Ava "Iisipin nun may gusto ka pa kay Jayson dahil masyado kang tense, oh wait actually ayun nga ang naiisip ko ngayon may gusto ka pa ba sa kanya kasi bakit bigla ka na lang umalis at umiwas?" Shìt! Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Farah. Tila naging Null na naman ang utak ko at nawalan na naman ng Value. Tuluyan na nga kaming nakapasok dito sa loob ng boutique kung saan makakapili ng iba't-ibang klase ng style ng lingerie. "Wait, hindi ako sanay magsuot ng ganyan, wala ako'ng confidence," ang pagdadahilan ko pa kay Farah. "Ah talaga ba pero kapag nakahubad ka na sa harapan niya ay may confidence ka na?" Ang walang kahiya-hiyang sabi ni Farah na siyang naging dahilan para mapalingon sa amin ang isang customer sa loob na namimili. Bumulong naman ako ng sorry at hinila si

