CHAPTER 33 Sumabay na ako kay Immanuel sa kotse. Hindi kami umapak doon sa hosital kung saan dating nagpapa-check up si Mama. My Mother's cardiologist was Immanuel's Mother, that's why I was not shocked when we stepped in the private hospital right now. Sa karatig bayan na itong napuntahan namin at kahit na malayo ay masasabi mong mas-established ang hospital dito, at mararamdaman mong maalagaan ka talaga rito. Noong nag-college ako ay saka lang namin nalaman na may iniindang sakit pala si Mama sa puso. It was genetic, an unwelcome inheritance passed down through generations, something she couldn't prevent no matter how many prayers we whispered or healthy meals we prepared. Habang tumatagal kasi ay palubha nang palubha lang iyon, medyo naging ayos na rin naman siya nang maka-graduate na

