PINAHID ko muna ang mga luhang tahasang tumulo sa mga mata ko bago ko ipinulupot ang dalawa kong kamay sa kan’yang leeg bago tumingkayad upang mahalikan ang kan’yang pisngi. Inilapit ko ang aking bibig sa kan’yang mga tenga sabay sabing. “Pwedeng-pwede kahit hanggang kailan mo pa gusto,” aniya ko. “f**k! Is that a yes?!” bulalas naman n’ya bago n’ya ako buhatin paikot ng kinatatayuan namin kanina. “Yes! Yes! Yes! Yes!” pag-uulit ko. “SISTERS! YES DAW! KAMI NA! MAY GIRLFRIEND NA AKO, SISTER ELENITA! MAY GIRLFRIEND NA AKO!” hiyaw n’ya pa. Pagbaba n’ya sa kin sa sahig ay agad n’yang c-in-upped ang pisngi ko atsaka matagal na nilapat ang mga labi namin sa isa’t isa. “I love you, Winona,” dugtong pa nito. “I love you, too, hanggang huli.” Naghiyawanan naman at nagpalakpakan ang mga bat

