CHAPTER 04

1942 Words
CHAPTER 04 “Babe, wake up. We need to go now.” Isang malambing na boses ni Red ang agad na gumising sa napaka himbing na pagtulog ko nang umagang 'yon at sumunod ang pag dampi ng kaniyang labi sa noo at pisngi ko. Shit! Hindi ko maiwasan na mapangiti doon kahit na nakapikit pa ako. Gusto ko pang matulog kasi hindi ko alam kung gaano na katagal 'yung panahon since nagkaroon akong ganitong klaseng pahinga sa loob ng isang linggo. Ang sarap lang kasi talaga sa pakiramdam na makasama at makatabi mo sa kama ang lalaking mahal mo tapos siya pa yung gigising sa'yo. I really miss this feeling. “Babe. 10 PM na, I need to go home and you must too.” Bulong pa niya sa mismong tenga ko. Ngingiti na sana ulit ako pero awtomatikong napamulat nang mabilis ang mata ko dahil sa sinabi ni Red. Agad akong napabangon at tiningnan agad ang oras sa wrist watch na suot ko at tama nga siya. Its already 10 PM! Mabilis akong bumangon at doon ko lang din namalayan na may suot na pala akong oversized shirt na sure akong siya mismo ang nagsuot sa akin nu'ng nakatulog na ako kanina. “Im dead.”Na sambit ko na lang at tinanggal ko na rin ang kumot na nasa may bandang ibaba ko. “Babe, magbihis ka na! Kailangan mo na akong ihatid.” Utos ko sa kaniya habang hindi ko man lang siya binabatuhan nang tingin dahil busy na ako sa pagkuha ng mga damit ko na nakakalat sa sahig. Hindi ko na rin narinig pa ang isinagot sa akin ni Red kasi pumasok na ako nang tuluyan sa CR para makapag bihis na. Shit talaga! I’m so f****d up. Nakalimutan ko na ang tungkol sa flight ni Andrea and I’m sure na kanina pang 8 PM nakalipad ang eroplano na sasakyan niya. Hayyss. Sermon na naman ang aabutin ko kina Mom and Dad nito for sure. Mabilis ko nang tinanggal ang seatbelt ko at hinalikan ko pa si Red sa pisngi niya. “Mag tataxi na lang ako babe, umuwi ka na. Okay!”sabi ko sa kaniya. “Okay, mag ingat ka,”sabi niya at hinalikan niya rin ako gaya nang ginawa ko saka tuluyan na akong lumabas ng sasakyan niya. We gave final wave to each other until his car finally started to drive away. Ganito na talaga ang set up naming dalawa. Hindi ako sanay nu'ng una pero nu'ng nag tagal ay alam kong 'yun ang makakabuti sa aming dalawa. Kaysa naman ang hindi ko talaga siya makita di ba? Hindi ko kakayanin 'yon. Nag para na agad ako nu'ng TAXI na nakita ko at sinabi ko na kay Manong driver yung address kung saan niya ako ihahatid. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa bahay. Hindi ko maiwasan na mapapikit nang mariin nang makita ko na agad sa may bungad ang kotse ni Dad at ang kotse ni Andrea. Ibig sabihin ay naihatid na nga nila ito sa airpot. Pumasok na ako ng bahay at gaya nang inaasahan ay nasa sala nga sina Mom and Dad habang diretso lang na nakatingin sa pagpasok ko. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang ginawang pag buntong hininga ni Mom habang walang emosyon naman ang mukha ni Dad. “I- I’m sorry, I— I have my own reason kung bakit hindi ako nakaabot sa pag alis ni Andrea.”Mahinang sabi ko habang dahan-dahan ang ginagawa kong pag hakbang papasok ng bahay. “At ano naman ngayon ang dahilan mo?” Diretsong tanong ni Dad sa akin at wala pa ring emosyon ang tono nang pagsasalita niya. Lumunok muna ako ng laway bago sumagot. “Nasira ang kotse ko, kaya nga nag-commute lang ako,”sagot ko sa kaniya. Talagang sinadya ko kasi na iwan sa hotel yung kotse ko at kay Red ako sumabay para may mas matibay akong palusot kung bakit hindi ako nakarating. “Pero tinatawagan ka namin kanina, dalawang beses pa pero pinapag-p*****n mo lang kami. And on the third –“ “Dad, tama na. Baka pagod na rin si Tracy, almost midnight na rin— kailangan mo nang mag pahinga, nakakahiya na rin sa mga kasama natin dito sa bahay.” Mahinahon na pigil ni Mom sa mga sinasabi pa ni Dad. Lihim naman akong napahinga ng maluwag dahil doon. Buti na lang at laging nandiyan si Mommy. “Umakyat ka na sa taas Tracy. Magpahinga ka na rin, try mong i-text ang Ate mo at humingi ka sa kaniya ng sorry para atleast hindi rin siya masyadong mag alala sa'yo kung bakit hindi ka nakasama kanina,”sabi pa ni Mom sa akin. “I will Mom. Good night po, sa inyo rin Dad— I’m sorry.” Paghingi ko na lang ng paumahin bago ako tuluyan nang umakyat sa taas. Napasandal na lang ako sa may pintuan ko at napabuga nang malalim na paghinga nang makapasok na ako dito sa kwarto ko. Hayyys. Babawi na lang ako sa kanila tomorrow dahil alam ko naman na kasalanan ko talaga and mali ako this time. Nag- half bath lang ako at kasalukuyan na sinusuklay ko lang ang buhok ko para maghanda nang matulog pero maya-maya ay biglang may kumatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. It’s either si Mom or si Manang 'yun para dalhan ako ng gatas kaya naman sinagot ko lang ng ‘come in’. Malabo naman kasi na si Dad 'yon dahil tiyak na ilang araw rin akong hindi kakausapin no'n dahil sa nangyari. Pero gaya nang sinabi ko... babawi naman ako. Dahan-dahan na ngang bumukas ang pinto at hindi ako nagkamali na si Mom 'yun pero wala siyang dala na gatas. Binatuhan niya lang ako ng isang malamyang tingin at simpleng ngiti habang unti-unti niyang sinasarado 'yung pinto ng kwarto ko sa likuran niya. “Mom, what are you doing here?” Agad na tanong ko sa kanya Almost 11:30 PM na kasi at dapat natutulog na silang dalawa ni Dad. “Can we talk Tracy?”Mahinang tanong niya sa akin. Medyo natigilan naman ako dahil sa pamamaraan nang pagsasalita niya pero hindi ko na lang 'yun masyadong pinansin at unti-unting tumango bilang pagsang-ayon. Baka kasi importante ang sasabihin ni Mom ngayon kasi minsan niya lang ito ginagawa. Kung hindi naman kasi importante ang sasabihin niya ay ipinagpapabukas niya na lang kung ano man 'yon. Lumapit na nga si Mommy dito sa pwesto ko at umupo sa may tabi ko habang medyo nakaharap sa akin. Nakayuko siya kaya naman hindi ko nakikita ang mga mata niya o ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang ginawa niyang paghawak sa kamay ko kaya hindi ko maiwasan na mapatingin doon. Narinig ko pa ang ginawang paghinga ng malalim ni Mom at mukhang naghahanda na siyang magsalita kaya hinintay ko na lang kung ano ba ang sasabihin niya. “Tracy, nag— nag rerebelde ka ba sa amin ng Dad mo?” Mahinahon na tanong ni Mommy sa akin pero halata pa rin ang pag-aalala niya. Hindi ko naman maiwasan na mapakunot ng noo dahil wala akong ideya na 'yun na pala ang iniisip nila sa mga ginagawa ko samantalang para sa akin ay normal lang ito. Tatanggi na sana ako sa sinabi niya pero nagsalita siya ulit. “Alam kong hindi naging madali ang nangyari sa inyong dalawa. I mean, sa inyong dalawa ni Red. Pinagbawalan ka namin na makipagkita sa kaniya kasi alam namin na maaari at may posibilidad na hindi niyo mapigilan ang mga damdamin niyo para sa isat-isa. Matagal kayong nagsama kaya alam kong mahirap na bitawan 'yun dahil sa –“ “Mom, let’s not talk about that okay?" Putol ko na kaagad sa sinasabi ni Mommy. Kung maaari lang ay ayaw ko nang maalala ang tungkol sa bagay na 'yun at hindi rin kasi ako handa na pag usapan ang mga nangyari noong nakaraan. I'm still on the process of healing. "Im fine! Hindi naman ako nag rerebelde eh, in fact... nakikipag kita nga ako sa mga single na lalaki this past few days. I kinda like their accompany kaya sana wag ka nang mag-alala.” Mahinahon na dagdag saad ko pa tsaka ko hinawakan din pabalik ang kamay niya. “Nag aalala lang naman kaming dalawa ng Dad mo sa’yo kasi—“ “Mom like I’ve said I’m okay, for now gusto ko lang na makapag pahinga na. Magpahinga ka na rin po.” Malambing na putol ko na naman sa sinasabi ni Mom tsaka ngumiti ng pilit. Kailangan ko na rin kasing tapusin ang usapan namin para hindi na humaba pa ng humaba dahil alam kong masasaktan lang ako sa katotohanan. Ngumiti naman ng simple sa akin si Mom pabalik at nag-nod na lang bago tuluyan nang tumayo. Tumayo na rin ako para maihatid siya sa may pinto. “By the way— wag mo nga pa lang kakalimutan yung binilin sa'yo ng Ate mo nu'ng isang linggo huh.” Biglang pag papaalala ni Mom kaya hindi ko na naman maiwasan na mapakunot ng noo kasi hindi ko matandaan kung ano ang tinutukoy niya. Mukhang nahalata naman niya agad 'yung ekspresyon ng mukha ko kaya napa iling-iling siya. “Hays. Nakalimutan mo 'no? Di ba binilin sa'yo ni Andrea na ikaw ang magsusundo kay Arrow sa airport. Yung kaibigan niyo." Ohh s**t! Oo nga pala! Hayyyss. BADTRIP! “Hindi ko siya kaibigan Ma, bestfriend siya ni Ate at kahit kailan hindi kami naging close no'n. Enemy nga kami di ba? Hindi ko nga alam kung bakit ako ang gusto niyang magsundo sa lalaking 'yun kahit alam niyang since highschool ay magkaaway na kami.” Asar na sagot ko kay Mommy at hindi ko maiwasan na mapa rolled eyes pa. Narinig ko naman ang mahinang pag- chuckled ni Mommy dahil sa ikinilos ko. “Mabait naman si Arrow eh,"wika ni Mom. Luhhh. Mabait my ass! Tsk. "Hayaan mo na. Bayad na lang din 'yun sa pag iinjan mo sa kapatid mo kaninang lunch. Bukas ang dating niya huh, 9 AM kaya agahan mo ang gising." Seryosong pag papaalala pa ni Mama. ‘Feeling important talaga 'yun.’ Nasabi ko na lang sa isip ko. Wala na nga akong nagawa pa kundi ang mag-agree na lang kasi alam 'kong wala naman akong ibang pagpipilian. I kissed her at her cheeck and said good night after I slowly close my door and leave an audible sighed. Bagsak ang mga balikat ko nang bumabalik na ako sa kama ko. Pabagsak din akong nahiga doon at napabuga na lang ulit ng hininga. I stared at the ceiling kasi alam kong hindi na naman ako makakatulog agad dahil sa naging pag-uusap namin ni Mom. Hindi pa man nagtatagal ang pananahimik ko ay biglang tumunog ang cellphone ko for message ringtone kaya naman kinapa ko lang 'yun sa may bedside table ko para makuha. Nakita ko sa may screen na nakatanggap ako ng message mula kay Red. One message received From: Red Are you home now? Napatigil ako nang mabasa ko 'yun at imbis na sagutin ko ang text niya ay pinatay ko na lang yung phone ko at nilagay sa ilalim ng unan ko. Nawalan na agad ako ng gana kahit ang saya-saya ko lang kanina. Nawalan na akong ng gana dahil sa simpleng pag-uusap namin na 'yun ni Mom tungkol kay Red at idagdag pa yung burden ko sa pagsundo sa Arrow Stanford na 'yun bukas. Nakaka bwisit talaga, pero syempre-- gaya nang sinabi ko, hindi na ako makaka hindi pa do'n kaya no choice talaga. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD