Chapter 06

1156 Words
Alkina Late na ng pumasok ako. Kaya naman ganun nalang ang tuwa ko ng pumasok ako sa loob ng classroom dahil lahat sila ay na panganga ng makita ako. "Your late Ms. Zeren!" anang ni Mr. Galzote. "Tss. Buti nga pumasok pa ako!" anang ko. Napa iling nalang siya at hinayaan na akong maka upo sa tabi ng mga kaibigan kung may na nunudyong tingin. "Bakit suot mo ang coat ng Kuya ko?" agad na tanong ni Maze ng maka upo ako. "Anong ginawa niyo ni Supremo?" tanong ni Ynoc. "Oo nga, kaya siguro hindi kana sumunod pa sa amin kasi hindi mo maiwan si Supremo!" naka taas ang kilay na anang ni Val. "Sinubukan kung tumakas pero lagi akong na huhuli ni Supremo, Sabi nga pala niya sa akin na pumunta daw kayong tatlo sa office ni Dean ngayon!" anang ko na naka pag panganga sa kanilang tatlo. "Bakit daw?" prantik na tanong ni Maze. "I don't know!" nag kibit balikat na sagot ko. Pero alam kung pareho pareho lang kami ng nasa isip. "Tara na para makita ko si bebe Blake ko!" kinikilig na anang ni Ynoc. "Si Dean ang makikita mo hindi ang pinapangarap mong bebe!" anang ko. "Tss. Kami na bebe Blake noh!" "Ikaw nga lang ang nakaka alam, wag kang mag alala may ipapakilala ako sayo, siguradong magugustuhan mo iyon!" naka ngiting anang ko. "Talaga? Sino?" mabilis pa sa alas kwatrong tanong niya. "Kapag lalaki talaga ang topic ganadong ganado ka ah, pero wag kang mag alala mamaya makilala mo na siya, ang isipin niyo muna ngayon ay kung ano ang mga ipapalusot niyo mamaya kay Dean!" naka ngising anang ko. "Papagalitan na naman ako nito mamaya ni Kuya!" naka simangot na anang ni Val. "Sermon na naman ang abot ko kay Kuya at kay Vince!" napalabing anang rin ni Maze. I shooked my head at palihim na ngumiti. "Si Dean ang mag sisirmun sa'yo mamaya!" inunahan kuna si Ynoc bago pa ito makapag drama. "Wag kayong mag alala, tutulungan ko kayong kausapin si Dean!" dugtong ko. "Sus! gusto mo lang makita si Supremo kaya ka sasama!" umiirap na anang ni Val. "Tama ka nga naman, pero kaibigan ko kayo kaya sasamahan ko talaga kayo! " saad ko. "Mr. Galzote kailangan daw po naming pumunta sa office ni Dean ngayon!" anang ni Ynoc. "Bakit daw?" agad na tanong nito. "Hindi po namin alam—" May kumatok sa pintuan kaya naputol ang pag uusap nila ni Ynoc. Bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Blake. "Bebe ko!" kinikilig na bulong ni Ynoc. "Yes Mr. Garcia!" "Pinapatawag po ni Dean sila Ms. Vega, Dizon at Mr. Gomez!" anang ni Blake na ikinatawa ko. "Hahaha Mr. Ka daw pft! hahahahah!" Hindi ko na napigilan pang tumawa ng malakas. "Tumahimik ka nga!" inis na anang ni Ynoc. "Sige na lumabas na kayo!" anang ni Sir. Umiirap at padabog na tumayo si Ynoc. May tumawa pang iba dahil sa naging galaw nito. Tumayo narin ako at sumama sa kanila. "Saan ka pupunta Ms. Zeren?" tanong ni Sir. "Sasama sa kanila!" sagot ko. "Hindi ka naman kasama sa kanila—" "Nakalimutan lang niya na banggitin ang pangalan ko pero kasama talaga ako!" anang ko at dirediretsong lumabas. "Taray ikaw ang batas!" naka ngising anang ni Maze pag katapos kung sagutin si Sir. "Syempre!" naka ngising anang ko. Tumigil kami sa harap ng pinto pero nilingon pa namin so Ynoc at Blake na nag lalakad pa. "Hoy Ynoc tama na nga iyang paglalandi mo diyan kay Blake, hindi ka naman papatulan niyan halikana nalang dito at ikaw ang unang pumasok!" anang ko na ikina-irap niya. Si Blake na ang nag bukas ng pintuan, itinulak ko pa si Ynoc dahil nag tuturuan na sila kung sino ang unang papasok. Tinaasan ko ng kilay ang dalawa kaya napa buntong hininga silang pumasok sa loob. "Nandiyan pa sa loob si Supremo?" mahinang tanong ko kay Blake. "Bakit Hindi pa pumasok ng malaman mo!" supladong anang niya na ikina-irap ko. "Tss. Next time wag ka nang sasagot sa tanong ko kung wala rin kwenta ang isasagot mo!" anang ko. Wala siyang naging tugon at basta nalang itong pumasok sa loob. "Anong dahilan at bakit hindi kayo pumasok kanina?" rinig kung seryusong tanong ni Dean. kaya naman nag da-dalawang isip talaga ako kung papasok paba ako sa loob. "Pstt!" tinawag ko si Blake mabuti nalang at hindi siya bingi kaya lumingon siya. Sininyasan ko siyang isarado niya ang pintuan. "Wag mong masiyadong isara!" bulong ko ng lumapit siya para isara ang pinto. Gusto ko lang naman Makita si Supremo. Maybe hihintayin ko nalang siya dito sa labas kung nandiyan nga siya sa loob. Hindi ko naman kasi naririnig pa ang boses niya. "Nakita na kayo at talagang tumakbo pa kayo akala niyo makakaligtas kayo porque nakatakas kayo!!"halos mapatalon ako ng marinig ko ang malakas na dabog dahil sa pag hampas ni Dean sa kaniyang lamesa. Lalo tuloy akong kinabahan. Ngayon hindi na talaga ako papasok diyan sa loob. Siguradong damay ako kapag nakita ako ni Dean. Kahit ano'ng mang yari hindi na ako papasok diyan ngayon. "Sorry Dean!" hinging paumanhin ng mga kaibigan ko. "Sorry-sorry ilang ulit niyo nang sinasabi yan sa akin pero na uulit parin ang pagtakas niyo at hindi pag pasok sa klase niyo!" madiing anang ni Dean. "Pero bakit wala ata ngayon ang pasimuno nito! Nasaan siya?" kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi ni Dean. "Hindi po namin siya kasama Dean kaming tatlo lang ang mag kakasama!" wika ni Val. "Talagang kayong tatlo lang ang mag kakasama dahil kayo lang naman ang nakatakas pero siya ang master mind ng lahat ng ito, kaya dapat rin siyang maparusahan kasama niyo!" mahaba habang anang ni Dean. "Kaming tatlo nalang Dean—" "Pumasok ka dito sa loob at wag nang makinig pa diyan Alkina!" saad ni Dean. I gulped and sighed. "Good afternoon Dean!" pilit ang ngiting bati ko. Pero kalaunan ay unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa matalim na tingin ni Dean. "Dahil sa ginawa niyo mag lilinis na naman kayo ng isang linggo ,dahil hindi ito ang kauna unahang na parusahan kayo alam niyo na ang mga gagawin niyo hindi kuna kailangan pang ipaliwanag!" anang ni Dean. "What?" "Ano?" "Omg!" Gulat na anang ng mga kaibigan ko. "At dahil ikaw ang pasimuno nito, ikaw ang mag lilinis na cafeteria ng mag isa sa isang linggo!" diretso ang tingin na anang sa akin ni Dean. "Luh! bakit naman isang linggo lang Dean?" kunot nuong tanong ko. "Hoy Alkina ano bang pinag sabi mo diyan huh?" saad ni Maze. "Okay fine mag lilinis ako ng Cafeteria for one week!" anang ko nalang. "Okay then! Pwede na kayong lumabas." anang ni Dean. Nang makalabas kami ay agad kaming nag tawanan. Tuwang tuwa dahil sa naging disesyon ni Dean sa amin. "Yes hindi tayo mag kaklase ng isang linggo!" tuwang tuwang anang ni Maze. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD