(Flashback) Third Person Narrative "Ano na naman yung gulong ginawa mo? Nakakahiya ka talaga!" Ang sita ni Ava pagkadating na pagkadating nila sa tinutuluyang bahay ni Jayson. Umatake na naman ang pagiging seloso ni Jayson. Muntik na naman magkagulo sa restaurant na kinakainan nila kanina imbes na masaya silang magse-celebrate ng second year anniversary eh sakit ng ulo at kahihiyan na naman ang inabot ni Ava sa pagiging seloso ng nobyo. "Hindi mo ba nakikita kung gaano kalagkit yung tingin ng waiter sa'yo kanina!" Sumasakit na naman ang ulo ni Ava, hindi na niya malaman kung saan siya lulugar. Kapag hindi naman sila nalabas eh kung ano ano naman ng nirereklamo ni Jayson kesyo wala ng panahon sa kanya kung hindi puro trabaho na lang. Hindi siya maintindihan ni Jayson na kailangan

