CHAPTER 28 "Ma si Immauel po pala, boss ko," pakilala ko kay Mama nang nakauwi na kami galing sa palengke. Agad namang lumapit si Mama at kinuha ang bitbit ni Immanuel na mga pagkain, ang iba roon ay siya ang nagbayad- nakakahiya nga no'ng nasa palengke kami. Kasi kulang na lang idikit ng mga tao ang mata nila sa katawan ni Immanuel. Well hindi ko naman kasi talagang maitatangging guwapo si Immanuel at hindi ko sila masisisi kung bakit may isang bilyonaryo na naglalakad sa loob ng palengke kanina. "Naku hijo, gabing-gabi na. Uuwi ka pa ba? Dito ka na muna matulog," si Mama nang matapos na siyang magluto. Dito ko na rin kasi papakain si Immanuel, na siyang hindi niya naman tinanggihan. "Ma, wala naman tayong available na kwarto," saad ko dahil 'yon naman talaga ang totoo... atsaka alam

