Ben After ko’ng mag-gym ay umuwi muna ako sa mansyon para maligo. Gaya ng napagkasunduan namin ni Ava ay hindi na ko tumutuloy dun sa condo at ibinebenta ko na yun dahil ayoko ng maulit pa ang nangyari na bigla na lang may susulpot na babae para pagmulan pa ng gulo or maging dahilan ng away namin ng baby ko. Palabas na ko ng bahay para pumunta sa apartment ni Ava Baby ng bigla ako’ng tawagin ni dad. “Ben, we need to talk!” At naglakad ito papunta sa study room na sinundan ko naman. Umupo ito sa working desk niya at umupo naman ako sa may harapan. “Gusto ko’ng sabihin na natutuwa ako sa desisyon mo na ibenta yung condo, pero hindi ako natutuwa na bibili ka ng bago at balak mo pa’ng makipag-live in, kung gusto mo talaga si Ms. Salazar eh pakasalan mo na at itira mo dito, hindi yung ma

