bc

INEVITABLE ENCOUNTER

book_age18+
104
FOLLOW
1K
READ
dark
one-night stand
escape while being pregnant
pregnant
arranged marriage
drama
bxg
disappearance
love at the first sight
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

LAKI sa layaw si Gwyneth Buenavista kung kaya't saan man siya pumunta walang nakakapigil sa kaniya. Halos inikot niya na ang buong Pilipinas maging ang ibang bansa. May hinahanap ang puso niya. Hindi niya man maintindihan kung ano ito. Hindi pa rin siya titigil hangga't hindi matatagpuan ang gusto niya.

Sa Puerto Prinsesa sa Palawan nandoon si Angelo Monte Verde. Ang binatang nagkasya at kuntento ng manatili sa isang pribadong isla na kilala sa pangalang La Plaza Island. Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Angelo. Buong-buhay niya doon lamang siya; ayaw niya sa magulong siyudad, ayaw niya sa maraming tao. Hanggang sa isang sandali ang nakapagpabago ng mundo ni Angelo sa pagdating ni Gwyneth sa buhay niya. Nagkaroon sila ng mga sandaling kasama ito sa Isla. Naging malapit ang loob nila sa isa't isa, bagamat walang ugnayan na namagitan sapat na ang mga hiram na sandaling kanilang pinagsasaluhan. Ngunit isang araw nawala si Gwyneth.

Hindi niya akalaing isang dalaga lang ang makakasira sa pangakong hinding-hindi aalis sa lugar na iyon. Dahil sa pag-alis ni Gwyneth sinundan niya ito, hahanapin niya ang dalaga. Hindi siya makakapayag na basta na lamang ito darating sa buhay niya't mawawala na lang ng parang bula. Ibabalik niya si Gwyneth.

Ngunit paano kung sa muling pagtatagpo nilang dalawa sa araw ito mismo nang kasal ng dalaga. Matatanggap ba ni Angelo ang laro ng tadhana o ipaglalaban ang dalagang minahal sa una pa lamang nilang pagkikita?

chap-preview
Free preview
ANG SIMULA
CHAPTER ONE "YAYA! YAYA!" malakas na sigaw ni Gwyneth sa kasambahay niya. Kanina pa niya hinahanap ito. Nawawala na naman kasi ang dala-dala niyang make-up kit sa bag na lagi niyang bitbit. Isa itong latest model ng Prada na bagong labas. Hindi niya alam kung bakit nahilig siya sa Prada kaysa sa mga bag na mas mahal pa rito. Para sa kaniya mas komportableng gamitin ito, magaan lang. "Yaya! Yaya ano ba?!" galit niya ng tawag dito. Sumilip na siya sa pinto para marinig ang boses niya sa baba. Pero wala pa rin ang Yaya Betty niya. Hindi naman linggo naisip niya, kaya malamang hindi ito lumabas para sa lingguhang day off. "Huwag niya sabihing lumayas na siya," bulong ni Gwyneth sa sarili. Naiinis siyang napaupo sa paanan ng malambot niyang kama. Halos lahat ng makikita sa silid niya ay kulay abo. Hindi niya nga alam kung bakit siya nahilig sa kulay na 'yon. Para sa kaniya is refreshing her day. Siya si Gwyneth Buenavista, labing dalawampu't limang taong gulang. Kaka-graduate niya lang halos ng kolehiyo. Tourism ang kursong kinuha niya, nag-iisa siyang anak ng isa sa mayamang negosyante sa Muntinlupa, Alabang. May garments factory ang mga magulang niya na may iba't ibang branches sa kalakhang Manila. Napatikhim siya nang maalala ang buhay na mayroon siya. Halos nasa kaniya na ang lahat kung tutuusin. Pwera na lang sa oras ng mommy at daddy niya. Kailan nga ba nagkaroon ng oras ang mga ito sa kaniya? Umiling-iling siya. 'Poor Gwyneth. Nag-iisa ka na naman kung wala na si Yaya Betty,' bulong niya sa sarili. Hindi pa man siya sigurado kung umalis na nga ang yaya niya nalungkot na agad siya. Ito lang kasi ang nandiyan para sa kaniya--- tulad na lamang ng mga sandaling pag hindi niya makita ang gamit niya. "Yaya Betty! Yaya Betty!!!" muling sigaw ni Gwyneth.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook