MATAPOS ng isang mahabang araw, p-in-amper ko ang sarili ko sa isang maingat na paliligo bago ako nagbihis ng komportableng pantulog. Nagsiuwian na ang mga pamilya namin lalo na at nilamon na ng gabi ang buong Aklan. Sayang nga kasi hindi ako makakapaglakad-lakad sa labas ang ganda pa sana ng langit at ang dami pang mga nagkikinangang mga bituwin, full moon din kasi kaya siguro mas lalo pang gumanda ang paligid. Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa higaan ko. Nagsimulang bumalik sa akin ang mga nangayari sa mansiyon kanina. Talagang nakikiayon sa akin ang tadhana kanina dahil hindi napansin ng pamilya ko lalo ng mga magulang ko na nawala kami ng matagal ng mga kaibigan ko. Buti na lang talaga at mukhang nag-enjoy sila sa mga naging usapan nila, nangangatog na ako ka

