Part 24

1746 Words

HUMANTONG sa mas maayos na usapan ang ginawa kong pag-console kay Jwan. “Tapos iyon, umayos naman na ang lagay ng CoatDiva ko ro’n sa Korea,” pagwawakas ko sa pagbibida ko na naman sa aking negosyo. Tinanong kasi ni Jwan kung paano ako nagkaroon ng guts na doon ako makipagsapalaran kaya ikwinento ko lahat sa kany. Mula sa unang padpad ko sa Korea at nagmukhang parang alien, pati na mga pakikipagsapalaran ko, hanggang sa umayos din ang kalagayan ko roon. Sinabi ko sa kanya na naranasan ko roon na umiyak ng dugo. Tahimik lang na nakikinig naman siya. Interesante naman talaga ang naging buhay ko roon kaya hindi na ako nagtataka kung napukaw ko ang interes niya. “Here.” Iniabot ko sa kanya ang nalinisan ko na na orange. Ipinagbabalat ko kasi siya ng orange para kako maibsan ang pagduduwal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD