Part 2

1611 Words
"I'M SORRY, Shema, but I can't continue our relationship anymore," diretsahang sabi ni Deus sa'kin. Wala man lang utal sa kanyang boses. Wala man lang alinlangan. Halatang handang-handa na siyang bigkasin iyon oras na makausap niya ako sa cellphone. And obviously, wala na siyang magiging pakialam kung ano ang mararamdaman ko.  Pakiramdam ko tuloy ay parang namatay ako nang ilang saglit. Literal na tumigil sandali ang t***k ng puso ko. I was momentarily frozen with shock. Parang bomba iyon na sumabog sa harapan ko, at nagkapira-piraso ako. And all of a sudden, I experienced an extreme form of a very common mental illusion: A déjà vu. Sapagkat ang toto ay narinig ko na ang linya na iyon, as in iyon na iyon. "I'm sorry, Jwan, but I can't continue our relationship anymore," ang sabi ko noon kay Jwan. At ganitong-ganito rin na sa phone kami nag-uusap noon ni Jwan, tapos ay hindi rin siya nakapagsalita agad. Ang kaibahan lamang ay umiiyak ako when I professed that to her, not like Deus na pinaghadaan pa yata talaga.  And of course, tandang-tanda ko pa ang dahilan kung bakit nasabi ko iyon noon kay Jwan, kahit na sobrang nasasaktan ako noon. Kahit na ayoko dahil mahal na mahal ko siya.  Third year college na kami noon ni Jwan. And I'm taking Fashion Design And Merchandising at that time, while Jwan is Civil Engineering. At mag-iisang taon na rin ang relasyon namin.  Ang dami naming pangarap ng mga sandaling iyon, isa na roon ang mag-travel around the world kapag may kanya-kanya na kaming career. Subalit nasira lahat iyon nang dumating sa eksena ang kuya ni Jwan.            ********** "PART'?" papansin ko kay Jwan. I playfully poke her in the ribs, kaya lang ang inaasahan ko na makikiliti siya konti ay hindi nangyari. At tinawag ko siyang 'Part' kasi iyon ang endearment namin, short of PARTNER.  "Si Kuya Froy, he's here," instead ay pabulong na sabi niya sa'kin. Ang seryoso niya.  Nang sinundan ko ang tinitingnan niya ay sports car iyon na kulay itim. Nagpa-park pa lang ang taong nagda-drive niyon. Kaya pala nandito si Jwan sa parking lot ng Sanchi University dahil may hinihintay. Hanggang sa naalala ko na ang Kuya Froy na tinukoy ni Jwan ay ang bagong graduate na sundalo na kapatid niya.  Si Jwan ay galing sa mga sundalo na pamilya. And Dad niya ay sundalo, ang panganay niyang Kuya ay sundalo rin, at itong Kuya Froy niya ay sundalo na rin. Kaya nga hindi na ako nagtaka kung bakit siya naging lesbian. Ikaw ba naman ang napapaligiran ng mga barakong kapamilya?  Unfortunately, tinuturing si Jwan ng kanyang pamilya na prinsesa kaya hindi masabi-sabi ni Jwan ang tunay niyang pagkatao, na isa rin siyang barako. Natatakot si Jwan. Isa pa ay galit daw ang daddy ni Jwan sa mga l***q+. In fact, may hindi raw kasundo na kamag-anak nila ang dad niya, ang since birth na bakla raw na pinsan niya.  Iyon rin ang dahilan kung bakit until now ay hindi pa ako nadadala ni Jwan sa bahay nila at naipakilala sa pamilya niya. Dahil do'n ay tumatanggi rin siya kapag sinasabi ko na ipapakilala ko siya kina Dad at lolo. Ayaw niya pa kasi unfair daw.  Ako nama'y ready na sana na mag-out kina Papa at Lolo, basta ba ready na rin si Jwan. Handa ko siyang ipaglaban kung sakali, pero dahil natatakot pa siya ay inuunawa ko na lamang muna siya.  "Kadarating lang niya kagabi sa bahay," sabi ni Jwan na hindi tumitingin sa akin. Diretso ang tingin niya sa hinihintay niya na kuya niya.  Ako ang napasulyap sa kanya at napatitig sa maganda niyang mukha dahil napansin ko agad na hindi niya na naman nabanggit ang 'part' na endearment namin. Kinakausap lang niya ako na parang ordinaryong tao lang. Ganito siya katakot sa kanyang pamilya, pati endearment namin ay hindi niya mabigkas kapag nasa malapit sila. Ganito niya pinakakaingatan ang sekreto niya na ayaw na ayaw niyang mabunyag pa sa ngayon.  "Hello, bunso," bati na ni Kuya Froy niya nang nakalapit sa amin. Malambing na bunso ang tawag nila kay Jwan. Alam ko, kasi kahit sa text ay bunso ang tawag nila kay Jwan. Kasi nga prinsesa raw nila si Jwan na bunsong kapatid nila.  Sa totoo lang, naiinggit ako kay Jwan kasi ang sweet ng mga kapatid niya sa kanya. Hindi tulad ko na nag-iisang anak lang nina papa at mama. Tapos iniwan pa ako ni Mama ng maaga. Namatay raw sa car accident si Mama noong one-year-old pa lang ako, kaya kahit mama ko ay hindi ko nakilala. Sa mga pictures lang niya siya nagkaroon ng mukha sa aking isipan. Gayunman, hindi naman pinaramdam sa'kin nina Papa at Lolo ang kawalan ko ng ina at kapatid, idagdag na sina Yaya Anette at Tatay Rod ko. "What brings you here, kuya?" Bigla ay sumigla ang boses ni Jwan.  "Syempre, pinapasundo ka ni dad. Tapos na ba ang klase mo? May pupuntahan tayo mamaya."  "Hindi pa, eh. May next subject pa ako."  Napapakurap na lang ako habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. At masasabi ko na magkamukha silang magkapatid. Pumasok nga sa isip ko na ang guwapo pala sana ni Jwan kung totoong naging lalaki siya. Hindi kasi maitatanggi na ang guwapo ng kanyang kuya.  Kuya Froy is a tall man, probably six foot plus. He has an olive complexion, and his features were carved with bad-boy perfection. Bagay na bagay sa pagiging sundalo niya.  "Sige, okay lang. Hintayin na lang kita." Napatingin na sa akin si Kuya Froy pagkatapos sabihin iyon kay Jwan. Makiki-kuya na rin ako kasi magka-edad lang naman kami ni Jwan kaya siguradong kuya ko na rin siya. And he flashed me his best and most charming smile. Doon ko napansin ang kanyang dimple sa kaliwa niyang pisngi, ang cute. Same sila ni Jwan na may dimple. I smiled back.  "Kuya, kaibigan ko pala siya. Si Shema," pakilala na sa akin ni Jwan kay Kuya Froy.  Ang ngiti ko ay nabawasan sa sinabi na iyon ni Jwan. Kahit alam ko na hindi pa kami puwedeng magpakilala as partner ay nakaramdam pa rin ako ng kirot sa aking dibdib. Sucks, ang sakit pala kapag harap-harapan na. Akala ko magiging balewala lang sa akin kapag itatatwa ako ni Jwan sa kanyang pamilya, hindi pala.  Eventually, I just ignored the sudden pain in my heart.  "Nice meeting you, Shema," Kuya Froy said and stuck out a hand. Na syempre tinugon ko naman. We shook hands while smiling at each other.  "Kuya, ang kamay niya," bigla ay saway ni Jwan sa kapatid niya. Napatagal kasi yata ang shake hands namin. Well, wala naman iyon sa akin dahil natutuwa lang naman ako kasi sa wakas may nakilala na akong kapatid ni Jwan. Feeling sister-in-law na rin ang aking peg.  "Oh, sorry," paghingi naman ng dispensa sa akin ni Kuya Froy. May kasama pang pagyuko ng ulo. Gentleman din pala siya.  Naramdaman ko ang kamay ni Jwan sa likod ko nang dumikit siya sa akin. Akbay niya na pasimple. Kinilig naman ako.  "Sige, kuya, pasok na kami sa klase namin. Hintayin mo na lang ako," tapos ay sabi niya kay Kuya Froy.  "Sige, bunso," sang-ayon naman ni Kuya Froy.  "Bye po," at syempre pa-cute ko naman na paalam. Agad akong kumapit sa braso ni Jwan nang palayo na kami kay Kuya Froy. Okay lang na maging clingy ako sa kanya rito sa campus kasi sino naman ang mag-aakala na more than friends ang relasyon namin ni Jwan. Mukha lang kaming mag-best friend at magkapatid sa mata ng ibang tao.  "Ang guwapo ni kuya mo, part'," sabi ko sa kanya habang naglalakdad kami. Doon pa sa may dulong building ng campus ang room ng next subject niya. Ihahatid ko siya kasi wala na akong pasok.  "Umuwi ka na mamaya. Huwag ka na gagala. Huwag ka na naman sumama kay Carrie," pero sabi niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.  Si Carrie na tinukoy niya ay ang best friend ko. "Ang sungit mo ngayon, pat'," biro ko.  "Sundin mo na lang ako," giit niya.  "Dahil ba kay Kuya Froy? Selos ka ba kasi nag-shake hands kami?"  "At bakit naman ako magseselos sa kapatid ko?"  Nag-pout ako, at na-realize ko na 'oo nga naman'. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya.  "At saka hindi ang tulad mo ang type ni kuya. Babae ang gusto niyon hindi pabebe," sabi pa niya.  Pabirong hinampas ko nga siya sa braso. Ang sakit niya magsalita, eh. Hindi ako pabebe, sweet lang ako.  Doon naman natawa na si Jwan. Inakbayan niya rin ako. "Sorry, I was just nervous kanina, part'. Kapag kasi kaharap ko sina kuya ay nawawala ako sa character ko. I can’t breathe."  Pinagpatuloy namin ang paghakbang papunta sa next subject niya.  "Bakit ba kasi? Why do you need to pretend? Eh, kitang-kita naman na love na love ka nila," sabi ko. Sumeryoso na rin ako.  Jawn heaved a deeply sighed. "Hindi pa ito ang time," at saka malungkot na sabi niya.  Tumango-tango na lamang ako. Ayaw ko siyang pilitin at lalong ayaw ko siyang masakal sa pagdidesisyon. Ang gusto ko ay suportahan lang siya sa lahat ng bagay kasi mahal ko siya.  Hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone. Tumigil kami saglit at inalis niya ang pagkakaakbay sa akin. Wala kaming pangamba rito sa campus kahit may makakita sa amin na sweet. Dahil awa ng Diyos ay tanggap na ng karamihang estudyante rito ang other genders. As long as wala kang ginagawang masama ay welcome ka na rito sa Sanchi University kahit anong gender mo pa.  Actually, may organization rito na nangangalaga sa karapatan namin na belong sa l***q+ community. At syempre  member kami ni Jwan.  I watched Jwan as she slipped her cellphone into the pocket of her jeans. Nakangiti pa rin ako sa kanya.  "Si Kuya Froy ang nag-chat, part'," sabi niya sa akin.  Nakibasa rin ako sa chat. I leaned my head on her shoulder. Pero unti-unti ay nakusot ang mukha ko nang nabasa ko ang laman ng chat ni Kuya Froy.  'Bunso, gusto ko ang friend mo. Pwede bang makuha ang number niya? Anong sss niya? May boyfriend na ba siya?' Ang laman kasi ng message ni Kuya Froy na aking nabasa..........   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD