Part 23

1786 Words

ILANG sandaling pinagmasdan ko ang harapan ng bahay nina Jwan bago ko pinatay ang makina ng kotse ko. May alinlangan kasi ako kung papasok ba ako o hindi. Tumawag ako kanina kay Kuya Froy bago nagtungo rito. Ang sabi ko ay nawawala ang bracelet ko na suot ko noong party at regalo iyon sa akin kaya special sa akin, at hula ko ay nahulog ko sa kotse niya. Pero ang totoo ay wala namang nawawala dahil naroon ang bracelet ko sa aking safe. Idinahilan ko lang iyon para makapunta ako ngayon dito sa bahay nila para makita si Jwan. Ayaw ko nang magsayang ng panahon, kailangan ko nang isakatuparan ang plano ko. Gusto ko nang maagaw si Jwan sa Deus na iyon para makapaghiganti. Nothing has changed in my plan, gusto ko pa rin silang masira. I swear, walang magkaka-forever sa aming tatlo. Hindi ako p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD