Alkina Nilagyan na ng benda ni Nurse Cha ang braso ko. Hindi naman gaanong malala kaya hindi ko kialangan pang pumunta pa sa hospital. Pero kung makareak naman itong tatlong kaibigan ko akala mo subrang lala na ng nangyari sa akin. Akala mo fity-fity na ang buhay ko kung makaasta. "Alam mo hindi talaga ako na niniwalang sa pag kadapa mo nakuha yan... Hindi ka naman lampa! Kaya napaka impossible talaga Alkina!" anang ni Maze na ngayon ay nasa tabi ko at talagang tutok na tutok sa panunuod sa ginagawa sa braso ko. "Mag sabi kana kasi ng totoo Alkina! Sinong may gawa niyan sa'yo ha?" galit galitang tanong ni Val isa ding na nunuod. "True! Umamin kanang babaita ka! Dahil malalaman at malalaman din namin ang totoong nangyari kaya wag munang patagalin pa!" kumento din ni Ynoc. Umirap a

