Kabanata 11

1070 Words
Third Person POV "Bakit kasi hindi niyo man lang inawat ang kag-gahan ko?" Pabagsak na napaupo si Luna kaharap ni Ace. Nandito sila ngayon sa kusina para mag-agahan. Matapos maalala ni Luna ang kahihiyang nagawa niya kagabi, halos hindi na siya mapakali at kanina pa nangungulit kay Ace. "Naku, kung alam mo lang. Sinubukan din naman namin," sagot naman ng isa. "Inumin mo na 'to para maibsan ‘yang hangover mo," inilapit sa kanya ni Ace ang tasa na may lamang turmeric tea. "Ano pa'ng mukhang ihaharap ko sa lalaking 'yon?" naihilamos nito ang mga palad sa mukha. "Edi ang mukha mong maganda, tch." napairap ang assistant niya sabay inom sa kape. "Ace naman e. Sana sinundo mo na lang ako kahapon. Ba't mo ba hinayaan na siya pa ang magsundo sakin?" "G-ga! Ilang beses ka naming tinawagan kahapon pero ayaw mo namang sagutin. At saka, hindi kami ang nag-utos kay Doc Villaruel na sunduin ka." Nanlulumong naiumpog niya ang noo sa ibabaw ng mesa, sabay atungal ng inis at pagkadismaya—parang gusto na lang niyang matunaw sa hiya sa sarili sa ginawa niya "Bakit ka ba kasi naglalasing do'n?" pag-iiba ni Ace sa usapan. Bigla namang naalala ni Luna ang dahilan kung bakit siya nasa bar. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago sumagot. "Inamin sakin ni Sofia na siya ang nagpakalat ng litrato ko na kasama si Damon," Hindi mapigilang maibuga ni Ace ang iniinom na kape. "Seriously? Bakit niya gagawin sa'yo 'yon?" hindi makapaniwala nitong tanong. "Simply because she hated me," malungkot na sambit ni Luna. "Wala naman akong inaagaw sa kanya pero pinagpipilitan niyang mang-aagaw daw ako." Galit na galit na naihampas ni Ace ang kamay sa mesa, "Kaya pala dati pa lang, hindi na maganda ang kutob ko sa babaeng 'yon. Alam mo bang napipilitan lang akong pakisamahan 'yon dahil sa'yo?" pag-aamin nito. “At ang kapal din ng mukha niyang paratangan ka na mang-aagaw. Ang sabihin niya, inggit lang siya sa'yo dahil mas marami kang projects kumpara sa kanya. Kung tutuusin nga ay utang na loob niya pa sa'yo kung nasaan siya ngayon. Tingin mo ba'y sisikat din siya kung hindi dahil sa'yo?" singhal pa nito na parang sasabog na ang dibdib sa inis. Hindi sumagot si Luna at tinungga na lamang ang turmeric tea. Naiindihan niya ang nararamdaman ni Ace, pero hindi niya din maiwasang mag-alala kay Sofia. "Ipapaalam ko 'to kay Cheska para mapagbayaran niya ang pagdungis sa pangalan mo," "Huwag na, Ace." hinawakan niya ang kaibigan sabay iling. "Hindi pwede! Masasabunutan ko ang bruhildang 'yon kapag nagkita kami," "May kasalanan din naman ako e," napatungo si Luna dahilan para mapatahimik si Ace. She forced a smile bago muling tinignan ang kaibigan. "Kung sana hindi ako nagkulang sa pangangamusta sa kanya, edi sana hindi siya nakaramdam na parang sinasapawan ko siya." "Kahit na! Hindi pa din tama na siraan ka niya dahil lang sa pakiramdam niya ay nasasapawan mo siya. Kaibigan ang turing mo sa kanya, pero gano'n na lang niya suklian 'yon?" yung tono ng boses ni Ace ay parang nanenermon na nanay sa anak, pero batid ang pag-aalala dito. "I also saw her with Drew yesterday. They were doing the you-know-what-i-mean-thing right in front of my eyes." Anak si Drew ng isang producer sa pelikula. Nakilala siya nila Luna at Sofia sa isang bar na tinatambayan nila dati. Hanggang sa nagtagal, dahil sa madalas silang magkakasama, hindi namalayan ni Luna na nahuhulog na ang loob niya kay Drew at ganun din naman si Drew sa kanya. Kaso hindi pwedeng magkarelasyon sila dahil tiyak na malaking eskandalo ito kapag nagkataon, lalo na't sunod sunod na mga project ang dumadating kay Luna at ayaw nilang isipin ng mga tao, ay dahil 'yon kay Drew at malakas ang kapit sa ama nitong tanyag na producer. "She knew na matagal ko nang gusto si Drew, at nagawa niya 'yon para bawian man lang ako," dagdag pa niya. "Pero inamin din dati ng siraulong Drew na 'yon na gusto ka din niya. Papanong— argh! Magsama sila at nang maipakulam ko ang mga impaktong 'yon," napasapo si Ace sa noo dahil sa hindi magkamaliw na inis. Tahimik lang si Luna habang nakikinig sa pag-aalburoto ng kaibigan niya. Hindi ‘yan titigil hangga’t hindi siya nasa-satisfied sa kamumura at sumpa sa dalawang ‘yon. "Mas mabuti na lang din at kay Doc Villaruel ka na-link," biglaang sabi nito sa kalagitnaan ng pagbubunganga. "And how is that?" Luna raised her brow. Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Ace. Napa-krus ang mga daliri nito, saka inalala ang mga nangyari kagabi at para bang kinikilig pa ito sa naiisip. "Sabihin na nating cold hearted arrogant billionaire siya sa mata ng mga tao, pero nasisigurado naman namin na pinapahalagahan ka no'n." "Naku, tigil tigilan mo 'ko sa mga ganyan mo, Ace. Ni hindi ko nga alam kung paano haharapin ang lalaking 'yon." ngiwi ni Luna. As if on cue, biglang tumunog ang telepono niyang nakapatong sa mesa. "Speaking of the dévil..." It was Damon. Napatingin si Luna kay Ace at nag-aalinlangang sinagot ang tawag. “H-Hello?” itinapat niya sa tenga ang telepono pagkasagot. Nahihiya man siyang kausapin ito dahil sa ginawa kagabi, pero pinagbigyan na lang niya at on-call naman sila mag-uusap. Saka na lang niya iisipin ang mukhang ihaharap kay Damon kapag nagkita silang dalawa. [How’s your sleep?] Nagtaas ito ng kilay saka muling tinignan ang kaibigan. ‘Paki-loudspeak.’ Ace mouthed at sinenyasan siya nito. Ni-loudspeak niya ang tawag at muling ipinatong pabalik ang cellphone sa mesa. “A-Ayos lang naman…” utal niyang sagot kay Damon. Halos matawa si Ace sa hitsura ngayon ni Luna, pero syempre hindi niya ‘yon magagawa dahil pinandidilatan siya nito ng mga mata. [“Good to know. I was just checking if you’re okay,] “Ha?” Pa-silent mode naman ang tili ni Ace sa kinauupuan saka kunwaring napapahampas pa sa mesa kaya kaagad siyang sinipa ni Luna para tumigil. [Make sure you eat your breakfast. I'm ending the call now — I have a shift to attend to.] Pagka-end ng tawag, hindi na nakapagpigil sa tili si Ace at pinaghahampas pa si Luna na ngayo’y tulalang nakatitig sa screen. He called her early this morning just to ask if she’s okay and reminded her to eat her breakfast? Kahit ang tono ng pananalita nito ay ibang-iba sa Damon na kilala niya. “What’s his deal? May sapi ba siya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD