“I’m sending you back in the States soon as you recover, Emerald,” malamig at pigil ang galit na bungad ni Matthew pagkapasok sa pribadong silid ng asawa kung saan nakaratay ito matapos ang aksidenteng kinasangkutan.
Sa susunod na buwan pa nakatakdang manganak ito ngunit dahil sa nangyari’y kinailangang isailalim ito sa caesarian surgery para mailigtas at ang kanilang anak.
He clenched his jaw hard enough for the muscles to tick when his thoughts shifted to his new born daughter. Kritikal ang lagay nito dahil sa placental disruption dulot ng abdominal bleeding ni Emerald matapos ang nangyari.
Gusto niyang ilabas ang galit at paninisi rito ngunit pigil niya ang sarili.
That wasn’t the first time!
Nakunan na ito sa sana’y panganay nila noong nakaraang taon dahil sa katigasan at kapabayaan nito.
“I-I’m sorry…” his wife murmured, shaking in grief. Sinikap nitong iangat ang magang kamay sa ere para abutin siya ngunit tinalikuran niya ito.
Lalong lumakas ang paghikbi ni Emerald.
“I want to see my baby, please,” dinig niyang nagsusumamong hiling nito habang papalayo siya.
Huminto siya at muling humarap dito. “You still have the audacity to ask about her, huh?” he furiously asked. Sa galit ay maari niya itong saktan ngunit hindi niya kayang gawing iyon.
Emerald continued crying. Ang kasalukuyang bigat ng loob na nararamdaman ay mas higit kesa sa sakit na dulot ng mga galos at pasa niya sa katawan.
She was pronounced safe by the doctors. ngunit kabaligtaran naman iyon sa kalagayan ng kanyang bagong-silang na sanggol. And if something happens to her baby, hindi niya alam kung mapapatawad niya ang sarili.
And there is Matthew, her only source of strength. She wanted to cling on him and burst into tears in his arms. Ngunit sa mga sandaling iyon ay sukdulan ang pagkapoot nito sa kanya.
Marahas na tumikhim si Matthew.
“You’re free,” makahulugang sabi nito bago siya tuluyang talikuran para umalis.
Ilang sandali bago rumehistro kay Emerald ang mga sinabi ng asawa.
A tinge of genuine panic rose in her. “No Matthew! Don’t do this to me, please!” daing niya habang pinilit bumangon para subuking habulin ito. Ngunit halos hindi siya makagalaw dahil sa sakit ng buong katawan lalo na mga tahi niya. “M-Matt, l-let’s talk…p-please,” she helplessly cried.
Madilim ang anyong napasandal si Matthew sa hamba ng pinto.
He closed his eyes. He didn’t want to think about Emerald anymore. Ang mahalaga sa kanya ay ang bata.
He was in a middle of a seminar in Malaysia when he got a call from his mom Amanda para ibalita ang nangyari sa asawa.
It was her fault., –all because of her negligence!
Dahil sa hilig nito sa pagbabiyahe sa iba’t ibang lugar para makakuha ng magagandang larawan, hindi nito inalintana ang kalagayan. Sa kabila ng pagbabawal niya ay gumawa pa rin ito ng paraan para masunod ang sariling gusto.
She was only twenty-one when they got married, six years his junior. His mom once told him, she’s young and still enjoying her life. Kaya paulit-ulit nitong sinasabi na laging habaan ang pasensiya rito. She also advised them not to plan for another baby after the miscarriage para ma-enjoy muna nila ang isa’t isa at para mabigyan muna ng panahon ng kanyang asawa ang mga hilig nitong gawin.
But he wanted a baby. Mas nanabik siyang mabuntis muli si Emerald marahil dahil sa frustration niya nang nawala ang unang pinagbuntis nito.
Mabigat ang mga yabag na humakbang siya palayo.
Suddenly, his phone rang.
Matapos tanggapin ang tawag ng kanyang ina ay halos liparin niya ang hallway palabas ng ospital.
Makaraan ang ilang oras, dumating ang doktor ni Emerald para tignan ang lagay niya. Ngunit kasalukuyang itong natutulog. Ang dalawang kaibigan nitong sina Jeremi at Claudette ay agad nakibalita sa kalagayan ng sanggol. Ngunit tipid lang sila nitong sinagot na nilipat ito sa ibang ospital dahil sa kritikal pa rin ang kondisyon nito.
Kinabukasan, ang isa pang kaibigan ni Emerald na si Liz ang pumalit sa pagbabantay sa kanya sa ospital. Maliban dito, tanging ang kasambahay lamang nila ni Matthew ang dumating doon at wala ni isa mula sa mga pamilya ng kanyang asawa.
Then Monique arrived. Malungkot ang mukha nito.
Tumingin ito kay Liz tila nanghihingi ng saklolo kung papaano ipapaalam ang isang masamang balita.
Kinabahan ang babae habang nangungusap ang kanilang mga mata.
Napayuko si Liz. Her teary-eyes were stuck on the floor, as she waited for Monique to tell Emerald about her daughter.
Ginagap ni Monique ang malamig na palad ni Emerald bago nahihirapang sinalubong ang hilam na mga mata nito.
Ilang sandaling napatitig si Emerald sa kaibigan.
Monique looked stiff, almost not meeting her eyes.
‘Isabella…’ Horror rose on her face. Her breathing started to narrow.
“Emerald…”
She shook her head while focusing ominously in her blurry eyes. “P-please don’t speak again,” she begged, trying not to entertain a jolt of terror behind her mind. “I don’t –want to hear anything unless, you tell me my baby’s fine, please!”
Half of her mind can guess what she’s about to say, but her heart is denying it.
“Please be strong, Emerald…”
“Matthew loves her daughter,” napahinto siya para kumuha ng hangin para muling magpatuloy. She’s trying not to let those tears pour down, but they just voluntarily flow like faucet even if she doesn’t make a blink. “I-I know he would do everything to save our baby,” parang wala sa sariling hikbi niya.
She gnashed her teeth to contain the pain.
“I’m sorry...” iyon ang sumunod na salitang namutawi sa bibig ni Monique.
Ilang sandaling napako ang mga titig niya sa dalaga.
Isabella!
Umiling siya. “Hindi, –no! Oh, please, M-Monique, tell me it isn’t true,” naghihinagpis na iyak niya.
Binalingan niya si Liz. “Please, tell me hindi ito nangyayari. B-buhay ang baby ko, hindi ba?” she began to sob unrestrainedly.
Umibis ang kaibigan sa tabi niya saka siya niyakap. Liz was silently crying.
Sa isang iglap, namanhid ang buong katawan niya mula sa lahat ng sakit nararamdaman.
The only thing that existed was the torturous emotional pain that was slowly killing her.
A month later…
There she was, standing infront of their house.
Matagal niya ‘yong pinagmasdan.
Naging matigas ang kanyang asawa sa naging pasya nitong tuluyang siyang iwan. Bago pa man siya makalabas ng ospital ay ipinagkatiwala na siya nito sa kaibigang si Monique hanggang sa araw na iyon ng kanyang pagbalik sa Amerika.
Ang huling uwi niya roon ay noong halos magmakaawa siyang kausapin siya ni Matthew. Ngunit hindi siya nito hinarap kahit halos magdamag siyang naghintay sa labas ng kanilang silid.
Wala na siyang planong pumasok doon. Dahil kahit saang sulok siya dumako noong gabing iyon ay tila naririnig niya ang matinding pag-iyak ng kanyang anak.
She wiped her tears. Nais pa rin niyang makita ang asawa sa kabila ng matinding poot na nararamdaman nito sa kanya. Ngunit ayon sa kasambahay nilang si Lilian, bago pa ibigay ni Matthew ang huling sahod nito ay ilang araw nang hindi ito umuuwi roon. Hanggang sa nabalitaan na lamang niya mula sa sekretarya nito sa opisina na lumabas ito ng bansa at hindi alam kung kelan makakabalik.
She was helpless…
Alone…
Miserable…
She was broken into pieces.