TUMAHIMIK ang buong paligid na literal ang na lahat kami nakatingin sa anim na lalaki ngayon na nagtutulakan palabas ng elevator. Bakit ba kasi sila magtutulukan pa? Eh, pwede namang may mauna ‘di ba? Halos lahat sila parang mga kakagising lang well except sa isang makapostura naman akala mo naman nasa Korea, ala-Lee Min Ho ang pormahan pero parang pamilyar siya sa kin? Pero before anything else nasabi ko na ba? Na parang nanonood ako ngayon ng Seven first kisses? Six nga lang sila kasi alam n’yo ba kung bakit? Ulalammmmmm! Lahat guwapo! Walang tapon ulo! Sexy na nga lahat matatangkad pa tapos guwapo talaga! Sarap mag-sight seeing, ganito ba naman tinitignan mo pwede na yatang araw-arawin ay hindi! Umagahan, meryenda sa umaga, tanghalian, me

