Part 3

2437 Words
"SHEMA, are you still there? Hello?" pukaw ni Deus sa aking pagkakatulala dahil sa pag-alala ko sa nakaraan namin ni Jwan na pilit kong kinalimutan. Six years had passed, but I couldn't deny the fact that my heart is still in my memories with Jwan. Kinalimutan siya ng isip ko, pero hindi ng puso ko kahit kailan. At kahit ang tagal na niyon ay aaminin ko na pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang lahat. Bumalik lahat ang sakit. Naramdaman ko na naman iyong feeling na parang nagkapira-piraso ang puso ko. "Please, Shema, speak up." Agaw pansin ulit sa akin ni Deus nang hindi pa rin ako nagsalita. His voice was worried and guilty. "Ayokong saktan ka, Shema, pero wala na akong magagawa. I'm very sorry." Kusang tumulo ang isang butil na luha ko, tapos ay nagtuloy-tuloy na. Hindi ko namalayan, hindi ko napigilan. Hanggang sa para akong baliw na natawa kasabay nang pagpunas ko sa aking mga luha. "Ano ba 'yan, naiyak ako. Hindi na ako madala-dala sa kalokohan mo. Tama na ang prank na 'yan, okay?" Madalas kasi ay lagi akong prina-prank call ni Deus. Minsan pinu-post niya pa sa mga vlog niya 'kuno'. At syempre suportado ko siya kahit na hindi man lang umaabot ng hundred views ang kanyang mga kalokohang vlog. "This is not a prank," but he abruptly said. "I'm serious, Shema." "Pwede ba, Deus! Hindi ka na nakakatuwa!" in denial ko naman na agad ding bulyaw. May parte na ng puso ko talaga na nagsasabing hindi lang prank ito, ayaw ko lang maniwala. God, ayaw ko nang masaktan ulit! Si Sal at ang customer niya ay napatingin sa akin dahil sa lakas ng boses ko. Nasa mukha agad ni Sal ang pag-alala. May sinabi si Deus pero hindi ko inintindi. Sa halip nahihiya na itinaas ko ang kamay ko bilang excuse sa kanila. Tapos ay umupo ako. "Ano bang problema, huh?! Bakit ka makikipaghiwalay?! What have I done wrong?!" mahina pero madiin ang tono na mga tanong ko kay Deus para hindi ako makaistorbo kina Sal. "It's not you, it's me," matipid na saad lang niya. I sucked in a sharp breath. Naloka ako. Hindi ko inakala na ang gasgas na na linyang iyon ay sasabihin sa'kin mismo. Tinatawanan ko lang sa mga nababasa ko ang katagang iyon sa mga libro or sa mga articles sa social media, tapos ngayon, heto ang irarason sa'kin? What the heck! "Sorry, Shema, kung hindi ako nag-ingat. Isang gabi lang naman 'yon, eh. Nalasing lang kami tapos gano'n na," sabi pa ni Deus, nahihiya ang kanyang boses. Gusto ko na naman sana siyang bulyawan, pinigilan ko lang ang sarili ko dahil may customer. Nakuyom ko na lamang ang isang papel sa desk. Sa papel ko inilabas ang matinding galit ko. Wala na akong pakilam kung mahalagang papeles iyon. Hindi naman kasi ako tanga para hindi maunawaan ang nais nang ipabatid sa akin ni Deus kung bakit siya nakikipaghiwalay. Malinaw na nakipag-s*x siya sa ibang babae. Damn. "Sino ang babaeng 'yon? Saan mo siya nakilala? At bakit kayo nalasing?" I asked grimly when the pain seemed to have ebbed a little. Lumapit si Sal. Kumuha ng paper bag para lagayan nang binili ng customer. At kahit hindi ko siya tiningnan ay alam kong tinapunan niya ako nang nang-uusig na tingin. "Hindi mo na kailangang malaman. I'm sorry, hindi ko sinasadya na saktan ka ng ganito," sabi ni Deus sa kabilang linya kaysa sagutin ang mga tanong ko. "I need to know!" I raised a tone again. Wala na sumabog na ako. Nakakainis, eh. Anong saysay na umaamin siya kung may parte naman na ililihim niya? 'Di ba? And again, tears pricked my eyes. Buti na lamang at nakalabas na ang customer ni Sal. Ang ayaw ko kasi ay ang dalhin sa trabaho ang personal na problema, pero ako pa mismo ang nagwawala ngayon dito sa boutique. "Shema, calm down," pakiusap sa akin ni Deus. "Damn you!" But I hadn't calmed down at all. Pinakawalan ko na ang galit ko tutal si Sal lang naman na ang kasama ko. Alam ko maiintindihan ako ng pinsan ko kahit na magmukha pa akong basugalera ngayon. I heard Deus heaved a deep sigh. Kahit paano ay naramdaman ko na nahihirapan din siya, na dapat lang. Kapangalan pa naman niya ang Lord tapos ganito na manloloko siya ng babae. Hindi na siya nahiya. "Sachon, mag-usap kayo na mahinahon. Mas hindi kayo magkakaintindihan kapag ganyan ka na pinapairal mo ang init ng ulo mo." Hindi na napigilan ni Sal na pamamagitna sa usapan namin. "All right," mayamaya ay sabi ko naman habang pilit kong kinakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko ihahawak ang nanginginig na kaliwang kamay ko. Ilalagay ko sa noo ko, tapos sa batok, tapos ay sa baywang ko, tapos ay maitatakip ko sa bunganga ko. Tense na tense ako. Sino bang hindi? Kung ganito na lalaki pa ang may ganang makipaghiwalay sa'yo na isang babae? Tapos siya pa ang nakagawa ng kasalanan? "Sorry talaga," paghingi na naman ng sorry ni Deus. Nakakasawang sorry na. Bumuntong hininga ako bago nagsalita ulit. "Sige, ayusin natin 'to, Deus. Isang beses lang naman 'yon, right? So, kalimutan na lang natin. Basta huwag mo na lang uulitin. Don't worry, baka uuwi ako riyan. Magkikita na ulit tayo." Ganito ako kabait dahil ayaw ko na mawala sa akin si Deus. Kailangan ko siya sa buhay ko. Nang dumating siya at natutunan ko siyang mahalin, kahit imposible, ay kahit paano ay hindi na ako nalito sa pagkatao ko. Naging kampante na ako. At kahit may kulang, na alam ko kung ano iyon, ay nakuntento na ako bilang straight na babae. Dahil kay Deus nakapili ako kung anong pagkatao ang susundin ko, at iyon ay ang maging ganap na babae, ang maging straight. "Hindi na maaayos, Shema, dahil nabuntis ko siya," nga lang ay hindi ko inasahan na sasabihin niya. At muli ay para iyong pasabog sa pandinig ko, na sa sobrang lakas ay naparalisado na ang buong katawan ko. "Deus?" Tapos ay narinig ko pa na boses babae sa background niya. Hindi ko na naramdaman na nabitawan ko na pala ang cellphone ko sa sobrang pagkatigagal. I think my heart's gonna explode anytime. Ang kapal ng mukha nila! "Sachon..." Agad na lumapit sa akin si Sal. At sa tiyan niya, doon ako yumakap at umiyak. "Tahan na. Ano bang nangyari? Anong sinabi niya sa'yo?" Hindi ako nakasagot. Iyak lang ako nang iyak. Bakit ganito? Kahit sinong mahalin ko ay nasasaktan ako? Pinili ko na ang tama dahil ang sabi nila ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae lamang, pero bakit parang mali pa rin? Ang bait ko naman na girlfriend. Lahat ng gusto ni Deus sinuportahan ko naman. Hindi rin ako naging mahigpit. Ginawa ko ang lahat para maging ideal na girlfriend niya kasi iyon daw ang tama, na dapat totoong boyfriend daw ang mahalin ko at hindi girlfriend. Hindi ko talaga inakala na mararanasan ko ito, ang i-break ni Deus. Ito na ba ang karma ko sa ginawa kong pag-iwan kay Jwan? Ganito ba kasakit ang naramdaman ni Jwan noon? Hindi ko kasi alam, dahil nang tinapos ko noon ang relasyon namin ni Jwan ay hindi ko na siya hinayaan na makausap niya ako. I didn't give her a chance. Iniwasan ko siya nang husto noon. Pati noong nagpasya akong magpunta rito sa Korea ay minadali ko para lang hindi na kami magkita pa. May kasalanan din naman siya, eh. Actually, kasalanan niya talaga. "Tahan na. Hayaan mo na ang lalaking iyon." Sal caressed my back to console me. Kahit paano ay nakagaan naman sa pakiramdam ko ang ginagawa niya. "Joh-eun nal," nang bigla ay bati ng isang koreana na pumasok sa boutique, na ang ibig sabihin ay 'Magandang araw'. May customer ulit kaya kumawala na ako ng yakap kay Sal. "Annyeonghaseyo, manim. What can I do for you?" Assist naman agad-agad ni Sal kahit na hindi ko na utusan. Ang sabi ko kasi sa kanila ay mahalaga ang customers. Bago ang lahat ay customers muna. Ang sabi ni Sal sa Tagalog ay 'Hello, madam'. At ganito talaga kami kapag hindi na namin alam paano sabihin sa Korean Language ang salita, dinadaan na lang namin sa English. Minsan kasi ay hindi pa agad nabibigkas ng dila namin ang wikang Korean. Kailangan pa naming isipin. Hindi pa kami sanay nang husto. "Aalis ka? Hindi ka okay, ah?" Nga lang kahit busy si Sal ay napansin pa rin niya ako nang kunin ko ang coat ko. "Maglalakad-lakad lang ako sa labas," sagot ko na sobrang tamlay. "Balik ka agad," pahabol niya na sabi sa akin nang lumabas na ako sa boutique. Pumatak ulit ang luha ko nang naglalakad na ako palayo. Yakap ko ang sarili ko na naglakad. Kahit kasi patapos na ang winter dahil March na ay sobrang lamig pa rin dito sa Korea. Wala naman ako pupuntahan, gusto ko lang lumabas dahil pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako sa loob ng boutique. Sa ginawa sa akin ni Deus ay parang nawalan na ng saysay sa akin ang lahat. Ang nagliwanag na buhay ko dahil sa kanya ay biglang dumilim ulit. Pinaasa niya lang ako na magiging masaya ako sa piling niya. Akala ko ay siya na ang magpapatunay na ang katulad ko na kabilang sa nagugulahan sa gender ay makakayang piliin ang tama kung gugustuhin lamang, pero mali pala ako. Siya pala ang magpapatunay sa akin na kahit sino ang mahalin ko ay masasaktan at masasaktan pa rin ako, mapa-kapwa ko babae man o lalaki man. Para akong pagal na pagal nang umupo ako sa isang bench sa gilid ng kalsada. Daig ko pa naglakad ng milya-milya ang layo sa sobrang hina ng katawan ko. Wala akong kalakas-lakas habang patuloy sa pagluha ang mga mata ko. Napapunas lamang ako ng mga luha ko nang napansin ko na pinagtitinganan na ako ng mga tao. Bigla akong nahiya sa hitsura ko. Hindi ko alam bakit napayukod pa ako sa katabi ko na dalawang babae. Malamang ay dahil na-a-adopt ko na ang kaugalian ng mga Koreano at Koreana na yumuyukod kapag bumabati o kapag humihingi ng pasensya. Ngumiti naman sila. Doon ko napansin na Amerikana pala sila ng kasama niya. Gayunman ay hindi na ako nasurpresa dahil dito sa Korea ay nagkalat din ang iba't ibang lahi. At nang tumayo sila at umalis na ay doon ko na-realize na hindi lang sila basta dalawang babae lang, kundi magkarelasyon sila. Alam ko, dahil nang nag-holding hands sila at humalik sa noo iyong isang babae sa isa pang babae ay nakita ko ang sarili ko at ni Jwan sa kanila. "Jwan," hindi ko tuloy namalayan na naibigkas. Muli ay naalala ko si Jwan na hindi na dapat. ******** HINALIKAN ako ni Jwan sa noo bago siya nagpaalam na uuwi na. As usual ay inihatid niya ako rito sa bahay ulit pagkatapos ng klase namin. "Ayaw mo ba talagang pumasok muna, part'?" ungot ko dahil gusto ko na talaga siya sanang ipakilala kina lolo at papa pati na kay Yaya Anette ko kahit friends lang muna. "Saka na, part'," subalit pagtanggi niya pa rin, "kapag ready na ako." Wala akong nagawa kundi ang unawain siya. Parang bata na ngumuso-nguso na lang ako habang nilalaro ko ang ID lace ko na nakasabit pa rin sa leeg ko. Nagtatampo na naman kasi ako. Feeling ko kasi ay hindi pa buo ang loob ni Jwan sa relasyon namin, na may agam-agam pa siya. "Huwag ka nang magtampo. Unawaan mo muna sana ako. Alam mo naman ang sitwasyon ko sa bahay 'di ba?" Masuyong kinuha ni Jwan ang isa kong kamay at hinalikan iyon. Wala namang tao kaya okay lang. Kahit ako ay ayoko rin ng PDA o Public Display of Affection, lalo na sitwasyon namin na hindi pa tanggap ng lubusan. Ayaw ko na mataasan kami ng kilay. Ayaw ko na matsismis. At lalong ayaw ko na masabihan ng mga nakakainsultong mga salita dahil hindi lang nila kami maunawaan. Ang gusto ko lang sana ay sa pamilya ko maipakita kay Jwan kung gaano ko siya kamahal. "I love you, part'," ta's bulong ni Jwan sa akin habang hawak pa rin niya ang kamay ko. "I love you more." Naging matamis ulit ang ngiti ko sa kanya. Nawala agad ang tampo ko sa kanya. Napalitan ng pagtitiwala, tiwala na mahal ako ni Jwan. Sadyang masalimuot lang ang sitwasyon niya sa kanyang daddy at sa kanyang dalawang kuya. At bilang girlfriend niya na mahal na mahal siya ay responsibilidad ko na unawain siya. Inipit niya ang tumikwas na buhok ko sa tainga ko. "Siya nga pala, huwag ka masyadong magpapaganda." My snout pouted at what she said. Ngumiti siya. "Ayoko kasi na may iba pang magkagusto sa'yo." "Wala namang nagkakagusto sa akin, ah," nahiwagaan ko na sabi. Unti-unti ay nagbago ang timpla ng mukha niya. A deep sadness moving through her eyes. "Si Kuya Froy, gusto ka talaga niya. Actually, binigay ko ang number mo sa kanya kasi kinukulit ako." "Bakit mo binigay?" "Hayaan mo na. 'Pag nag-text siya pakibagayan mo na lang. Isipin mo na lang na kuya mo siya. Ayokong makahalata siya about sa atin." Hindi ako sang-ayon sa gusto niya. I didn't want to, but eventually, I nodded my head to say 'Okay'. Walang salita na niyakap niya ako. At hindi ko alam kung para saan ang yakap na iyon. Kinabahan ako. Noong gabi rin na iyon ay nakatanggap nga ako ng text mula kay Kuya Froy. Naging friendly nga ako sa kanya. Inisip ko na lang na dapat makipag-close ako sa kanya kasi kapatid siya ng girlfriend ko. At saka iyon naman ang sabi ni Jwan. Halos inumaga na kami kaka-text pero kahit paano ay nag-enjoy naman ako. Tulad ni Jwan ay masarap kasi kausap si Kuya Froy. Natatawa ako sa kanya kasi ang lakas ng sense of humor niya. Kung saan-saan tuloy napunta ang usapan namin. 'Sabi ni Jwan wala ka pa raw boyfriend. Is it true?' Hanggang sa naging seryoso ulit ang text niya. 'Opo...' I replied. Which was totoo naman dahil girlfriend ang meron ako at hindi boyfriend. Pilyang naisip ko nga na ano kaya ang magiging reaksyon ni Kuya Froy kung sasabihin ko iyon sa kanya, na girlfriend ko ang kapatid niya? Hihimatayin kaya siya? I chuckled. Na-imagine ko kasi ang hitsura ni Kuya Froy. 'So, pwede akong manligaw kung gano'n?...' Ang next na text niya. Doon ako hindi naka-reply agad. Hindi ko alam ang isasagot ko. 'Sabi ni Jwan kasi ay okay lang daw na ligawan kita....' Ang na-recieve ko pa na text ni Kuya Froy kahit na hindi na ako nag-reply. Nang nabasa ko iyon ay hindi ko alam ang saktong naramdaman ko. Ang sure ko lang ay may parang kamay na dumakma sa dibdib ko at pumiga sa puso ko dahilan para saglit na hindi ako nakahinga. Anong ibig sabihin ni Jwan niyon? Ipaparaya niya ba ako sa kanyang kuya?.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD