Alkina
"Hindi dito ang daan Supremo!" inis na anang ko ng kumaliwa kami, imbis na dapat ay kumanan kami dahil iyon ang tamang daan patungo sa office ni Dean.
Siguro ay lutang talaga itong si Supremo kaya hindi na napansin ang dina-daanan niya. Dahil sa nang yari ay wala kaming iba pang pupuntahan kundi sa Office lang ni Dean.
"Supremo!" madiing anang ko dahil hindi niya rin yata ako narinig, dahil patuloy lang ito sa pag lalakad na parang walang kasama.
Wala na akong nagawa kaya sumunod na lamang ako sa kaniya, hanggang sa tumigil kami sa harapan ng Dorm niya.
Binuksan niya ang pintuan. "Get in!" anang niya.
Nag salubong ang kilay ko. Bakit niya ako pinapapasok diyan? Akala ko ba kay Dean niya ako dadalhin.
"Hoy! Supremo, dimo naman sinabi na type mo pala ako at gusto mo akong masulo huh!" naka ngising anang ko.
Umigting ang panga niya at tumalim nag tingin sa akin. Tila hindi yata na gustuhan ang sinabi ko. Mukha ngang hindi niya nagustuhan dahil sa galit niyang mukha ngayon.
"Ano bang pig sasabi mo?"
"Tss. Never mind pero bakit ako papasok diyan?" tanong ko.
"Pumasok kana at wag ng marami pang tanong!" na iinis na anang niya.
"Pero, bakit dito? Tayong dalawa lang talaga diyan?Sigurado kang papasok talaga ako diyan sa loob Supremo?—"
Nawalan na ata siya ng pasensiya dahil hinila niya ako at sabay na kaming pumasok sa loob. Binitawan niya rin ako agad at itinuro ang sofa.
"Seat down!" anang niya at umalis. Umupo ako sa sofa. Ganun nalang ang pagka mangha ko habang abalang tinitignan ang paligid.
Ang linis at ang bango naman dito sa dorm niya. Wala ni isang naka kalat at ang mga lahat ng gamit ay mukhang mamahalin at hindi basta basta makikita dito sa Pilipinas.
Ang linis naman ng Dorm niya kumpara sa dorm naming mag ka kaibigan, mukhang hindi babae ang naka tira. Hindi naman madumi pero subrang kalat. Kasi naman halos walang gustong mag linis, talagang may insensitive pa bago mag linis.
Pero sa dorm niya ay mukhang araw araw na may nag lilinis kaya ganito nalang ka ayos ang paligid niya. Nakaka relax naman dito, kaya siguro dito siya kumakain at na mamalagi kapag hindi namin siya mahalagilap.
Ganun nalang ang pag lawak ng ngiti ko dahil pinayagan niya na akong pumasok dito. Mukhang nag lilevel up na ang feelings sa akin ni Supremo. Baka sa susunod sa kwarto na niya ako dalhin.
Napa ayos lang ako ng upo ng bumalik siya na may dala ng medicine kit. Agad ko iyong sinalo ng ibato niya. Muntik ko pang na bitawan dahil medyo may ka bigatan ang kit.
"Gamutin muna yang sugat mo!" anang niya habang naka tingin sa akin ng naka pamulsa na seryuso.
"Tss. Dapat sa clinic mo nalang ako dinala, hindi yong dinala mo pa ako dito, ako rin pala ga-gamot sa sarili ko!" naka simangot kung anang.
"Gusto mong ka sabay sila Danica at Hellen na mag pa gamot sa clinic? baka ma-patay niyo na ang sarili niyo doon!" anang niya.
"Tss. Edi sana siya ang dinala mo dito at doon ako sa clinic ng may gumamot sa akin, tutal parang mas concern ka sa kaniya!" inis na anang ko.
Mas malala pa nga ang natamo ko keysa kay Danica. Tapos ako pa ang gagamot sa sarili ko. Nakaka inis naman. Binigyan pa ako ng gamot, parang alam ko namang gamutin ang sarili ko.
Padabog kung binuksan ang medicine kit at hinanap ang bandaid doon, ng makakuha ay isa isa ko iyong binuksan at dinikitan ko nalang basta ang mga kalmot ko.
"What are you doing?" tanong niya.
"Bulag kaba? at talagang nag tatanong ka pa? Malamang ginagamit ko yong sarili ko, nakaka hiya king Ikaw pa ang gagamot sa akin, nakaka hiya naman at na abala pa kita Supremo!" inis kung anang.
Na kala bad trip na itong si Supremo.
"Sabi ko gamutin mo ang sarili mo, pero mali naman yang ginagawa mo—"
"Alam mo palang mali na ang ginagawa ko, sana lumapit kana para tulungan ako, hindi iyong nag tatanong ka pa!" inis na anang ko sabay tumayo ako.
"Sa'yo na yang medicine kit mo hindi ko kailangan na kailangan yan, salamat nalang sa kunting tulong mo Supremo!" sarkastik kung anang at nilagpasan ko siya. Pero hinila niya ako pabalik sa sofa at pinaupo.
"Aray!" daing ko ng madiininan niya ang sugat ko. Bigla niya kasing tinanggal ang bandaid na nilagay ko. "Wag mong biglain Supremo, wag mo nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko!"
"Tss. Wag kang dumaing daing diyan, kung hindi ka naki pag away hindi ka makaka ramdam ng sakit!" seryusong anang niya habang sinimulan na niyang linisin ang mga maliliit na sugat ko.
"Sila naman ang nauna bakit hindi ako gumanti? Hindi ako papayag na api-apihin ako, porque ba isa siyang officcer dito hindi ko siya lalaban? Tss. In her dreams! Wag lang nila akong hamunin dahil hindi ko sila aatrasan!" inis na anang ko at umiirap pa.
"Sa susunod umiwas kana sa gulo!" anang niya.
"Yong gulo ang pag sabihan mo hindi ako, dahil kahit ano'ng iwas ko, gulo talaga ang lumalapit Supremo!" anang ko.
"Umiwas ka!" pinanlakihan pa ako ng mata.
"Ang gwapo mo talaga Supremo!" naka ngiting anang ko.
"Bagay na bagay tayo!" dagdag ko habang tinitignan ang bawat parte ng mukha niya.
Niligpit niya na ang mga ginamit niya, pag katapos ay tumayo na at muling pumasok sa loob ng kwarto niya pero agad rin siyang bumalik.
"Pumunta ka muna sa dorm mo at nang maka pag bihis kana, bilis mo lang dahil malapit ng mag umpisa ang klase!" anang niya pag katapos ay basta nalang inihagis sa akin ang coat niya.
Tuwang tuwa naman ako.
"Ang sweet mo naman pala Supremo!" kinikilig na anang ko at inamoy ko pa ang coat niya kahit na alam kung naka tingin siya. "Ang bango, amoy Supremo ko!" naka ngiting anang mo.
"Tara na!" anang niya at hindi pinansin pa ang pag lalandi ko sa coat niya.
Lumabas na nga kami at umalis. Panay ang pag ngiti ko habang naka sunod sa kaniya. Feel na feel ko kasi ngayon ang suot kung coat niya. Feeling ko yakap yakap ako ngayon ni Supremo.
"Malaman ko lang na hindi ka pumasok ngayon, humanda ka!" banta niya bago niya ako iwan dito sa harapan ng pintuan ng dorm ko.
"I'm ready Supremo!" anang ko na naka pag patigil sa kaniya. Agad akong tumakbo ng lumingon siya.
Itutuloy-