SABI ko nga ‘di ba? Aamin na ako. “Pabalik na po sana kami matapos naming tignan ‘yong buong lugar ng ilang minuto pero may napansin po kasi akong matanda na paekis-ekis kung maglakad. Eh, sa alam ko po ang pakiramdam na gano’n kaya tinakbo ko po galing gate nila hanggang sa masambot ko po ‘yong matanda bago po siya matumba at mahimatay. Hindi ko naman po inaasahan na si Chairman Marquez po pala ‘yong matandang tinulungan ko,” pag-aamin ko na, hindi nga lang lahat. "Bless, maganda na nagmagandang loob ka sa kapuwa mo. Mabuti at tinulungan mo si chairman pero sana naman inisip mo rin ang sarili mo, hindi ka katulad ng iba, Bless. Sana lagi mong tandaan na kakaiba kang sitwasyon at ang kailangan ay ang matinding pag-iingat, tumakbo ka pa, paano kung mas nauna ka pang n

