Third Person POV
Daig pa ni Luna Ferrer ang isang ninja sa liksi at tahimik na hakbang habang mabilisang tinatahak ang hallway papunta sa kanyang unit. Nakababa ang ulo, mahigpit ang pagkaka-kuyom ng kanyang bag sa dibdib, at panay ang lingon sa paligid na para bang may kung sinong sumusunod sa kanya.
Habang binubuksan niya ang pintuan, hindi niya mapigilan ang kabahan na baka may nakasunod sa kanyang paparazzi at baka may nakakita sa kanyang paglabas mula sa VIP suite ng bar, at baka… baka may litrato.
Kaka-click pa lang niya ng lock, nang—
“Where have you been?”
Boses pa lang, alam na niyang tapos na ang kanyang panandaliang kapayapaan.
Wala pang isang dangkal ang awang ng pinto, pero umalingawngaw na sa buong unit ang boses ni Cheska Torres, ang kanyang matagal nang manager-s***h-best-friend-s***h-emergency-911. Nakaupo ito sa sofa habang nakahalukipkip at mistulang bundok ng stress ang nakatambad sa mukha nito. Naka-on na ang mga ilaw, at sa ayos niyang nakatambay roon, malinaw na ilang oras na rin itong nag-aabang.
Huminga si Luna nang malalim, saka dahan-dahang itinulak ang pinto. Nginitian niya ito ng pilit.
“Good morning, sunshine.” Aniya, parang batang may ginawang kalokohan.
“Hindi ito sitcom, Luna,” singhal ni Cheska sabay tayo, at nilapitan siya na parang gustong ipitin sa pader gamit ang sermon. “Saan ka nanggaling kagabi?!”
“Wow,” sagot ni Luna, sabay taas ng kilay. “Hindi ba dapat ‘kumusta ka?’ o ‘na-miss kita?’ Warm welcome muna bago trial by interrogation?”
“Don’t try me, Luna,” madiin ang pagkakabitaw ni Cheska sa bawat salita. Parang nilulunok nito ang sariling inis. “Hindi ka bumalik sa hotel after ng met gala at hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko. Do you even realize na muntik na akong tumawag ng pulis?!”
Luna stretched her arms above her head and walked barefoot toward the kitchen. “Relax, I was safe. I just needed a breather.”
“Safe?” Cheska followed her like a shadow. “Yung stylist mo halos himatayin na kakahanap sa’yo! Production was blowing up my phone kasi akala nila you pulled a disappearing act na parang artista sa teleserye!”
“Well…” ngiti ni Luna habang kinukuha ang bote ng tubig. “Kung teleserye ang peg, edi ako ang bida.”
“Luna!” napapitlag si Cheska.
“Cheska, kalma lang.” Tumungga siya mula sa bote. “Dun lang ako sa VIP suite ng bar. Umalis ako after ng met gala at kasama ko naman si Sofia kagabi,”
Hindi niya pwedeng sabihin ang totoong nangyari kagabi noong mawaglit sa paningin niya si Sofia at napunta sa kwarto kasama ang isang estranghero. Sigurado siyang papaulanan siya nito ng sermon kung nagkataong nalaman ito ng manager niya.
“Sofia? I saw her last night posting online na nasa bahay na siya after met gala. Sige nga?” pilit na hinuhuli ng manager ang kasinungalingan niya.
Nagtaka naman si Luna kung papanong nangyari yun. Si Sofia pa nga ang nagyaya sa kanya na mag-bar after ng met gala at hindi pa siya lasing nung magpunta sila doon, kaya impossibleng umuwi kaagad ito.
“But I was with her, swear!” itinaas pa nito ang kanang kamay na para bang nangangako na hindi siya nagsisinungaling.
Magsasalita pa sana si Cheska kaso hindi na niya natuloy ang pagtusta kay Luna dahil biglang nagvibrate ang hawak nitong cellphone. Chineck nito ang screen at nanlaki ang mga mata sa nakita.
Napakunot naman ang noo ni Luna habang pinagmamasdan ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ng manager niya. Nanlaki ang mga mata nito habang nagbabasa, at unti-unting namutla.
“Chesks?” alanganing tawag niya. “Okay ka lang?”
Hindi makasagot si Cheska at titig na titig lang ito sa screen.
Napashrug na lang si Luna saka hindi na nagsalita pa. Curious man siya kung bakit biglang gano’n ang expresyon ng manager niya, pero hindi na siya nakiusisa pa. Besides, wala naman sa lahi niya ang pagiging chismosa.
Dahan-dahang itinaas ni Cheska ang tingin sa kanya—at para bang gusto nitong humugot ng lakas ng loob.
“Luna,” mahinang sabi nito. “Please tell me this isn’t you.”
Ipinakita nito kay Luna ang screen ng phone dahilan para magitla ito sa gulat. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita.
There was a photo of a woman in a black gown walking out of a building at dawn. The dress—her dress, from last night’s gala. Her silhouette. Her hair. Even the signature saunter. She knew it was her.
She scrolled the other photo and saw a shirtless—toned man and unmistakably hot kahit medyo pixelated. The man in the said photo was sleeping next to a woman at hindi niya ipagkakailangang siya din 'yon.
“Oh my gosh!” Napatakip siya sa kanyang bibig at ramdam na ang panginginig ng kamay.
Sino ang kumuha ng larawan? Paano?
“Is that you?” napataas ang boses ni Cheska. Medyo blurred man ang nasa larawan pero sigurado siyang si Luna iyon at gusto niyang makumpirma galing mismo kay Luna.
“I—I’m not sure? Maybe… not?” Umaasa pa itong makakalusot siya kahit halata namang nagsisinungaling lang siya.
“Luna!” halos pasigaw na si Cheska. “You just said you only need a breather!”
“Totoo naman e! Kahit tanungin mo pa si—”
“So, ikaw nga talaga ‘to?”
Napangiwi na lang siya saka naglakad palayo sa kanyang manager. Hinding-hindi talaga siya makakalusot dito. “Fine! Oo na! Ako na ‘yan. But it’s not what it looks like!” rason pa niya sabay lingon sa manager niyang hindi na ngayon mapakali at pabalik-balik ang lakad sa harap ng counter.
“This is a scandal waiting to explode.”
As if on cue— ding! ding! ding!
Parang may masamang kutob si Cheska nang muling marinig ang sunod sunod na tunog ng mga notification sa phone na hawak niya. Ngayon lang ulit siya binaha ng notification at mukhang alam na niya kung patungkol saan ang mga ito.
Puno ng notifications mula sa iba't ibang social media platforms, news alerts, group chats, at kahit mga hindi niya kilalang tao. Halos hindi na niya mabilang ang mga pop-up at nagsusulputan na nagmistulang domino effect dahil hindi niya mapigilan.
Bahagya na lamang siyang napalunok pagkatapos i-check ang mga notification at nakumpirmang nasa malaking aberya sila ngayon.
Her jaw dropped even further.
“Anak ng…”
Luna looked over. “Anong meron?”
Cheska turned the screen toward her again. This time, it was a tweet from a gossip site:
“BREAKING: Actress Luna Ferrer spotted leaving exclusive bar at dawn with an unidentified man. Sources say she disappeared after met gala night. Who is the mystery guy?”
Another tweet followed:
“Netizens speculate the man is none other than Dr. Damon Villaruel, award-winning trauma surgeon and heir to Villaruel Medical Group.”
“Si—sino?!”
“Damon Villaruel,” ulit ni Cheska, clearly spiraling. “Luna, what did you do?!”
“I didn’t know he was a doctor,” kaswal na sagot nito. “I thought… I thought he was a model and silent-type rich guy? Hindi ko naman tinanong buong bio niya!” parang wala man lang halong kaba sa tono ng pananalita niya.
Hindi niya aakalaing doctor pala yun. Buong akala pa naman niya ay pagmomodelo ang trabaho nun dahil sa ganda ng hubog ng katawan.
“Oh my gosh, Luna. You hooked up with THE Damon Villaruel?!”
Cheska looked like she wanted to cry and scream at the same time. “Luna. He’s the most reclusive, most respected trauma surgeon in the country. He never shows up in media at minsan lang lumabas sa awards night ng hospital. Tapos ikaw pa ang ka-una unahang public link niya? With that photo?!”
Napatihaya si Luna sa couch saka ipinikit ang mga mata. “May PR team tayo, ‘di ba? Pwede ko namang i-deny ‘yon na hindi ako ang babaeng nasa picture,” sabi pa niya, animo’y sanay na sanay na sa ganitong set-up.
Napapikit si Cheska at huminga ng malalim. Pinipigilan nitong sigawan ang babaeng parang walang pakialam sa nangyayari.
“What about Doctor Damon? You really think na palalagpasin niya lang ‘to?"
“Just give me an hour to process everything,” and by with that, hinayaan ni Luna na lunurin siya ng antok sa kabila ng sermon na naririnig niya sa manager.
She’s tired and needs to be recharged after what just happened last night.