Ava “Ang corny mo talaga eh ‘no.” Ang komento ni Farah sa akin pagkatapos kung i-kwento ko sa kanya yung mga naganap ‘dun sa condo ni Ben. “Kung ako sa’yo, sinabunutan ko yun, kinaladkad ko yung babae habang hila hila ko yung buhok niya palabas dun sa condo,” dagdag pa niya. “Grabe ka naman, alam mo’ng ayaw ko ng mga violence violence na ganyan, buti na lang madaldal din yung babae. Sa kanya na mismo nanggaling na matagal na silang walang usap, surprise lang talaga yung pagpunta niya ‘dun.” Napapailing iling na lang ako dito kay Farah, paano kaya ito maging girlfriend, hindi ko ma-imagin kung paano ‘to magselos. Nakipagkita ako sa kanya sa isang coffee shop dito sa Mall of Asia dahil pupunta din ako sa convention kung saan may participation ang CORZ Tech at kinuha ko na din ang pagkak

