polo niya at hindi masyadong halata ang marka ng pawis dito. Nakahinga nang maluwag si Gio nang makalabas na siya ng tren. Pinagpagan niya ang polo na bahagyang nalukot nang dahil sa matinding pakikipaggitgitan. Pero hindi pa rito natatapos ang byahe niya papunta sa kumpanyang pinapangarap. Panibagong pila na naman ang hinarap niya. Sa pila naman ng jeep. Huli na ito pero mahaba na naman ang pila. Wala pa namang siyang payong at umiinit na ang sikat ng araw. Ang hawak na envelope ang ginawa niyang pantabing sa init na paminsa-minsan ay ginagamit rin niyang pamaypay. Naisip niya tuloy na sana hiniram niya ang pamaypay ng ina na palagi nitong dala sa bag. Sumakay na siya ng jeep at sa unahan pumwesto para makita niya lahat ng building na madaraanan. “Manong, pakibaba po ako sa Lavander Street. Sa Del Rio Building,” sabi niya sa driver sabay abot ng saktong bayad. Ilang stoplight ang nadaanan nila bago siya ibaba ng driver sa destinasyon niya. Itinuro pa sa kanya ng driver kung paano pumunta sa Del Rio Building. Maglalakad pa pala siya papunta rito. Pagod at pawisan na si Gio nang makarating. Bahagya siyang gininaw nang makapasok na siya sa building. May 30 minutes pa siyang natitira, kaya pumunta muna siya sa comfort room na inituro ng security guard sa kanya. Humarap siya sa salamin at inayos ang sarili. Naghugas ng kamay at nagpabango. Mukhang fresh na siya uli. Handa nang sumabak sa interview. Habang naglalakad siya papunta sa elevator, isang matangkad at gwapong lalaki na nakasuot ng grey suit ang pumukaw ng atensyon niya. Maganda ang tindig nito habang naglalakad. May kausap itong foreigner na lalaki na halos kasingtangkad rin nito. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Sa pustura ng lalaki, mukhang mataas na ang posisyon nito sa kumpanya. Halata rin naman sa mga suot nito na mukhang mamahalin. Napatingin din siya sa suot nitong relo na nakita niya dati sa website ng isang mamahaling brand ng relo. Namangha si Gio sa lalaki. Naisip niya na sana balang-araw ay maging tulad siya nito na bata pa pero successful na. Sa tingin niya kasi ay hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. 15 minutes bago ang interview niya nang makarating siya sa floor kung nasaan ang opisina na sinadya niya roon. Nakita na niya ang magandang babaeng receptionist na nasa front desk. Sa likuran nito mababasa ang tatlong malalaki at maliwanag na letra na GNC, ang pangalan ng kumpanya na hango sa initials ng pangalan ng may-ari nito. “Gregorio Cristobal po, for interview with Ms. Lanie,” sabi niya sa receptionist. “Pa-log na lang po.” Inabot nito ang logbook sa kanya at inabutan din siya ng ballpen pagkatapos ay nag-dial ito sa telepono. “Ma’am for interview daw po, Gregorio…” Tumingin sa kanya ang receptionist. “Cristobal. Gregorio Cristobal.” “Cristobal. Papasukin ko na po? Okay po Ma’am, thanks.” Ibinaba nito ang telepono at hinarap uli siya. “Pwede ka na raw pumasok. Pagpasok mo d’yan…” Itinuro nito ang pintuan na nasa kanan. “Left side, pinakadulong office sa right, doon ‘yung office ni Ms. Lanie.” Nakangiti nitong sabi. “Goodluck.” “Thanks.” Pumasok na si Gio. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad papunta sa opisina ng HR. Akala niya pagdating niya roon ay mai-interview na siya agad, pero hindi pala, dahil pagdating niya sa opisina nito ay may apat na lalaking aplikante rin ang naroon na. Nag-aabang ang mga ito sa mahabang couch na nasa labas ng opisina. Isang babae na HR Assistant ang sumalubong sa kanya at sinabing maghintay sa turn niya na ma-interview. Isa-isang pumasok ang mga naunang aplikante sa kanya. Ang tatlong nauna ay umuwi na dahil sabi raw ay tatawagan na lamang sila. Dalawa lang silang natira na hindi pinauwi matapos ang unang interview. May kasunod pa raw na interview kasama ang AVP at VP ng IT Department. Dinala sila ng HR Head na si Lanie sa labas ng isang conference room. Sumilip si Gio sa loob. Wala pang tao. Ang nakita lang niya ay malaking whiteboard sa harap at nakabukas na laptop sa dulo ng mahabang table na napapaligiran ng maraming upuan. Nakaramdam na naman ng kaba si Gio. Pinunasan niya ng panyo ang pinagpapawisang mga palad. Iniwan na sila ni Lanie at sinabihang hintayin ang pagdating ng AVP at VP. Tahimik silang nagkwentuhan sa couch sa labas na malapit sa conference room. Nalaman niyang hindi baguhan itong kasabayan niya, hindi tulad niya na newly graduate. Mas may experience ito kaysa sa kanya, pero hindi pa rin siya pinanghinaan ng loob. Isang maganda, sexy at matangkad na babae ang lumapit sa kanila at nagpakilala na AVP. Candice Chua ang pangalan nito. Siya lang raw mag-i-interview sa kanila dahil may biglaang meeting ang VP ng IT Department. Naunang in-interview ang kasama niyang aplikante. Matapos ang interview nito masaya itong lumabas ng conference room na nakikipagtawanan pa sa AVP. Siya na ang sunod na kakausapin. Nakasunod siyang pumasok ng conference room. Ang mga naunang tanong sa kanya ay tulad ng mga itinanong ng HR Head na si Lanie sa kanya. Ang mga sumunod na tanong ay tungkol naman kung paano siya magtrabaho under pressure, kung ayos ba sa kanya na magtrabaho overtime, kung payag ba siya sa mga biglaang trabaho lalo na iba ang timezone ng ilang kliyente nila sa ibang bansa, kaya ba niyang magtrabaho sa isang team, at marami pang tanong tungkol sa trabaho. Sa tingin naman ni Gio ay nasagot niya nang maayos ang lahat ng ito. Ang mga huling tanong ay tungkol sa mga computer softwares na alam niya na gagamitin sa magiging trabaho niya bilang system developer. Dito kumpyansa si Gio, dahil hindi lang mga tinuro sa school ang alam niya, pati mga bagong labas na softwares ay inaral niya. Nag-self study siya at nagpaturo sa mga senior niya sa school na mga kasalukuyang may mga trabaho na. Para malaman kung alam niya talaga ang mga sinasabi niya, pinaghands-on pa siya ng AVP. Pinagamit nito sa kanya ang nakabukas na laptop na may mga naka-install nang mga softwares na ginagamit ng kumpanya. “You’re good Mr. Cristobal,” nakangiting sabi nito sa kanya. “I have no more questions for you. How about you? May gusto ka bang itanong?” Hindi siya nagdalawang-isip na itanong kung ano ang mga benepisyo na matatanggap niya sa kumpanya kung sakaling magtagal siya. Tinanong rin niya kung may mga study programs bang ino-offer ang kumpanya sa mga empleyado nila. Sinagot naman ito ni Candice at nagustuhan ni Gio ang mga nalaman niya. Nang wala na siyang mga tanong, nagpasalamat na siya at sinabi naman ni Candice na tatawagan na lang siya kung sakaling tanggap siya sa posisyon na ina-apply-an niya. Masayang lumabas ng conference room si Gio. Nginitian at nakipagkamay pa siya kay Candice bago umalis. Kuntento siya sa mga naging sagot niya sa interview at hiling niya na sana ay ganoon din ang AVP. Sana na-impress niya ito para siya ang mapili para sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD