Alkina "What the hell, f**k—ano ba Supremo! ayaw ko pang mamatay, sabing bagalan mo lang eh! Maraming magluluksa kapag nawala ako, dahil mababawasan na naman ang dyosa sa mundo!" sigaw ko habang mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt. Madiin akong pumikit habang kagat ang pang ibabang labi ko. Mabuti nalang ay malakas ngayon ang guardian angel ni Supremo dahil nakinig ito sa akin. Mabuti naman at naging mabagal na ang pag mamaneho niya. Kaya nakahinga na ako ng maluwag. Kaya minsan hindi ako sumasakay ng basta basta sa mga sasakyan lalo na't hindi ko kilala ang mag mamaneho. "Gusto ko munang magka anak bago ako mamatay noh!" asik ko pa at huminga ng malalim. Tinitigan ko si Supremo. "Virgin kapa ba Supremo?" biglaang tanong ko. "Tang Ina naman oh!" matalim ang mata kung nilingon

