Ben Nagising ako at kinakapa ng aking kamay ang katabi ko pero wala siya. Agad ako napabalikwas ng bangon at baka iniwan na naman niya ko. "Baby!" Ang tawag ko sa kanya pero walang sumagot kaya inulit ko ulit ang pagtawag. "Wait." Ang sagot niya na narinig ko mula sa labas ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag, buti naman akala ko talaga iniwanan na naman niya ako eh. Pumasok naman siya sa kwarto. Fῠck, parang tinitigasan na naman ako malaking t-shirt lamang at shorts ang suot niya n'yan ah pero ang lakas talaga ng appeal niya sa akin lalo na siguro kapag nagsuot pa ito ng lingerie eh siguradong hindi na kami makakalabas dito sa kwarto na 'to hanggang sa mabuntis ko siya. "Good morning." Ang nakangiti niyang sabi sabay halik ng mabilis sa aking labi. Hmmm, good mood ang baby.

