Part 4

2436 Words
NAPANGITI AKO ng hanggang tainga nang pumasok sa gate ng aming family house ang kotse na sumundo sa akin sa airport. Nakita ko na kasi sina Papa, Lolo at Yaya Anette. Nakatayo sina Papa at Yaya sa magkabilang side ni Lolo na nakaupo sa wheelchair. They were at the door of the house and obviously waiting for me. Halos nagkakahanda-haba-haba pa ang leeg nila sa pagtanaw sa kotse. "Welcome home, iha. Na-miss ka namin," sabi sa'kin ni Tatay Rod na nagda-drive sa kotse ni Papa. Asawa siya ni Yaya Anette ko. Sila ang mga pinagkakatiwalaan ni Papa na mga kasama namin dito sa bahay. Sila rin ang pinagkatiwalaan ko noon kung bakit kampante akong iniwanan dito sa Pilipinas sina Lolo at Papa. I know that Yaya Anette and Tatay Rod will never leave Papa and Lolo. Matagal na kasi sila sa amin, to the point na pamilya na ang turing namin sa kanila at sila rin sa amin. "Kamsahamnida, 'Tay." Magaan na hinawakan ko siya sa balikat habang nakangiti ako. Hindi ko namalayan na nag-Hangul na pala ako. "Huh?" Nagtaka tuloy ang matanda. Malapit nang mag-fifty year old si Tatay Rod, parehas sila ni Papa. Pero dahil malinaw pa rin ang mata at wala pa raw rayuma ay ito pa rin ang driver ni Papa. My smile grew wider. "Ang sabi ko po ay salamat po, 'Tay. Na-miss ko rin po kayo." Tinapik-tapik niya ang kamay ko sa may balikat niya nang maayos niyang naiparada ang kotse sa tapat ng pinto ng bahay kung saan nakatayo ang tatlong taong mahahalaga rin sa buhay ko. "Sige na, at kanina ka pa mga 'yan hinihintay." Excitedly, I leaped out of the car. "Lolo..." At labis ang pananabik na agad akong yumakap kay Lolo. "Ummm," ungol lamang niya kasi dalawang beses na na-stroke si Lolo. Una ay noong nasa college pa lang ako, at ang pangalawa ay nasa Korea na ako. One year na ang nakakalipas pero hirap pa rin siyang makapagsalita. Siguro sa katandaan na rin. Seventy-three na kasi si Lolo ko. I knelt in front of him after I hugged him, pagkatapos ay masuyong kinuha ko ang dalawang kulubot niyang kamay at hinalikan. "I miss you, 'Lo." He charmingly smiled at me, then tapped me on my shoulder. Pasalamat ko na lang at wala pang Alzheimer si Lolo. Malinaw pa ang kanyang isip, ang pagsasalita lang talaga ang hindi niya magawa kasama na ang hirap niyang ikilos ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Pagkatapos ay tumingala ako kay Papa. He spread his arms wide. "Papa..." I reached up and hugged him real tight. "Kumusta ang byahe, 'Nak? Hindi ka ba napagod?" he asked as he caressed my back. "Hindi naman, 'Pa," I told him when I separated from our hug. Tapos ay kay Yaya Anette naman ako tumingin. "How are you, Yaya?" Tulad nang inasahan ko ay naging emosyonal ang mabait ko na yaya. Naluha na. "Suss..." Malambing akong yumakap sa kanya. "Ngayon pa iiyak, ngayong 'andito na ako." "Bata ka, ang tagal mong hindi umuwi," may pagmamaktol na sabi niya sa akin. Bahagya pa akong pinalo sa puwet kahit na magkayakap kami. Natawa ako nang humiwalay ako ng yakap sa kanya. "Iyakin ka pa rin talaga," saka tukso ko sa kanya. Gamit ang mga daliri ko ay pinunas ko ang mga luha niya. "Eh, paano ibang-iba na ang hitsura mo. Halos hindi na kita makilala. Nangangahulugan na ang tagal mong nawala," katwiran niya. "Yaya, naman, eh." Muli ko siyang niyakap. Hindi ko masisisi si Yaya Anette kung nagdradrama siya ngayon dahil siya na ang tumayong nanay ko simula't sapol. Noong paalis nga ako noon papunta pa lang sa Korea ay ngumawa talaga siya. Halos ayaw niya ako payagan. Dinaig pa niya si Papa. She also held me in the shoulders, then scanned me from head to toe. Wari ba'y chinecheck if kumpleto pa ang body parts ko na nakauwi. "Ang ganda-ganda mo na ngayon. Lalo kang gumanda," pero pagkuwa'y papuri niya sa akin. "Thank you, Yaya. Don't worry madami akong pasalubong na pampaganda sa'yo kaya gaganda ka rin just like me," pang-aalo ko sa kanya. Alam ko kasi na fanatic na rin si Yaya sa mga korean products kasi nasabi niya sa akin na mahilig na raw siya sa K-Drama. Actually, kapag tumatawag ako sa kanya noon ay laging tinatanong kung nakita ko na raw ba si Hyung Bin na korean actor na bagong crush daw niya. Inuutusan din ako lagi na magpa-picture kina Lee Min Ho at Ji Chang Wook daw para raw maipagmayabang niya sa mga kumare at amiga niya. Kaso sa sobrang busy ko ay wala na akong naging time para huntingin sila sa Korea. "Naku, Shema, pagpasensyahan mo ang yaya mo. Matanda na kasi kaya madrama na." Narinig ko na sabi ni Tatay Rod. "Bakit ba? Eh, na-miss ko lang naman ng sobra itong alaga ko," pagrarason ni Yaya. "Huwag kang hihingi sa akin ng mga ipapasalubong niya sa akin, ah?!" Natawa ako habang nakaakbay pa rin kay Yaya. Ever since ay ganito na kasi sina Tatay at Yaya, laging nagbabangayan. Hindi pa rin sila nagbabago. "Hayaan mo na si Anette, Rod," saway ni Papa kay Tatay Rod. Kamot-batok naman si Tatay Rod. "Shema, anak, tara na sa loob at baka gutom ka na. Hayaan mo na ang dalawang senior citizen na 'yan," sabi ni Papa na pang-asar din. "Okay po," sabi ko habang tatawa-tawa pa rin. "Tara sa loob, 'Lo." Ako na rin ang nagtulak sa wheelchair ni Lolo. At sa dami nang hinanda nila ay parang may pa-pyesta na sa bahay gayung lima lang naman kami na kakain. Bundat na bundat tuloy ako pagkatapos naming kumain at nagkwentuhan. "Bakit nga pala wala si Deus, 'Nak?" tanong ni Papa nang mapatulog na namin si Lolo. Tinulungan ko si Papa habang inaayos ni Yaya ang mga gamit ko sa room ko. Ang sabi ni Papa ay sila ni Yaya Anette ang sa ngayon ay nag-aalaga muna kay Lolo dahil kaaalis lang ng private nurse na talagang nakatuka kay Lolo. Nagbakasyon daw 'yong nurse. Ikakasal daw kasi kaya pinayagan ni Papa. "Wala po, eh," ang naisagot ko lamang. Papa didn't know yet that Deus had broke up with me. At lalong hindi alam ni Papa na iyon talaga ang dahilan kung bakit ako umuwi rito sa Pilipinas. Ang alam ni Papa ay pinagbigyan ko ang request nila ni Lolo kaya umuwi ako. "Paanong wala?" Nagtaka si Papa. Nakilala ni Papa si Deus noon sa Korea, when he visited me once. Pinakilala ko si Deus para hindi na ako kako kulitin ni Papa nang kakatanong bakit wala pa akong nagiging boyfriend. Ang hindi ko naman alam ay mas magiging makulit pa pala siya kasi mas dumami pa ang mga tanong niya. Like kung kailan daw kami magpapakasal ni Deus. Kung kailan daw namin siya bibigyan ng apo. And etcetera... etcetera... Sa totoo lang, ang hirap ng only child. Feeling ko responsibilidad ko talaga na bigyan talaga sila ng madaming apo, as if naman gano'n lang kadali. Lalo na at ganito pa ako na naguguluhan na naman kung ano ba ang susundin ko na pagkatao ko. "I mean wala po si Deus kasi... kasi hindi niya alam na umuwi po ako. Balak ko po kasi siyang i-surprise," pagdadahilan ko na lamang kay Papa. Napagdisisyunan ko na hindi muna sabihin kay Papa ang status namin ni Deus hangga't hindi ko pa nakakausap ng personal si Deus. Gusto ko pa rin makipag-ayos kay Deus. Tiwala ako na magagawan namin ng paraan ang sinasabi niyang nakabuntis siya. I need him for many reasons. "All right," reaction lang ni Papa. "Sige, magpahinga ka na rin sa kuwarto mo." Kiniss ko siya sa cheek bago ko siya sinunod. Sa kuwarto ko ay nadatnan ko si Yaya Anette. Busy pa rin siya sa ginagawa niya na hindi ko muna pinansin kasi para akong bata na biglang humilata sa aking kama. "I miss you too, my bed." Dumipa ako para yakapin din ang aking kama. Nailing si Yaya Anette. "Ewan ko ba naman kasi sa'yo at nagpunta ka pa roon sa Korea magnegosyo, eh, pwede naman dito sa Pilipinas. Hindi mo na lang tulungan ang papa mo sa negosyo niya. Nagpapakahirap ka pa roon." Kahit parang nanay ko na si Yaya Anette ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin sa kanya ang pangalawang gender ko. Wala siyang kaalam-alam na lesbian ako. At lalong wala siyang alam tungkol kay Jwan na nakaraan ko. Kung kaya't hindi rin niya alam ang totoong dahilan ng pag-alis ko. "'Ya, sinabi ko naman sa'yo noon 'di ba? Na wala akong interes sa negosyo ni Papa," sabi ko lang sa kanya. Mga unan ko naman ang mga pinanggigilan ko na yakapin. Papa's business is TeHom Depot. One of the Philippines' leading home improvement and construction supplies retailer. Kaya ano naman ang alam ko ro'n? Ang layo sa hilig ko na fashion designing. Hindi na umimik si Yaya dahil alam niyang hindi naman niya ako mapipilit sa gusto niyang mangyari. Naging busy na ulit siya sa ginagawa niya. Nang tapunan ko siya ng tingin ay doon ko lang napansin na naglalagay pala siya ng bulaklak sa vase. Bulaklak na kilalang-kilala ko. Bulaklak na lavender rose. "Sabi ko na't matutuwa ka at ito ang binili kong bulaklak para rito sa kuwarto mo. Inurder ko pa ito sa flower shop kasi alam ko ito ang paborito mo na rose," saad ni Yaya nang napansin niya na natulala ako sa mga bulaklak. "Aniyo, Yaya." I shook my head widely. Aniyo means 'No' in Korean Language. Napatanga siya sa akin. "Sorry, Yaya, pero hindi ko na po 'yan favorite," pagsisinungaling ko. "Naku, eh, bakit naman? Noon nga'y ganito lagi na bulaklak ang inuuwi mo galing school. At sobrang saya mo kapag ina-arrange natin sa vase. Ni ayaw mong itapon kahit nalalanta na." Hindi na ako nakaimik dahil nilamon na naman ako ng isang ala-ala kasama si Jwan. ********** "BATI NA tayo, part'? Please?" pagsusumamo sa akin ni Jwan nang lingunin ko siya. Naka-extend ang kamay niya sa pagitan namin dahil may hawak pala siyang tatlong bulaklak. Peace offering niya sa akin. Subalit imbes na matuwa ako ay inirapan ko siya. Dinedma ko ang lavender rose kahit na ang totoo ay kinikilig na ang puso ko. Ganito kasi si Jwan manuyo sa akin. Tatlong lavender rose ang pinansusuhol sa akin kasi alam niya na special na sa akin ang bulaklak na lavender rose. Ayun kasi sa kanya ang lavender rose raw ang akmang bulaklak para sa akin dahil bagay raw sa aking pagiging Femme. She said lavender color represent beauty and femininity. "Sorry na, part'. Nasabi ko lang kay Kuya Froy na pwede ka niyang ligawan kasi ang kulit niya. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay pinapaubaya na kita sa kanya. You know how much I love you. Hindi ko magagawa 'yon," paliwanag at pakiusap pa niya nang hindi pa rin ako nagsalita. Nakairap lang ako sa kanya ng sobrang sama. Inaway ko siya kahapon gawa niyong sinabi ni Kuya Froy sa text na pumayag daw si Jwan na ligawan niya ako. Sumama talaga ang loob ko dahil feeling ko parang aso lang ako na pinaparaya ni Jwan sa kanyang kapatid. Hindi na nga niya ako maipagmalaki at maipakilala na girlfriend niya ay gano'n pa ang gagawin niya. Sino ang hindi magagalit ng gano'n? "Sige, promise ko sa'yo hindi ko na aayunan si Kuya. Sasabihin ko na lang na may boyfriend ka para hindi ka na niya kulitin at hindi na rin niya ako kukulitin," sabi pa niya nang hindi pa rin ako umimik. Dahilan para mas mainis ako sa kanya. "Seriously? Boyfriend talaga ang term mo?" Napakamot ang kanyang isang kamay sa ulo niya. "Eh, syempre magtataka 'yon kapag sinabi ko na girlfriend." "Bakit ba kasi ang duwag mo? Ang tapang mo noon na ipinamulat sa akin na isa akong lesbian, pero ikaw mismo tinatago mo pa rin ang katomboyan mo riyan sa lipstick mo. Ang unfair mo." I crossed my arms over my chest after I said that. Ang tono ko'y nangngonsinsya, at sana talaga makonsiyensya siya dahil ang hirap ng ginawa niyang ito sa akin. She shouldn't have started this kind of love from the beginning if she couldn't stand it until the end, right? "Sorry," napakaiksing nasabi lang niya. She bowed her head. Napahiya siya sa sinabi ko. Pati ang rose na hawak niya ay naibaba na niya. At dahil mahal ko ay naawa naman ako agad. Bigla ko na-realize na mali ang nasabi ko. Sapagkat hindi naman gusto ni Jwan na itago ang kanyang pagkatao magpasahanggang ngayon. Wala lang siyang magawa pa para mag-out. I bit my lower lip for a moment. Hanggang sa hindi ko rin nakayanan ang guilt ko. Pabigla ko nang kinuha ang lavender rose sa kamay niya tapos ay nagtatakbo na ako na iniwan siya. Nahihiya rin ako sa kanya kaya bukas ko na siya kakausapin. Tutal sure ko naman na nauunawaan na niya na sa pagkuha ko ng peace offering niya ay bati na kami. "Yaya, pakilagay naman ito sa vase, please? Tapos pakilagay po sa room ko," request ko kay Yaya Anette ko nang nakauwi ako sa bahay at salubungin niya ako sa may pinto. Ibinigay ko sa kanya ang tatlong pirasong lavender rose. "Bumili ka na naman ng ganito? Favorite mo na ang bulaklak na ito, ah?" usisa sa akin ni Yaya. Ang hindi niya alam na bawat uwi ko ng lavender rose ay siya namang away-bati namin ni Jwan. "Opo, 'Ya. Pinapagaan kasi ng bulaklak na iyan ang loob ko. Kahit gaano pa ako kagalit o kalungkot ay nawawala kapag nakakakita ako ng lavender rose." At least this time ay hindi ako nagsinungaling dahil totoo naman. Kahit anong away namin ni Jwan, kapag binigyan niya ako ng lavender rose ay parang bula na nawawala ang galit ko sa kanya. "Mainam kung gano'n. Pero halika, doon tayo sa balcony. Hinihintay ka ng papa mo at ng bisita mo." I flicked a brow upward. "Sino pong bisita?" "Hindi ko kilala pero kaibigan mo raw." Takang-taka man ay sumunod ako kay Yaya Anette nang iginiya niya ako sa balcony ng bahay. "Ayun sila. Puntahan mo na sila doon at ayusin ko na itong bulaklak mo," turo ni Yaya kina papa at ng bisita ko raw. At lalo pa akong nagtaka nang nakilala ko na si Kuya Froy pala ang bisita ko na tinutukoy ni Yaya. "Hi, Shema," bati sa akin agad ni Kuya Froy nang nakita niya ko. Huli na para magtago ako. Pinilit ko na lang na ngumiti at kiming bumati rin. "Hi po." "Shema, join us here," sabi ni Papa kaya napilitan pa akong lumapit sa kanila. "For you, Shema." Inilahad sa akin ni Kuya Froy ang hawak niyang bouquet. Hindi ko nga lang nakuha agad kasi natigagal ako. Natitig ako sa bulaklak. Paano'y lavender rose rin kasi ang dalang mga bulaklak ni Kuya Froy. "Sabi ni Jawn favorite mo raw ang lavender rose kaya ito ang binili ko," alangang sabi ni Kuya Froy. Siguro ay inakalang hindi ko gusto ang bulaklak. Ang hindi niya alam ay naiinis lang ako. Naiinis na naman ako kay Jwan.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD