Part 1

1824 Words
"BASTA umuwi ka na dahil mahina na ang lolo mo. Gusto ka niyang makita at makasama. We will wait for you, Anak," sabi ni Papa sa akin. And as usual, sa makapangyarihan niyang boses, ay alam ko na agad na hindi iyon simpleng pakiusap lamang kundi isang order na dapat kong sundin. "Miss ko na rin po kayo ni lolo, 'Pa. Kaya lang ay hindi ko pa maiiwanan sa ngayon ang CoatDiva. Please understand." Gayunman ay sinubukan kong magdahilan. Ang totoo kasi ay hindi pa ako handa na bumalik sa Pilipinas. Ayaw ko pa sana lalo't nag-uumpisa nang makilala ang aking negosyo dito sa South Korea. I'm running here a women's winter boutique, the CoatDiva. Dito ay nagbebenta ako ng trench, jackets, and coats that exclusively designed for women. At karamihan ay mga sariling designs ko. Dito ko ini-apply ang aking fashion degree. Mas pinili ko lamang ang winter clothing dahil tugma para sa malamig na klima dito sa South Korea. Ang CoatDiva ay pikit-mata kong ipinatayo rito sa Songpa-gu three years ago, noong umalis ako sa Pilipinas at nagpasiya akong manirahan dito sa Seoul. Ang Songpa-gu ay district ng Seoul, South Korea. At kahit nahirapan ako sa una, sa huli naman ay naging maayos na ang takbo ng negosyo ko. Unti-unti ay nakilala na rito sa Korea ang aking mga designs. Actually, I now have two branches of CoatDiva here in Seoul. Ang isa ay nasa Lotte World Mall at ang isa naman ay nasa Namdaemun Market.  "Nandiyan naman si Sal. Ipaubaya mo muna sa pinsan mo ang pamamahala ng negosyo mo riyan. Kahit saglit lang ay dalawin mo naman kami rito," kaya lang ay ungot pa rin ng aking papa.  Nag-pout ako sabay sulyap kay Sal na kasalukuyang umiinom ng tea. Pampainit niya sa katawan dahil kagagaling niya sa labas.  Si Sal ay hinugot ko lang sa Pilipinas nang napansin kong kumikita na ang CoatDiva. Noong kinailangan ko na ng makakasama. Awa ng Diyos, pinayagan naman siya ng asawa niya na dito na siya sa'kin magtrabaho. Ang dalawa na staff ko pa na sina Shella at Edra ay kinuha ko naman sa isang agency. Mga Pinay rin sila kaya hindi kami nahihirapan sa isa't isa. Gayunman, syempre pare-parehas kaming nag-aaral pa rin ng Hangul o Korean Language magpahanggang ngayon. "Annyeonghaseyo, Tito Teody," bati ni Sal kay papa nang narinig niya ang kanyang pangalan, at ang ibig sabihin ng kanyang sinabi ay 'hello'... with respect. Ni-loud speaker ko kasi ang tawag. Tamad kasi akong humawak ng phone. Nakalapag ang phone ko sa desk habang kausap ko si Papa, kaya kahit si Sal ay naririnig ang usapan namin. "Sal, ikaw na muna ang bahala riyan. Pauwiin mo si Shema," sabi ni Papa kay Sal. "Opo, Tito, uuwi siya," ayuda naman ni Sal.  I shot a glare at her. Nag-peace sign naman sa akin ang gaga. "Sige na, 'Pa, ba-bye na. Ingat kayo lagi riyan ni Lolo, okay?" paalam ko na kay Papa para matapos na ang usapan. Lagi na lang kasi ito ang topic kapag tumawatawag ako sa kanila. Ang Umuwi-Na-Ako issue. "Kapag uuwi ka ay isama mo na si Deus para magpakasal na kayo. Bigyan niyo na raw ng apo sa tuhod si Lolo niyo," pero bago ang lahat ay pahabol ni Papa na bilin. Umasim ang mukha ko. Para namang ang tanda ko na para pilitin ako ni Papa sa bagay na gano'n. Kasal agad? Apo agad? Agad agad? Jusko, eh, mag-twenty-eight pa nga lang ako this coming October.  "Ba-bye, 'Pa. Love you." Hindi ko na hinintay pa na magpaalam si Papa, pinatay ko na agad ang tawag. Hahaba pa kasi ang usapan kapag gano'n.  Agad lumapit naman sa akin ni Sal nang nakita niyang pinatay ko na ang tawag.  Pumangalumbaba naman ako. Hahaba-haba ang nguso ko habang napapaisip.  "Maawa ka naman sa papa mo, sachon, pagbigyan mo na. Kaya ko naman dito. Kaya na namin nina Shella at Edra ang CoatDiva pansamantala kung uuwi ka," pangungumbinsi ni Sal. Ang sachon na binanggit niya ay 'pinsan' sa Tagalog. Feeling Koreana na kasi ang gaga kaya madalas Korean na ang kanyang salita. At hinahayaan ko na kasi mas maganda naman iyon para masanay siya.  "Hindi pa ako ready na bumalik. At alam mo ang dahilan ko," malungkot ko na katwiran. Pati ang mukha ko ay parang dinaanan na ng delubyo sa pagkakasimangot. "Dahil na naman kay Jwan?" wala man lang pasintabi na tanong niya. "Ipinapaala ko lang na may boyfriend ka na." Tiningnan ko siya nang masama kasi alam naman niya na ayaw na ayaw ko na na marinig ang pangalan na iyon. Sapagkat para sa akin ay patay na ang taong nagngangalan niyon.  "Mianhamnida," she apologized. Nag-finger heart pa. Akala mo naman cute, hind naman. And yeah, ang ibig sabihin nang binanggit niya ay 'sorry'. I drew a deep breath. Dinampot ko ang cellphone ko at hindi ko na siya pinansin. Instead, dinayal ko ang number ni Deus, ang boyfriend ko na sinasabi nila. Boyfriend na nasa malayo naman dahil nasa Pilipinas. Nakilala ko noon dito sa Korea si Deus, doon sa isang high-end bar. At bartender noon si Deus. Kaya lang after two years ay bumalik na sa Pilipinas dahil natapos na ang kanyang kontrata. Hindi na nakabalik dahil nagpatayo na rin ng sariling negosyo sa Maynila. Ewan ko lang kung nag-click kasi hindi naman nababanggit ni Deus ang tungkol sa negosyo niya kapag nag-uusap kami. Ako lang ang laging nagyayabang sa kanya sa magandang takbo ng aking CoatDiva. "Hulaan ko, hindi mo na naman makuntak?" tukso sa'kin ni Sal nang nakita niyang nakatatlong beses na naman ako nang dial sa mokong na iyon.  Naikwento ko kasi kay Sal na hindi na madalas tumatawag or nagcha-chat sa'kin si Deus. Hindi ko naman inakala na kung anu-ano ang maiisip niya. Kesyo baka mayron na raw iba si Deus kaya raw gano'n. Baka niloloko raw ako. Hindi naman ako nababahala dahil may tiwala naman ako sa boyfriend ko. Baka busy lang siya. "Hayaan mo siya," sabi ko nang nagsawa ako kaka-dial. Parang pagal na pagal ako na isinandal ko na lang ang likod ko sa aking swivel chair at pumikit. Ni-relax ko ang utak ko sa mga stress. Stress kay Papa, stress kay Sal at stress kay Deus. Jeez! "Alam mo, sa lahat nang nakita ko na girlfriend ay ikaw lang 'yang ganyan na relax na relax pa rin kahit na hindi na matawagan ang boyfriend. Krung-krung ka talaga," pansin na naman sa akin ni Sal. Hindi niya alam na siya ang mas krung-krung sa aming dalawa. Ang Krung-krung na word sa Korean language ay 'may saltik' sa Tagalog. Parang baliw sa kakulitan. O kaya naman ay weird na babae. "Sabihin mo nga sa akin, mahal mo ba talaga si Deus, hah, sachon?" tanong niya pa nang hindi ako umimik. "Tinanong pa ba 'yan? Boyfriend ko nga 'di ba?" napilitan kong sagot na hindi nagmumulat ng mga mata. "Eh, bakit parang wala lang sa'yo na hindi mo siya ma-contact? Kasi kung ibang girlfriend na ikaw ay baka kanina pa nakakuha ng plane ticket pauwi ng Pilipinas para alamin kung ano na ang ganap sa lalaking iyon. Kung buhay pa ba o patay na, or kung hindi naman ay baka may ibang babae na. Imposible naman kasi na dahil lang busy. Aba, ang lalaki 'pag totoong mahal ka ay gagawa 'yan ng paraan para makita ka o makausap ka kahit gaano pa siya ka-busy." "Hindi niya ako lolokohin," sa haba ng litanya niya ay tipid ko na sabi.  "Ay, jusko!" Alam ko na natampal ni Sal ang kanyang noo. Narinig ko. "Kung sabagay, paano mo nga naman mamahalin ang lalaking iyon, eh, tombo--"  "Sachon!" Mabilis ko na pagpigil sa bunganga niya. Napadilat ako ng mga mata na wala sa oras. Muli ay tiningnan ko siya nang masama para magtigil siya sa sinasabi. "Bakit ba? Eh, gano'n ka naman talaga. At saka tayo lang naman ang narito kaya kahit banggitin ko ang magic word na iyon ay safe pa rin ang sekreto mo," she pointed out, ayaw talaga paawat. "You're wrong, dahil noon pa nawala ang pagkatao ko na iyon," sabi ko sa kanya sa madiin na tinig. At totoo iyon dahil iniwan ko na sa Pilipinas ang pagkatao ko na iyon. Kaya nga ako nagka-boyfriend dahil matagal ko na iyong tinalikuran. "Ang totoong ikaw ay pwede mong i-deny pero hindi mo kailanman maiwawala," nga lang ay mas katwiran na sabi niya, dahilan para matameme ako. "Alalahanin mo na ikaw rin ang nagsabi sa'kin noon na ang katulad mo ay mahihirapang magmahal sa lalaki. Unless nabago na ang mga rule niyo na mga nasa third s*x?" patuloy pa ni Sal sa pagsesermon sa akin.  I sighed heavily before responding. "Oo nga mahihirapan, pero may posibilidad pa rin. In fact, minahal ko talaga si Deus." "Pero aminin mo na may kulang?" but she countered again. In fairness, gumagana ang utak ngayon ng pinsan ko. Nasisilo niya ako ngayon, eh. "Sinasabi mo riyan?" Iningusan ko na lamang siya.  "Kasi kung mahal mo talaga siya ng as in ay dapat ay tinanggap mo na ang singsing noong proposal niya at sabay na kayong bumalik sa Pilipinas, pero hindi, kasi nga nag-inarte ka. Sabi mo hindi ka pa ready na lumagay sa tahimik kahit na ang totoo ay ayaw mo lang kasi alam mo na hindi ka magiging masaya ng lubos kapag lalaki ang makakapareha mo habambuhay kasi nga tomb---" "Sallena!" This time ay mas malakas ang boses ko na pamumutol ko sa litanya niya. Parang umabot pa nga yata sa labas ng boutique. At napatayo talaga ako sa aking pagkakaupo.  Bigla ay parang natauhan naman ang aking pinsan dahil binanggit ko na ng buo ang kanyang first name. Naaalala na niya na ako ang boss niya at hindi niya ako dapat pinagsasabihan dahil ako ang nagpapasahod sa kanya. Maasim ang kanyang mukha na ngumiti sa akin. "Balik na ako sa trabaho, sachon. Sorry." Napasinghap ako nang umalis na siya at nagtungo sa harapan ng boutique para mag-assist na ng customers. Sakto na may pumasok na babaeng Koreana kaya nakaiwas na sa akin ang gaga. Ang lakas ng loob na pangaralan ako. Tapos pinaalala pa sa akin ang mga nakaraan. Kung 'di ko lang pinsan, ay naku. Pasalamat ni Sal at biglang nag-ring ang phone ko. Agad umaliwalas ang mukha ko nang nakita ko na si Deus ang tumatawag. Lahat ng badtrip ko ay nilayasan na ako. "Hello, babe?" I answered in a hearty voice as if I hadn't talked to him in a coon's age. At sinadya ko pa talagang nilakasan ang boses ko para marinig ni Sal. Pahiya siya sa'kin ngayon dahil ang sinisiraan niyang boyfriend ko ay sa wakas tumawag na rin. Sabi ko naman kasi busy lang. "Shema, may sasabihin sana ako sa'yong importante pero huwag ka sanang magagalit," tinig ni Deus sa kabilang linya. At dahil napansin ko agad na parang ang lungkot niya o ang seryoso niya ay sumeryoso na rin ako. Napansin ko rin kasi na tinawag niya ako sa pangalan ko imbes na endearment namin. Alam ko na agad na seryoso ang usapan kapag tinawag na niya ako sa pangalan ko. Tulad ko kapag kinukumpleto ko ang pangalan ni Sal. "What is it?" tanong ko na kinabahan. I didn't know, but my heart is pounding so hard in my chest as I waited for what he would say.......  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD