CHAPTER 4

2900 Words
           “FIGHTING! Laban, Ate Bless! Laban!” ani ng lahat matapos kong sabihin ang maikli kong pasasalamat. Kasabay ng kanilang mga naging cheer ay masaya kong itinaas ang aking kamay na halos namamaga na sa kakatusok ng hiringgilya. Inakto ko itong parang nakikibaka upang ipakita sa kanila ang aking pakikiisa.            Buong pamilya ko ang napaapektuhan simula nang bumaligtad ang aking mundo, ayaw ko silang ma-disappoint sa kin, kaya lalaban ako hanggang kaya ko. Hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa mga taong ito.            Naniniwala silang gagaling ako kaya sino ako para hindi paniwalaan ang sarili ko? Ang iba nga naniniwalang kaya kong malagpasan ang krisis ng buhay ko na ‘to, ako pa ba ang hindi?            Ipinasyal ko ang aking mga mata sa buong kuwarto, masaya akong nakikita ang ngiti sa kani-kanilang mga labi. Masaya ako na kahit ganito ang naging sitwasyon ko, alam kong maraming kulang ngunit araw-araw tayong binibigyan ng pagkakataon upang mabuhay kung kaya’t bakit ako matatakot sa kung ano na naman ang dalhin ng bukas sa kin? Ang importante ay ‘yong ngayon, hindi ba? Ang importante…            Buhay pa ako.            Lumipas ang ilan pang mga minuto at isa-isa ng nagkaniya-kaniyang usapan ang aking mga kapamilya. Bumalik sila sa kani-kanilang mga ginagawa, merong kumakain na, meron namang nanatiling naka-upo at nakikipagkamustahan sa iba pa naming pamilya na kung minsan lang namin nakakasama. Habang ang mga pamangkin ko naman ay naghahabulan o kung hindi naman ay nagtatawanan.            Sa simpleng pangyayaring ito ay mas ginugusto kong lumaban. Hindi ko kayang iwanan ang mundo kong puno ng pagmamahal at pag-aaruga ang natatanggap ko.            And, I praise the Lord for giving me another gift of life, for giving me another chance to savor the world.             “Nak, sandali at dadalhin ko na sa ‘yo ang mga pagkain, hmm?” tumango ako. Ngunit bago tuluyang makaalis si mama sa aking harapan ay agad akong nagsalita.             “Ma, thank you po talaga sa lahat-lahat. I love you, mama,” nag-uumpisa nang mamasa ang gilid ng aking mga talukap ngunit kinaya ko pa ring sabihin ang mga katagang iyon sa aking ina. Kung kaya’t imbes na ipagpatuloy ang gagawin n’ya sanang pag-alis ay mabilis naming pinagsaluhan ang isang mainit na yakap.            “Aw! Ang sweet naman! Mother and daughter bonding, oh!” panunukso ni Tita Annie sa min na agad namang sinabayan ng kantiyawan ng iba pa naming pamilya. Hindi naman nagtagal n’ong lumapit sa amin si papa at nakisalo na rin sa aming mumunting yakapan. Yakap na hinding-hindi ko makakalimutan, kailanman. Ang yakap na babaunin ko hanggang sa kabilang buhay.            While it was all happening, my lips couldn’t stop smiling. I’m just overwhelmed that I am sharing this moment with this kind of person. Suwerte pa rin ako kasi meron akong sila sa buhay ko.            Biglang nahagip ng aking isip ang lalaking kanina lamang ay muntikan pang sirain itong lahat. Kahit naman gano’n ang nangyari ay masaya pa rin ako, hindi ko lang makuha-kuha sa aking isip ang mukha n’ya, bakit ko pa ba siya naiisip?             Narinig ko ang maliliit na hikbi mula kay mama hanggang sa pasimple nitong pinahid ang kan’yang mga luha.             “Mama naman, eh! Bakit umiiyak? Bawal sad! Dapat lagi lang good vibes!” saad ko gamit ang pinakamasiglang boses na makakaya ko sa kalagayan ko ngayon.             Ngumiti agad si mama sa akin at agad na yinapos ang aking mga pisngi. Pati tuloy ako ay naiiyak na rin, kanina pa naman umaalpas ang luha sa aking mga mata.             Sa sobrang daming pinagbago sa buhay ko, iisa lang ang nanataling hindi nagbabago. Iyon ay ang pagmamahal ng mga magulang ko.   Third Person’s Point of View              Inside a white limousine, tahimik na umiinom ng wine ang Chairman Marquez na katabi ang apong busy na kinukulikot ang kan’yang cellphone.            Bahaw ang naging ekspresiyon ng mukha ng matanda ngunit bakas sa kan’yang naninigang bagang ang pagtitimpi nito.            “Katig–a gida ing ueo, Zaren (Translation: Ang tigas talaga ng ulo mo, Zaren). Do I need to repeat myself twice just for you to understand? Simple rules, Zaren, simple!” basag ng nakakatandang Marquez sa katahimikan habang binabaybay nila ang daan pabalik sa kanilang mansiyon.            “Grandfather! Can you just shut the f**k up? If you scold and scold and scold me, just please shut up already. Alam na alam ko na ang sasabihin mo, actually, memoryadong-memoryado ko na nga. Umpisa nga inunga ako puro wakae ang nababatian kimo. (Translation: Simula n’ong pinanganak ako puro na lang pangaral mo ang naririnig ko) and it’s too much,” sagot ni Zaren na hindi man lang magawang iwanan ng atensiyon ang hawak-hawak n’yang iPhone 12 Pro Max.            “Harun man gali (Translation: Ayan naman pala) but then you keep on provoking me, my grandson, gusto mo talaga yatang galitin na lang ako ng galitin,” balik na saad ng Chairman matapos na marahang ibinaba ang hawak-hawak na red wine at tapunan ng tingin ang kan’yang paboritong apo.            Si Nazarene ang unang bumaba mula sa kanilang sinasakyan matapos ang ilang oras na biyahe kasabay ng maaga n’yang pagtahak ng hagdan paakyat ng kanilang bahay na hindi man lang tinatapunan ng pansin ang kanilang mga kasama sa bahay.             “Magandang hapon po, young master!” sabay-sabay na naging bati ng kanilang mga butlers ngunit walang naging imik ang binata. Nagpatuloy lamang si Nazarene sa pag-akyat sa kan’yang kuwarto kaya mas minabuti ng head butler ng pamilya na ito ay sundan.            “Young master, ano pong nais ninyong kainin sa meryenda?” tanong ng head butler habang nanatili itong nakatayo sa pintuan habang ang kausap ay nasa banyo na at nagbibihis.             Nanatiling nakatayo at naghihintay ng sagot ang head butler hanggang sa kusa ng lumundag ang binata sa kan’yang higaan at bumalik sa pagkulikot ng kan’yang cellphone.            “I want something sweet, head butler,” anas ng binata na siya namang pinalitan ng matamis na ngiti ng head butler.            “Masusunod po, young master. Sabi ko na nga ba ang na-miss mo ang aking mga lutong minatamis.” Iyon na ang huling mga tagang sinatinig ng matandang babae bago n’ya tuluyang tinahak ang daan palabas ng kuwarto ng kan’yang among halos ilang taon n’ya ring pinagsisilbihan.             Ilang minuto rin ang nakalipas na nanatiling nakahilata ang binata sa kan’yang malaki at malambot na kama bago ito tumayo na may kausap na sa kan’yang cellphone. But, little did he know, his youngest cousin, Trevor, silently entered his room. Maingat na itinaas ni Trevor ang kan’yang mga paa upang maabot ang cellphone na hawak-hawak ng nakatatandang pinsan nito. Hanggang sa nagtagumpay nga siyang itulak iyon gamit lang ang kan’yang mga diliri sa ere at saluhin ito kalaunan.            “What the f**k--Trevor!” sigaw ni Nazarene na gulat na gulat pa sa naging asal ng kan’yang nakababatang pinsan.            “Big bro, sinong kausap mo?” innocently he asks.            “Alin abi ing pakialam? Uwa ka gid it pinagpabag-o, kaeahog ka gapun. Medyo aeom mo hay unga kating nga uwat buot, Trevor! (Translation: Anong pakialam mo? Wala ka pa ring pinagbago, napakagulo mo pa rin. Parang tingin mo ay isa ka pa ring batang walang alam, Trevor!)” matigas nitong sita sa kan’yang pinsan.            “Sino nga kasi ‘yong kausap mo, big bro?” pangungulit ni Trevor.            “It’s none of your f*****g business, man. What are you doing here, by the way?” naiinis na sagot ni Nazarene kay Trevor bago ito tinalikuran at maglakad pabalik sa kan’yang kama. Umupo ito sa paanan ng kan’yang higaan habang si Trevor naman ay mas piniling umupo sa itim na sopa na nasa loob ng kuwartong iyon.            “Wala naman, masama bang makipagkamustahan sa ‘yo, big bro?” kaswal na sagot ni Trevor.            “Hmm,” bagot na ugong ni Nazarene na siyang nasundan naman ng katahimikan.            Trevor is roaming his eyes around Zaren’s room, and then he slightly lay down the sofa with both hands on his head.            “Trevor / Big Bro,” sabay pa nilang sambit.            “Ah!” Trevor chuckles.            “Mauna ka na, big bro. Ano ba ‘yon? Nagsabay pa gid-a kita nga daywa it hambae (Translation: Nagkasabay pa talaga tayong magsalita),” Trevor uttered with a smile, and he sat properly before tapping his knees.            “First things, first. Give me back my phone, brother,” pagsusuyo ni Nazarene na parang inuutusan na rin ang kan’yang pinsan.            Trevor shrugs his shoulder off with a funny facial expression teasing Nazarene. He then stands to grant his    older cousin’s request, and he smiles before letting the phone slide his hands to Nazarene’s hands.            “Thanks, bro,” wika nito at mabilis nang binuksan ang kan’yang cellphone.            “Ano gali ing nakutana, big bro? (Translation: Ano palang itatanong mo, big bro?) Tungkol ba to sa dating gawi natin? G!” Trevor said with excitement draws his face.            “Nah. I want to sleep the whole day, Trevs. Wala ako sa mood ngayon lalo at pinagalitan na naman ako kanina ni lolo, well, wa eon man it bag-o (Translation: Wala naman ng bago),” saad ng binata na sinundan pa ng paghikab n’ya at pag-inat ng kan’yang mga mahahaba at matchong balikat.             “Weh? Totoo ba, big bro? Pinagalitan ka na naman ni lolo? Kailan ba ‘yan matatapos?” anas ng lalaking sinundan ng kan’yang tawa.            “Oops! I – I didn’t mean to laugh. It’s just,” pinipigilan n’ya ang kan’yang tawa.            “It’s just that he hits you once again, big bro. Welcome home!” kontroladong wika ni Trevor.            “Gago! Ulol ka,” tugon ni Nazarene.            Nagpatuloy lang si Trevor sa pagtawa hindi alintana ang sinabi ng kan’yang pinsan, na animo’y sanay na sanay na siya rito. Nang mapigil ni Trevor ang kan’yang saya ay muling natahimik ang buong sulok ng kuwarto kung hindi lang muling nagsalita si Nazarene.             “May kakilala ka bang nakatirang babae na malapit dito na ano, ano may caramel na mga mata?” Out of the blue, he asks without even making eye contact with his cousin.            “Ha? Big bro, kaabo–abo nga baye nga taga-iya (Translation: Ang daming babaeng nakatira rito), paano ko naman makikilala ‘yon. Sino ba ‘yon at parang interesadong-interesado kang makilala?” tugon ni Trevor matapos n’yang i-krus ang kan’yang mga binti at paglaruan ang kan’yang mga daliri.            “You have a point, thou, but none of your business once again. I’m just curious about this girl I saw at the hospital a while ago. How should I say this? I mean, I have this got feeling that I know her, a long time ago,” He then fixed his pillows, adjusted the room’s air condition and light.             “Totoo ba? Ano kayang meron sa babae na ‘yon? Baka naman kababata mo, big bro? Ano bang balak mo? Kausapin ng masinsinan ang bebot?” bumingisngis si Trevor matapos n’yang sabihin ang mapanundyong mga kataga, mukhang may halo pang kahalayan ang iniisip n’ya.            “Nah. Nothing,” bahaw na tugon ng pinsan n’ya, bumuntong hininga muna ito bago nagsalitang muli na may mas seryoso ng tinig.            “Trevor, get the hell out of my room. I’m trying to have a good sleep here, man,” aniya matapos pumewesto na nang maayos at isara ang kan’yang mga talukap.            The youngest, Marquez, was left with no choice. He quietly stood and started walking away, but before he could quit the doorstep. He puts his hands on his pocket and then draws a slight smirk when he looks at his older cousin trying his butt to sleep.             Sa kabilang banda naman ay makikita mo ang mataas at malaking binatang nasa tapat ng isang maliit na bahay.            “Ante Badette? Ante? Tag-balay? Si Austin ra, ante! (Translation: Tita Badette? Tita? Tao po? Si Austin ‘to, tita!),” mahinang tawag ng isa pang Marquez habang kumakatok sa pintuan ng bahay na kan’yang kinatatayuan.            Hindi naman nagtagal ang kan’yang paghihintay dahil binuksan naman ng isang ale ang pintuan. “Oh! Sir Austin, ikaw gali! Sino ing iba? (Translation: Oh! Sir Austin, ikaw pala! Sinong kasama mo?),” bungad ng ale at nag-umpisa ng maghanap ng iba pang tao sa kanilang labas.            “Ah, uwa akot kaibahan nga bodyguards, ante. Igto sanda sa guwa gahueat kakon (Translation: Ah, wala akong kasamang bodyguards, tita. Nasa labas sila at naghihintay sa kin),” panigurado ng lalaki.            “Ah, gali? Sige, sueod anay, Sir Austin, ano ing gusto kape? (Translation: Ah, gano’n ba? Sige, pasok ka po muna, Sir Austin, anong gusto mo kape?) Juice?” nakangiting tanong sa kan’ya ng ale. Hindi makakailang kilala nga ang mga taga-Aklan dahil sa angkin nilang kabaitan at galing sa pagtanggap ng mga bisita.            “Ayaw eon, ante. Indi man ako magbuhay (Translation: Huwag na po, tita. Hindi naman po ako magtatagal),” anang ng binata.            “Ah! Mayad gani, Sir Austin, sakto ing pag-abot kakauli eang man abi namon halin sa hospital (Translation: Ah! Mabuti nga, Sir Austin, sakto ang pagpunta mo rito at halos kakarating lang din namin galing sa hospital),” tugon naman ng ale habang inaayos ang kan’yang suot bago tuluyang umupo sa tapat ng bisita.            “Hospital? Kaya gali uwa sanda sa hotel, te? Na-hospital eon man imaw? Kan-o? (Translation: Kaya pala wala sila sa hotel, tita? Na-hospital na naman na siya? Kailan?)” balisang sagot ng lalaki. Nagbago ang kan’yang karaniwang ekspresiyon tungo sa pagkabalisa at pag-aalala.            “Oo, ging gue–an eoman imaw it dugo sa ilong ag nagpang-eopsi. Nabisita mo kunta imaw, Sir Austin? (Translation: Oo, nilabasan na naman siya ng dugo mula sa kan’yang ilong at namutla na naman. Bibisitahin mo ba sana siya, Sir Austin?)” maingat na yumuko ang lalaki at nahihiya itong tumango sa ale.            “Sir Austin, sayod ko nga gina-ubra mo ra lalo at birthday na. Galing siguro mas mayad nga indi ka anay nana makita kasi hambae it doktor bukon it mayad kong ma-stress imaw (Translation: Sir Austin, alam kong ginawa mo ‘to lalo at birthday n’ya. Pero mas mabuti siguro kung hindi ka muna n’ya makita lalo at sabi ng doktor hindi mabuti kung ma-stress pa siya),” tugon ng ale na may halong kalungkutan sa kan’yang naging tinig.            Napahilamos na lamang ang lalaki bago ito pumakawala ng malalim na buntong hininga.            “Saea ko man, ante, kung uwa ako naging gago ag uwa ko ging pili ang pamilya, ang mga Marquezes (Translation: Kasalana ko naman, tita, kung hindi ako naging gago at mas pinili ang pamilya ko). I should have chosen her instead. If that’s the case, we’re still together until now. I should have been fighting with her right now. Dapat magkaibahan pa kunta kami makaron (Translation: Dapat sana magkasama pa rin kami hanggang ngayon),” Natahimik ang ale sa naging saad ng lalaki. Punong-puno ng pagsisi at kalungkutan ang binata.            The great Austin Marquez is now showing his true feelings. Maliban pala sa pagiging seryoso at masunurin sa kan’yang lolo ay may ganito rin palang pagkatao si Austin. Vulnerable. Oppressed.            Minabuti ng ale na tapikin ang balikat ng binata. “Sir Austin, wa eon kita it maubra natabo eon abi, dati pa (Translation: Sir Austin, wala na po tayong magagawa pa, nangyari na, matagal na),” wika ng ale at hinayaang tumahimik muna ang paligid nilang dalawa.            The tiny house was filled with sobbing and comforting words. We can see through Austin that he regret those things that he has done before. We can sense that the care he has for that girl is beyond friendship, beyond humane.            After a few minutes of staying like that, the guy let out another deep sigh before fixing himself to stand up that bamboo chair.            “Ah, ante, paki-tao lang kana ro mga prutas ngara, maskin papaano makabulig kana. Paki hambae man nga nagpangamusta ako kanday ante at angkol. Kamo lang bahala kay Moo. Pwede n’yo akong tawgan kung may kinahangean kamo, mabulig ako basta para kana (Translation: Ah, tita, pakibigay na lang sakan’ya ‘tong mga prutas para kahit papaano ay makatulong sa kan’ya. Pakisabi na rin kina tita at tito na nangamusta ako. Pwede n’yo akong tawagan kung may kailangan kayo, tutulong ako basta para sa kan’ya),” seryoso nitong saad. Yinakap ng binata ang ale bago ito nagsimulang maglakad paalis.            Hindi na napigilan ng ale ang kan’yang paghikbi. “Dahan ka, Austin, ayaw it kahadlok makaabot kanda ra ag saeamat sa tanan mo nga bulig para sang gumankon (Translation: Ingat ka, Austin, huwag kang matakot makararating sa kanila ito at salamat sa lahat ng naging tulong mo para sa pamangkin ko),” pinahid ng ale ang butil sa kan’yang pisngi at pinabaunan ang binata ng ngiti sa kan’yang pag-alis.            “Uwa run, ante, basta hay para kana, sa isambilog ag sobra ko nga palangga. Sayod mo man, Ante Badette, nga palangga ko ing gumankon maskin alin man natabo kamon. Kung may akon eang nga tsansa mas pilion ko nga bag-uhon da tanan, mas gustuhon ko nga alagaan ag palanggaon ko lang imaw (Translation: Wala ‘yon, tita, basta para sa kan’ya, sa nag-iisa at sa tangi kong mahal. Alam mo naman, Tita Badette, na mahala ko ang pamangkin mo kahit ano pa ang nangyari sa amin. Kung may pagkakataon lang ako, mas pipiliin kong baguhin ang lahat, mas gugustuhin kong alagaan at mahalin na lang siya),” ngumiti ito ngunit bumalantay pa rin sa mukha ng binata ang paghihinayang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD