ANG SIMULA
Bata pa lamang ako namulat na 'ko sa magulong mundo na punong puno ng karahasan dahil sa p*******t ng sarili kong Ama. Oo, sinasaktan ako ng Ama ko. kino-kontrol at tinuturing na isa sa mga tauhan niya. Bakit? hindi ko din alam. Hindi ko rin maintindihan.
Ang alam ng lahat perpekto ang aming pamilya at maayos ang aming pagsasama, ang hindi nila alam puro kasinungalingang lamang ang lahat na naitatago ko sa pamamagitan ng pag-ngiti. 'yong kahit masakit na ay pinipilit ko pa ring ipakita sa lahat na masaya ako.
Akala naman ng lahat isa akong simple at masayahing babae pero hindi nila alam isa pala akong anak na pinagkakaitan ng pagmamahal.
Naalala ko pa na sa tuwing sinasaktan ako ni daddy, parati kong hinihiling noon sa Diyos na sana dumating na ang prince charming ko para iligtas ako at mailayo sa marahas na mundong ito. Akala ko habang buhay na akong makukulong sa kalungkutan hanggang sa makilala ko si Andrew Alcantara, ang lalaking minahal at minamahal ko. He saved me.
Sa kanya ko lamang naranasan kung paano maging masaya, malaya, mag-mahal at mahalin pabalik.
Sa kanya ko rin naranasan ang umiyak sa sobrang saya, masaktan ng pa-ulit ulit pero hindi pa rin kayang bitawan at iwan. Higit sa lahat natutunan ko rin sa kaniya ang maghintay kahit matagal at kahit nauubusan na ng pag-asa. It is because I love him with all my heart. He's my everything.
A letter for him.
Dear drew,
Hihintayin ko na matupad mo ang lahat ng pangako mo sa 'kin na mabubuhay tayo ng malaya at masaya kasama ang mga magiging anak natin. I love you so much. Love, shaira.
Lahat ng sakit na mararanasan ko ay ayos lang kung kapalit naman no'n ay ang mabuhay ng maligaya sa piling mo. Every pain and tears will be worth it, if it is YOU till the end.