Shaira's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil may klase na ulit kami. Masyadong mabilis ang oras at parang kahapon lang nang sampalin ako ni daddy. Hanggang ngayon nga ay hindi niya pa rin ako kinaka-usap ulit, pwera nalang kung may importante siyang sasabihin sa ‘kin.
Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso na agad ako sa dining room para kumain ng breakfast kasabay sila mommy at daddy. Pinilit kong ngumiti pagkaupo ko sa upuan.
Tahimik lang kaming kumakain dahil ayaw ni Daddy ang may nagsa-salita kapag nasa hapag maliban sa kaniya. Wala daw kasing manners ‘yong pagsasalita sa harap ng pagkain.
Mabilis akong natapos kumain. Magpapaalam na sana ako sa kanila para pumasok na sa school nang mag-salita si daddy.
"Pagkatapos ng klase mo dumiretso ka agad sa Lux restaurant" Utos niya.
"Ano pong gagawin ko doon, dad?" Takang tanong ko saknya.
"Ngayon mo na makikilala ang fiance mo." Walang emosyong sabi niya.
Nanlumo ako sa sinabi niya. Ngayon ko na pala makikilala ang magiging asawa ko daw. Kahapon ko lang din nalaman na may balak siyang ipa-arrange marriage ako sa taong hindi ko man lang kilala. Ayoko man at gustong gusto kong tumanggi sa gusto niya ay hindi ko rin magawa. Isa pa’y pinagbantaan niya ako na kapag hindi ko raw siya sinunod, papatayin niya si Mommy.
Natatakot ako. Normal lang bang makaramdam ako ng takot sa sarili kong ama? At halos wala na rin akong ibang maramdaman kundi muhi sa kaniya. Hindi ko na alam kung anong klaseng tao siya, basta ang alam ko lang, sagad sa buto na ang masamang trato niya sa amin ni Mommy. Napakasama niyang tao to the point na kaya niyang pumatay makuha lamang ang gusto niya.
"Dumating ka ng maaga. Ayaw ni Mr. Alcantara sa mga taong nale-late kaya huwag mo akong ipahiya." wait--Alcantara? ba't parang pamilyar ang apelyido na ‘yon?
"Opo, dad." Sagot ko at nagbow muna bago lumapit kay Mommy para mag-paalam. Kanina pa din siya tahimik. Hindi rin kasi siya pabor sa gusto ni Daddy pero tulad ko, wala na rin siyang magagawa.
We’re stuck in this hell.
"Good morning, Young lady." Bati ng driver ko.
"Good morning din po." Masayang bati ko rin sa kaniya.
I sighed. Balik na naman ako sa pagiging masayahing tao na parating nakikita ng lahat sa’kin. Bagay na bagay nga daw sa’kin ang pangalan kong ‘Shaira Joy’ dahil masayahin daw ako at parating nakangiti na parang walang pino-problema sa mundo.
Di nila alam na busog na busog ako sa mga problema.
"Young lady, nandito na po tayo." Nginitian ko lang ang driver ko bago ako lumabas ng kotse.
Mabilis naman ang paglalakad ko papunta sa classroom, hindi ko kasi matagalan ‘yong mga titig ng ibang estudyante dito.
"Good morning, Joy!" Bati sa’kin ng mga estudyante na nakatambay sa corridor, every morning nila akong binabati kapag dumadaan ako sa harap nila.
Nakakatuwa lang kasi kapag nasa school ako nararamdaman ko ‘yong pagmamahal ng mga tao sa’kin, hindi katulad sa bahay na si mommy lang ang nagmamahal sa’kin.
"Good morning din! Sige, pasok na ako sa room ko. Babye!" Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa classroom. Isipin ko pa lang na may nagmamahal din sa’kin ay sumasaya na ako.
"Good morning, gorgeous." Nakangiting bati sa’kin ni Liro pagkapasok ko pa lang sa room.
"Good morning, shai!" Bati din sa’kin ni shane.
Sunod sunod naman akong binati ng mga kaklase ko.
"Good morning din sa inyo!" Masayang bati ko sa kanila bago ako umupo sa upuan ko sa gitna nila Liro at Shane, silang dalawa lang ang bestfriend at higit na pinagkakatiwalaan ko.
Nagku-kwentuhan lang kaming tatlo habang hinihintay naming dumating ang teacher namin sa first subject. Namiss ko rin ‘tong mga kulitan naming tatlo.
*Booogsh*
Halos mapatalon naman ako sa gulat sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng room.
Alam kong nanlalaki na din ang mga mata ng mga kaklase ko sa gulat. Galit na galit lang?
Kung kanina sobrang ingay namin, ngayon naman ay para na kaming maaamong tupa na akala mo’y hindi makabasag pinggan sa sobrang tahimik mula nang pumasok siya.
Ang pinaka-misteryoso at nakaka-takot sa buong university. Tahimik lang siya pero iniiwasan siya ng lahat na makabangga, hindi lang dahil sa nakakatakot niyang aura at nakakapanindig balahibong matatalim na tingin, kundi ang mga kaya niyang gawin sa’yo, at kung gusto ka niyang patayin magagawa niya.
Siya si Andrew Alcantara, anak ng may-ari ng school at tagapagmana ng iba't ibang Kumpaniya nila sa buong asya. Siya din ang kinakatakutan dito sa university, ngunit kinababaliwan din ng mga babae ahil sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan.
Siya din ang mysterious prince ng campus. Corny mang pakinggan pero ‘yon talaga ang tawag sa kanya.
Naka-upo siya sa tapat naming tatlo, katabi ang dalawa niyang matatalik na kaibigan, sila Kris at Jin. Sikat din ‘yong dalawa dito sa dahil sa kagwapuhan nila. Plus, ubod din ng yaman.
Hindi ko alam kung napapansin niya ba ang mga titig ko sa tuwing naka-upo na siya sa pwesto niya at nakatalikod sa ‘kin. Parati kasi akong napapaisip sa buong pagkatao niya. Noong una ay hindi ko naman pinapansin ang pagiging misteryoso niya, pero sa tuwing mapapatingin ako sa mga mata niya, tila nakakalimutan ko na lahat..
Sino ka ba talaga Andrew Alcantara?
"Shai, baka matunaw!" Ay! Anak ng pating naman oh.
"shane nman eh! Huwag ka naman mang-gulat." Reklamo ko sa kanya, madali kasi akong magulat ‘tsaka matatakutin din ako.
"Hahaha sorry naman ang cute mo kasing magulat eh hahaha…" Aish. Ang ingay talaga ng babaeng ‘to. Hindi niya ba napapansin na siya lang ang maingay? at halos lahat ng classmate namin ay nakatingin na sa kanya.
"Shane, tumigil kana ikaw lang ang maingay dito." Saway sa kanya ni Liro kaya napatingin si shane sa mga kaklase namin na nakatingin na ng masama sa kaniya.
"S-sorry…" Awkward na sabi niya.
Napailing ako. "Oh candy? Pampawala ng kahihiyan." pabirong sabi ni Liro habang inaalok ng candy si shane.
Tinanggap naman ito ni shane ng padabog. "Hmmp. Ang sama mo, Liro." Nagtatampong sabi ni shane sa kanya sabay subo sa candy.
Napailing na lamang ako habang natatawa sa kanilang dalawa. Napaka-kulet talaga kaya nga mahal na mahal ko sila eh.
"Good morning, class." Bati sa’min ng teacher pagkapasok pa lang niya sa room.
Mabigat ulit akong bumuntong hininga nang si Sir manyak na naman pala. "Good morning. Sir." Sa lahat ng prof. namin siya ang pinka-ayaw ko. m******s kasi yan, eh. Lahat ata ng estudyanteng naka-palda dito minamanyak niya, pwera lang sa ‘min ni shane.
Konti na lang talaga matutumba na ‘ko dito sa sobrang antok. Nakaka-antok magturo nitong manyak na ‘to. Magaling lang ata mangboso ‘to, eh. Pagdating sa pagtuturo walang binatbat sa ibang teacher namin.
"Ms. Perez!!" Ayan na naman siya. Parati na lang ako ang nakikita nito eh. Ang ganda ko lang pala talaga.
"Po?" Walang ganang sagot ko dito.
"Bakit ang ganda mo ata ngayon?" Nakangiting tanong niya sa’kin. Ang landi talaga nitong manyak na ‘to.
"Bakit ang pangit mo? bwisit!" naiiritang balik ko sa tanong niya ‘tsaka padabog na umupo sa upuan ko. Nag-tawanan naman lahat ng kaklase ko. Sa lahat din kasi ng ayaw ko ay ‘yong nilalande at binobola ako, madaling kumulo yong dugo ko.
"Da best ka talaga shai!" tuwang tuwang sabi ni shane sa ‘kin.
Hindi na rin naman ako sinagot ulit ni sir, tinuloy niya na lang ‘yong discussion niyang nakakaantok.
"Ang epal naman kasi ng manyak na ‘yan, eh. Ikaw pa ‘yong pinupuntirya." naiiritang sabi ni Liro. Napangiti naman ako.
"Kasi maganda ako?" Pabirong sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya sa biro ko.
"Oo na, maganda ka na." Pagsang-ayon niya, ‘tsaka na siya nakinig sa discussion ni sir.
Pagkatapos ng discussion ni sir Cruz ay pinalabas na niya agad kami para mag-lunch pero nag-paiwan muna ako dito sa room doon sa dalawa.. No’ng una ayaw pa nilang umalis pero sa bandang huli pumayag na rin silang iwan ako.
Hindi na ako makakain ng maayos simula nang nalaman ko na may balak si dad na ipakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala at di ko naman mahal.
Nakaupo lang ako dito sa upuan ko habang nakayuko at tahimik na umiiyak. Hindi ko na mapigilan ‘yong mga lintek kong luha sa paglabas, buti na lang wala akong kasama dito dahil nag lu-lunch na silang lahat.
"Bakit ganun sya? hindi niya ba ako m-mahal? G-Gusto ko lang naman siyang maging proud sa’kin. G-Ginagawa ko naman lahat para mahalin niya ‘ko pero, b-bakit parang k-kulang pa din? H-Hindi ko na nga ginagawa l-lahat ng gusto ko para lang m-magawa ko lang lahat ng gusto niya pero. bakit h-hindi niya ‘ko magawang m-mahalin? M-Mahirap ba akong mahalin?" Para na siguro akong baliw dito Umiiyak at nagsasalita na lang bigla. But on the second thought, Baliw nga talaga ako.
Hindi ko lang talaga kayang pigilan ‘yong sakit na nararamdaman ko, pagod na pagod na ako.
Nakaka-pagod ng ngumiti at piliting maging masaya sa harap ng mga tao para maipakita sa kanila na ayos lang ako at wala akong pino-problema, pero hindi nila alam punong puno na ako sa mga problema ko. Sobrang bigat na nga, pero wala naman akong magawa para pagaanin sila.
"Hindi ka mahirap mahalin, sadyang may mga tao lang talagang hindi marunong pahalagahan ang mga katulad mo..." Nagulat ako ng may biglang mag-salita sa harapan ko. Napatingin naman ako sa panyong inaalok niya.
Noong una nagda-dalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba, pero sa huli ay tinanggap ko rin. Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko.
"Thanks, Andrew." Nagtataka lang ako, hindi naman kasi kami close at lalong hindi kami nag-uusap, kaya nagulat nalang ako nang kausapin niya ko at inalok pa ang panyo niya,
"Ka-kanina ka pa ba nandito?" Tanong ko kaya napatingin na naman ako sa mga mata niya na nakatingin din sa’kin. Kung pwede lang siguro akong lamunin ng lupa baka kanina pa ako nagpa-lamon dahil sa mga kakaibang titig niya at kahihiyan.
"Oo." Maikling sagot niya habang malamig na nakatingin sa ‘kin.
Hindi ako mapakali sa mga titig niya. Bigla nalang tuloy bumilis ang t***k ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? sa titig niya palang hindi na ako mapakali paano pa kaya kapag lumapit pa siya sa’kin ng husto? Ako nalang ang unang umiwas ng tingin. Binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana, buti nalang walang masyadong tao ngayon.
"Narinig mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa bintana.Please, say No.
"Oo." Napapikit ako sa sagot niya. Muli kong sinalubong ang mga titig niyang nakakapaso.Kung minamalas ka nga naman.
"kalimutan mo nalang lahat ng narinig mo.." Sabi ko sa kanya ng hindi makatingin sa mga mata niya.
Naghintay ako ng isasagot niya pero wala akong natanggap mula sa kanya, parang nakaramdam ako ng disappointment dahil sa hindi niya pagsasalita. Minsan ko na lang nga marinig ang boses niya maikli pa.
*Silence
"Huwag mong gawin ang isang bagay na ayaw mo dahil sa huli ikaw rin ang mag-sisisi. Kung may mga bagay kang gustong gawin....Gawin mo kung ‘yon ang magpapasaya sa’yo." Seryosong sabi niya. Minsan ko lang makitang seryoso siya. Madalas kasi Poker Face lang to eh.
"Hindi naman gano’n kadali ‘yon, drew." Nakayukong sabi ko. Ayokong makita niya ang mukha kong naiiyak na naman.
"Madali lang ‘yon kung susubukan mo." seryosong sabi nya pa.
"Kaya ko ba?" nagdadalawang isip kong tanong sa kaniya.
"Kaya mo ‘yon. May tiwala ako sa’yo, shaira." Sabi niya ‘tsaka na siya tumayo sa upuan niya. Maglalakad na sana siya palabas ng room nang pigilan ko siya.
"Natatakot akong bumagsak, drew." Malungkot na sabi ko sa kaniya.
"Maraming nagmamahal sa’yo, shaira. Maraming tutulong saiyo kung sakali mang babagsak ka." Sabi niya sakin bago siya tuluyang lumabas ng room.
Kaya ko ba?
Kung sakali bang bumagsak ako isa ba siya sa mga taong tutulong sakin kapag bumagsak na ako?
Kahit nalilito pa ako ngayon, hindi ko pa rin maiwasang maging masaya, at least nakausap ko ang isang tahimik na tao at walang pakialam sa iba.
Andrew's POV
"Sh*t!"
"F*ck!"
Pa-ulit ulit ko lang naman minumura ang sarili ko pagkatapos kong makausap si shaira.
Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko para lapitan ang babaeng ‘yon. Nababaliw na ata ako.
Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng kakaiba nang makita ko siyang umiiyak.
Siguro hindi lang ako sanay na umiiyak siya, parati niya kasing pinapakita na masaya siya. Nakakabilib. Kaya niyang itago ang lungkot niya sa pamamagitan ng pag-ngiti. Impressive right?
She's really strong and I found her very interesting.
I smiled.