Alkina Hapon na ng magising ulit ako. Panay ang iyak ko kaninang matapos kung kausapin si Alladra naka tulugan ko na nga ang pag iyak. Pero nung tanghali ay nagising ako dahil dumating si Supremo. Alam kung nakita niya ang pamamaga ng mga mata ko pero hindi siya nag tanong. Umalis din ito agad ng mapainom na ako ng gamot. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Wala na akong lagnat at hindi na din masakit ang ulo ko, kaya lang medyo masakit parin talaga ang pag kababae ko. Nag bihis ako dahil napag pasyahan kung doon nalang kumain sa cafeteria. Tutal kaya ko naman na. Gusto ko sanang mag luto kaya lang hindi naman ako marunong. Baka masunog ko pa itong dorm nila Supremo. Kahit na anong klase ng pag kain ay hindi ko alam iluto. Puro lamon lang naman kasi ang ginagawa ko sa bahay. Wala din ako

