Kabanata 1

1184 Words
Third Person POV Napasapo si Luna sa sentido nang maramdaman ang matinding pagsakit ng ulo. Parang may nagmamartilyo sa magkabilang gilid ng kanyang ulo habang unti-unti niyang pinipilit imulat ang mga mata. Mabigat ang talukap na para bang ayaw pa ring bumitaw sa tulog. Tila ba ang buong katawan niya ay mabigat, masakit ang batok, at nanlalambot ang mga kalamnan. Napasinghap siya nang tumama ang malamig na hangin ng aircon sa hubad niyang balikat. Teka lang. Hindi agad niya na-proseso ang lahat. Sa gitna ng hangover haze, isang sunod-sunod na sensasyon ang gumising sa diwa niya: ang malambot na bedsheet na hindi niya pag-aari, ang mamahaling pabango na hindi niya pabango, at ang— Perfume? Bigla siyang napabangon mula sa pagkakahiga, kasabay ng mabilis na kabog ng dibdib niya. Ramdam niya agad ang init sa pisngi—hindi dahil sa lagnat, kundi sa kaba, hiya, at takot na pinagsama. Lumingon siya sa kaliwa. Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakatalikod. Malapad ang balikat, wala ring saplot sa pang-itaas. Nakalambitin ang kumot hanggang baywang nito, at kitang-kita ang makinis na likod. Oh. My. Gosh. Para siyang napako sa kinauupuan. Dahan-dahan siyang umatras sa kama, at halos pigil and hininga. Sino ‘to? Paano siya napunta rito? At— Ano'ng nangyari kagabi?! Inikot niya ang paningin sa buong kwarto. High-ceilinged. May chandelier. Velvet ang curtain. Hindi ito ang kwarto sa unit niya. Hindi rin ito unit ng kahit sinong kilala niya. Cream at gold ang tema ng kwarto at may welcome fruit tray sa side table katabi ang isang malaking abstract painting sa pader. Parang hotel. Mamahalin. Oh no. Napahigpit ang hawak niya sa kumot habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Naalala niyang nasa bar siya kasama ang kaibigang si Sofia na artista din kagaya niya. She gave her drink at hindi naman siya nagdalawang isip na kunin at inumin iyon, after that—wala na, hindi na niya naalala ang mga sumunod pang nangyari. "Come on, Luna... think," bulong niya sa sarili habang pilit kinakalkal sa utak ang nangyari. Pero isang malabong eksena lang ng tawanan, ilaw, at tunog ng musika. Sunod niyang alaala, eto na—nagising siyang hubad sa kama katabi ng isang estranghero. Tiningnan niya ulit ang lalaki. Hindi niya maipagkakailang gwapo ito. Seeing his high-bridged nose and strong jawline, smooth skin, he looked like a celebrity—a model, or someone who belonged on a luxury brand billboard. Sinapo niya ang mukha at muntik pang mapamura. Anong klaseng gulo ba 'tong pinasok niya? Hindi siya pwedeng makita ng publiko sa ganitong ayos. Oras na malaman ng lahat na nagka-one night stand siya sa isang estranghero, tiyak na pagkakaguluhan siya ng media. Tiyak na masisira ang career na pinagpaguran. Mabilis siyang bumaba ng kama, kumot pa rin ang nakabalot sa katawan niya at hinanap ang mga damit sa sahig. Nakita niya ang clutch purse niyang nakatapon sa gilid. Halatang sa sobrang kalasingan, doon niya lang ito basta naihagis. Dinampot niya ito at binuksan. Walang laman kundi mga credit cards, IDs, lip gloss, at isang lukot na singkwenta pesos. "Wow," mapait niyang bulong. “Anong mabibili ko sa singkwenta?” Tumingin siya ulit sa natutulog na lalaki. Ang himbing ng tulog nito, na parang walang problemang dinadala. Samantalang siya, para nang binubulabog ng universe ang buong pagkatao niya. May isang bahagi sa kanya na gustong magwala, umiyak, o kahit manumbat. Pero wala siya sa posisyon. She didn’t even know what really happened. Huminga siya nang malalim. Tiningnan ang singkwenta pesos. Maingat niya itong pinatong sa bedside table. Walang drama, pero puno ng desperasyon. May nakita siyang ballpen malapit sa telepono kaya kinuha niya iyon. Sa likod ng room service card, maingat siyang nagsulat: "I’m sorry, but this is all I had." Pinatong niya ito sa tabi ng pera. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya, mas okay na ‘yon kaysa umalis na lang na walang may iniabot kahit singko. Mabilis siyang nagbihis at nagsuot ng shades kahit indoors naman. Lumapit siya sa pinto pero bago pa man siya lumabas, sumulyap ulit siya sa lalaki—hindi para pagmasdan sa huling sandali, kundi para siguraduhin na hindi ito magigising. Pagbukas niya ng pinto, sumilip siya sa magkabilang direksyon. Walang tao at mukhang wala ding CCTV. Thank you, Lord. Kailangan niyang mag-ingat. Sa showbiz, parang may mata ang lahat ng sulok ng mundo. Isang maling kilos, tapos ka na. Just breathe, Luna and walk. At iyon nga ang ginawa niya. Gusto niyang umuwi na lang at itago sa limot ang kung ano mang nangyari. Hindi niya kilala ang lalaking nakasama niya kagabi at hindi rin niya alam kung paano nagsimula ang lahat. Pero isang bagay ang sigurado siya— Wala sa script ang nangyaring ’to. THE SOFT HUM OF THE AIR CONDITIONER and the faint scent of perfume were the first things Damon Villaruel noticed when he stirred awake. Napakunot ang noo niya nang tumagos ang sinag ng araw sa kurtina. Ang liwanag, kahit banayad, ay masakit sa mata. Dumampi ito sa balat niyang hubad, hanggang baywang lang ang kumot. The sheets were wrinkled and warm. His muscles ached slightly—hindi sa pagod, kundi sa tensyon. He rarely drank because it wasn’t his thing. Control was everything to him but last night was different. He needed a break. A slip. A single night of recklessness. Umupo siya sa kama at dahan-dahang iginala ang paningin. Walang ibang tao sa kwarto. May bahid ng tamis ang pabango sa hangin. Jasmine? No, something deeper. Exotic. Feminine. Definitely not his cologne. Napatingin siya sa bedside table and saw a crumpled fifty-peso bill, weighed down by a room service card. May nakasulat sa likod. Maikli lang pero pulido ang sulat-kamay. “I’m sorry, but this is all I had.” Blink. “What the hell…” he murmured, kunot-noo habang hawak ang papel na parang insulto sa buong pagkatao niya. “Fifty pesos?” ulit niya, this time louder. “Seriously?” Hindi siya galit pero naiinis siya sa dalawang dahilan. Una, ang pag-iwan sa kanya ng babaeng nakatalik niya kagabi at pangalawa, ang lakas loob nitong mag-iwan ng singkwenta pesos sa kanya. Anong tingin niya sa kanya? Isang bayaran? He raked a hand through his hair at inalala ang nangyari kagabi. He was drunk, pero nasa wisyo pa din naman siya. Gusto lang naman sana niyang tulungan ang babae, kaso hindi niya inakalang may mangyari sa kanila. Guilt clouded him. He’s accountable sa nangyari knowing na totally wasted na ang babae kagabi at parang pinagsamatalahan niya ang kahinaan nito. Nagpakawala siya ng isang butong hininga. Damon Villaruel was not the type to wake up with strangers—and definitely not the type to be left by them. Especially not with a fifty-peso bill and a note like a breakup scene in a bad indie film. Tumayo siya at kinuha ang robe na nakasabit sa gilid ng kama. Lumapit sa bintana saka binuksan niya ang kurtina. Sa baba, tanaw ang city skyline ng Makati. Luntian at asul ang pinaghalong tanawin—, maaliwalas. Parang wala lang nangyaring kahit ano kagabi…But something did happen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD