Kabanata 10

1227 Words
Third Person POV NAGISING si Luna sa hilong-hilo niyang ulirat. Napahawak siya sa kanyang sentido dahil pakiramdam niyang parang may nakaipit na unan sa loob ng kanyang ulo at paulit-ulit itong binabangga sa pader. "Aray..." mahina niyang daing nang mapabangon siya. Iginala niya ang paningin at napagtantong nandito siya ngayon sa kwarto ng tinutuluyan niyang resthouse na pagmamay-ari ng manager niya. "Cheska?" Tawag niya dito saka napapikit nang mariin. Ilang segundo pa bago bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ace, yung personal assistant niya. "Oh? Kumusta ang hangover?" Nakahalukipkip ito hahang naglalakad papunta sa gawi niya. "Sige, inom pa. Kulang pa 'yang hangover mo," Inis na binalingan siya ni Luna saka napairap. Masama na nga ang gising niya, tapos dadagdag pa ang isang 'to? Personal assistant niya si Ace pero isa din ito sa mga matatalik niyang kaibigan. Naging kaklase niya ito simula noong highschool, kasama si Sofia. Noong dumating yung time na paunti-unti silang sumisikat ni Sofia, Luna offered Ace na maging personal assistant nito, at hindi naman tumanggi ang kaibigan sa alok niya. Pero kahit personal assistant niya ito, hindi niya ito itinuring na gano'n. Kung tutuusin parang siya pa nga ang ginagawa nitong alalay minsan dahil sa pagiging bossy ni Ace. Pero kahit gano'n, hindi maipagkakailang mahal siya nito at handang makipag-bardagulan kapag inaapi na siya. "Kailan ka pa nakabalik?" "Yesterday," Hinugot ni Ace ang stool sa study table saka umupo dito. "Lumuwas papuntang Manila kaninang madaling araw si Cheska. May appointment daw siya pero hindi naman niya sinabi sakin kung para saan," sabi nito habang kinakalikot ang kuko niyang kagagawa lang. "Hindi ba siya nagalit sakin kagabi?" "Bakit naman siya magagalit? E, kinikilig pa nga siya kagabi noong umuwi ka dito," tila may bahid na panunukso sa boses ni Ace na ikinakunot noo naman ni Luna. "Hinatid ka lang naman kasi ng nag-iisang Doctor Damon Villaruel at... pft," pigil ang tawa nitong sabi. "Oh, gosh! Bakit? Anong ginawa ko?" "So, hindi mo maalala?" Ang bata bata niya pa, pero daig niya pa ang matandang makakalimutin kapag lasing ito. Mas kinabahan siya lalo sa ngiting nakapaskil sa labi ng kaibigan niya. Possible bang totoo ang nangyari kagabi at hindi siya nananaginip lang? ---FLASHBACK--- PALALIM na ang gabi nang huminto ang itim na sasakyan sa harap ng isang pribadong resthouse sa Tagaytay. Bumukas ang pinto sa passenger side, at isang babaeng medyo nakalaylay pa ang ulo, pilit na inaabot ang handbag niya habang may hawak pang bote ng tubig. “Dahan-dahan. You’re gonna fall again,” mahinang sabi ng lalaking bumaba rin mula sa driver’s seat at agad siyang inalalayan. “Daaaamooonnn,” hila-hilata ang boses ni Luna habang sinasandal ang buong katawan sa lalaki. “I’m not drunk anymore. I'm fine. Let’s go bungee jumping.” Napakunot ang noo ni Damon. “It’s almost eleven, Miss Ferrer.” “Exactly!” sabay turo ni Luna sa langit. “Perfect time to jump and meet Jesus!” Hindi napigilan ni Damon ang mapailing. Hawak pa rin niya si Luna sa baywang habang sinusubukang igalaw ito palapit sa pinto ng resthouse. “You really are unbelievable.” “Thank you,” ngumiti si Luna, sabay ngisi, tapos biglang hinatak ang suit ni Damon at isinubsob ang mukha roon. "You really smells good, Damon." “Tch," Nang marating nila ang pintuan ng resthouse, pinindot kaagad ni Damon ang doorbell button. Makailang beses niyang ginawa iyon hanggang sa umilaw ang sala at bumukas ang pinto. "What a sight..." nakangangang usal ni Ace pagkakita sa kaibigan niyang akay-akay ng doktor sa bewang. Napaatras pa ng bahagya si Damon nang makita sina Cheska at Ace dahil naglagay ito ng facial mask sa kani-kanilang mga mukha. Nakasuot na din sila ng pantulog na damit, patunay na matutulog na sana sila. "G-Good evening, Doc Villaruel." Medyo nahihiyang bati ni Cheska. Paano hindi siya mahihiya, e isang sikat na surgeon lang naman ang nasa harapan nila ngayon, akay-akay ang kaibigan niyang lasinggera. "Pasensya na po sa abala," sinubukang akayin ni Ace si Luna pero kaagad siya nitong tinabig at napayakap nang mahigpit kay Damon. "I wanna stay with my golden retriever *hik*" nakapikit ito saka pinisil-pisil ang naninigas na biceps in Damon. Hindi na maipinta ang hitsura ngayon ni Damon habang sina Cheska at Ace ay napatakip sa bibig dahil sa gulat. “Do I look like a golden retriever, Miss Ferrer?” Napatingin si Luna sa kanya, medyo duling pa sa kalasingan. Saglit siyang natahimik, tapos ngumuso. “Hindi.” Tinaas ni Damon ang kilay. “No?” Tumawa si Luna, malambing at medyo sabog. “You look like… my last good decision.” "You look like someone I wouldn't mind waking up next to... every morning," dagdag pa nito. Yung kaninang inis na naramdam ni Damon ay biglang nagbago. Palihim itong napangiti at hindi ipinahalata sa dalawang babaeng nakatitig ngayon sa kanina. He felt a strange sense of happiness, though he couldn’t quite put his finger on why. “Pasensya na talaga, Doc. Hindi naman siya ganyan pag nasa katinuan siya,” Sapilitang hinila na ni Cheska si Luna bago pa ito makapagbitaw ng kung ano pang salita. “Kami na ang bahala sa kanya,” sabat naman ni Ace. Aakmang ipapasok na sana nila si Luna sa loob ng bahay, kaso nagpumiglas na naman ito. “Wait lang!” Bumaling siya kay Damon at muling ngumiti. “Would you like to spend the night with— amp...” Hindi na natuloy ang balak nitong sasabihin nang kaagad tinakpan ni Ace at Cheska ang bibig niya. “Don’t mind her. Hehe,” wika ni Cheska. “Ano ba?! Bitawan niyo ‘ko!” Nang makawala ito, dali-dali siyang bumalik kay Damon at nagtago sa likod nito. “Please save me, my king. Those two witches were trying to hurt me!” parang batang nagsusumbong ang tono ng boses niya. Ultimong si Ace ay hinihiling na sana lamunin na lang siya ng lupa. Iba talaga ang nadadala ng kalasingan, at sigurado siyang kapag maalala ni Luna bukas ang nangyari ngayong gabi, wala na siyang mukha na maihaharap kay Damon. “Allow me to take her to her room,” sabi ni Damon at marahang hinawakan si Luna sa braso. Pumagilid naman sina Cheska at Ace para magbigay daan sa dalawa. “Paniguradong magwawala ‘yan bukas pag maalala niya ang kahihiyang ginawa niya ngayon,” pasimpleng bulong ni Ace kay Cheska habang nakasunod sila sa likuran nina Luna at Damon. Marahang inihiga ni Damon si Luna sa kama at tinanggal ang mga sandals nito. “Make sure to change her clothes before she falls asleep,” tugon ni Damon pagkabaling kina Ace at Cheska. Tumango naman ang mga ito. “I need to go now,” dagdag pa niya at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan. “Damon!” Hinawakan ni Luna ang kamay niya bago pa man siya makaalis. Nilingon siya ni Damon, hinihintay ang sunod na sasabihin. “Don’t you want to sleep next to me? Gusto ko tabi tayo,” bulong ni Luna, ang mga mata niya'y matamlay na marahil dahil ng alak. “Don’t do anything you’ll end up regretting later,” sagot ni Damon, ang boses niya'y may halong pang-uyam. “Sleep now, my queen.” Binigyan ni Damon ng isang magaan na tapik sa ulo si Luna, at sa isang iglap, nakatulog ito. ---END OF FLASHBACK---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD