CHAPTER 05

1540 Words
CHAPTER 05 KINABUKASAN Maaga akong nagising dahil sa pagkatok ni Manang sa may pinto ng kwarto ko. Kahit inaantok pa ako ay napilitan na akong tanggalin ang kumot na nakabalot sa buong mukha at katawan ko pero nanatili pa rin na nakapikit ako. “Tracy Ihja, gumising ka na diyan. Gusto kang makasabay ng Dad at Mommy mo sa pagkain ng almusal."Rinig kong sabi ni Manang sa labas ng kwarto ko habang patuloy pa rin siya sa pag katok. Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo ko at mapamulat na rin ng mga mata dahil sa narinig ko. ‘Bakit naman kaya biglang naisipan nina Mommy at Dad na kumain kami ng sabay? Which we doesn't usually does.’ Hindi maiwasan na maitanong ko sa sarili ko. “Gumising ka na diyan."Rinig ko pang sabi ni Manang. “Sige po Manang, bababa na po ako.”Sagot ko na lang sa kaniya. “Sige, bilisan mo diyan huh.” At 'yun na nga lang ang narinig ko bago tumigil na nga ang pagkatok ni Manang sa labas. Kahit napipilitan ay bumangon na lang ako sa hinihigaan ko. Galit na kasi si Dad sa akin kagabi kaya naman ayaw kong dagdagan pa 'yon. Pero ang pinagtataka ko lang, gaya nang sinabi ko-- hindi naman kami madalas na kumain ng sabay. Kasi minsan ay late na talaga akong gumising. Hindi na bago sa cycle ng pang araw-araw namin ang kumain kahit mag-isa o kumain sa oras na gusto lang namin. Kahit nagtataka ay bumangon na ako at bumaba. Hindi nagtagal ay nakita ko na nga sina Mommy at Dad na naka upo sa lamesa. Hindi pa sila kumakain kasi mukhang hinihintay pa nila ako kaya naman mas lalo kong binilisan ang paglapit sa lamesa saka umupo. Pansin na pansin ko ang pagka-straight ng body ni Dad habang nakaupo at walang mababakas na emosyon sa mukha niya samantalang si Mommy naman ay ngumingiti lang ng simple sa akin. Hindi ako sanay na mukhang masungit si Dad kasi to be honest ay talagang mabait si Dad at kwela. Siya nga ang laging kakulitan namin ni Andrea kapag nandito siya eh. “Maupo ka na anak nang makakain ka na.”Agad na wika sa akin ni Mom nang makalapit na ako sa mismong lamesa. Umupo naman ako sa harapan niya habang nasa kabilang parte naman siya ng table samantalang nasa kabisera naman si Dad. Walang imik na kumuha lang ako ng toasted bread at nang kukunin ko na sana yung scrambled egg ay biglang nagsalita si Daddy. “Simula ngayon, kailangan mong i-surrender sa akin ang black card mo.”Seryosong wika ni Dad habang nasa pagkain lang ang kaniyang tingin. Dahil sa narinig ko kaya naman hindi ko maiwasan na batuhan siya nang hindi makapaniwalang tingin. “W-what?!”Tanging na sambit ko na lang and to be honest -- sobrang gulat na gulat ako. Wala siyang naging kasagutan sa tanong ko kaya naman si Mommy ang agad kong tiningnan— alam ko kasi na kakampihan niya ako pero mukhang nagkamali ako doon. Agad niya kasing iniwas ang paningin niya sa akin nang magtama ang mga mata naming dalawa at base pa lang sa ekspresyon niya ay pinapahiwatig niya agad sa akin na wala siyang magagawa. Ang ibig lang sabihin ay alam na ni Mommy ang tungkol sa sinabi ni Dad. Dahil doon kaya ibinalik ko na lang ulit kay Dad ang tingin ko. “For what? And why? Kung kukunin niyo ang black card ko edi wala naman akong pera.”Pag aangal ko kasi 'yun lang talaga ang pinagkukunan ko ng pera-- remember, jobless nga ako. “Tracy anak, pakinggan mo muna ang dahilan ng Dad mo."Mahinahon na sabi sa akin ni Mommy. “Kahit ano pang sabihin mo, hindi na magbabago ang desisyon ko Tracy. Ang black card mo ang isa sa dahilan kung bakit lagi ka na lang wala dito sa bahay. Siguro naman na kung wala ka nang pera ay mababawasan na ang pag alis- alis mo dito."Pa unang wika ni Dad. "Kaya simula ngayon, kukunin ko na ang card mo. Pero wag kang mag alala- hindi ka naman mawawalan ng pera dahil bibigyan pa rin kita NANG SAPAT lang sa pwede mong pagka gastusan dahil 'yun ang hiling ng Mama mo."Pagdudugsong na saad pa ni Dad at nanatili pa rin na walang mababakas na emosyon sa mukha niya. What the hell! Ngayon lang ako mababawian ng black card simula nang magkaroon ako no'n! NAKAKA INIS! Sa sobrang inis ko ay marahas na lang akong tumayo sa pinagkaka upuan ko. “Nawalan na ako ng ganang kumain!”Wala rin na emosyon na sabi ko at agad na akong tumalikod. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay biglang nagsalita na ulit si Dad . “At saan ka pupunta? Maghanda ka na ngayon para masundo mo na si Arrow sa airport."Biglang wika ni Dad sa may likuran ko. Hindi ko na siya nagawa pang lingunin at napa irap na lang ako sa hangin bago ako dumiretso na sa pag-alis sa dining area. Umakyat na ko sa hagdan pagbalik sa kwarto ko. ‘Ano ba namang kamalasan ang nangyayari ngayon sa buhay ko sa araw na toh.’ Na sambit ko na lang sa sarili ko. Una, kailangan kong sunduin ang Arrow na 'yun kahit na sobrang labag sa kalooban ko. Pangalawa, yung pagbawi sa black card ko. At pangatlo, halatang galit pa talaga sa akin si Dad. Hayys. Nakaka bwisit talaga. -_- ~ ~ ~ [Talaga?! OH MY GOD! Magiging poorita ka na ba girl?] Tanong ni Peach ng bigla siyang tumawag sa akin ngayon. Na ikwento ko na kasi 'yung nangyari sa pag uusap namin ni Dad kaninang umaga. At ngayon ay kasalukuyan na nga akong nagmamaneho papunta sa airport and guess what-- talagang binabagalan ko ang pagmamaneho ko kahit na hindi masyadong traffic para naman kahit papaano ay mahirapan at maghintay ang mokong na Arrow na yun. Muhahahaha. (evil laugh) “Wala akong oras sa mga hindi nakakatawang joke mo Peach!"Naka poker face na sagot ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko. Biruin niya na ako sa kahit anong oras... wag lang ngayon na mukhang may reunion ang mga kamalasan ko. [Okay fine! Pero, naiintindihan ko naman si Tito kung bakit niya 'yun ginawa. Lagi ka na lang kasing wala diyan sa bahay niyo tapos umuuwi ka pa ng lasing. Baka naman namimiss ka lang niya. Actually, maswerte ka pa nga kasi hindi talaga total zero ang cut ng pera mo kasi kahit papaano ay may makukuha ka pa ring allowance. Hindi tulad nung nangyari sa akin nu'ng college-- remember? Cut talaga ang allowance ko at kinuha pa ni Papa ang kotse ko. Gosh! Ayoko nang maalala. Ohh well-- like what I've said, you are still lucky girl.] Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Kung sabagay, tama naman siya. Kahit papaano ay swerte pa rin ako kasi may pera pa rin ako. Isa kasi ako sa naka witnessed kung paano siya nahirapan nu'ng lahat ng pera at 'yung kotse niya ay kinuha dati ng Papa niya. Buti na lang hindi kinuha ni Dad itong kotse ko. [Pero teka nga, hindi pa nga kayo okay ni Tito at nagka problema na nga kayo sa pag alis-alis mo sa bahay niyo tapos ngayon umalis ka na naman? Saan naman ngayon ang punta mo huh?!] Tanong niya na para bang Ate ko siya at handa niya akong sermonan. Pero wait-- Hindi pa pala alam ni Peach ang tungkol sa pag-dating ni Arrow. Oh well, kilala rin niya kasi 'yun eh kasi same lang naman ang mga school na pinasukan namin. “Hayys. Susunduin ko kasi si Arrow ngayon sa airport.”Walang ganang sagot ko sa kaniya. [OH MY GOSH!] Halos napalakas pa ang boses niya nang sabihin niya 'yun. Medyo sumakit din ang tenga ko doon dahil naka airpods ako. [You mean ARROW STANFORD?! Your so called ‘enemy’?] Pagdudugsong na wika pa niya. “Yeah. Sinabi mo pa.”Nang gigigil na sagot ko sa kaniya at napairap na naman ako sa hangin. “Pakiramdam ko nga, kaya ako minamalas ay dahil sa kaniya eh. Siya pa naman ang malas sa buhay ko.”Dagdag na saad ko pa. [Hahaha chill ka lang girl. Ano ka ba, almost 4 years na ang nakakalipas kaya naman kalimutan mo na 'yung mga nangyari dati. Hindi ka na bata 'no. Tsaka malay mo, hindi na siya tulad ng dati di ba?] “Hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat ng ginawa ng mokong na 'yun sa akin nung highschool lalo na ang mga panti-trip niya sa akin. Alam mo naman na nu'ng nag-graduate lang siya saka lang tumahimik ang buhay ko sa campus. Lagot talaga 'yun sa akin kapag pinag tripan niya pa ako habang dito siya nag i-stay sa Pilipinas. Sana lang hindi ko siya makita araw-araw. Grrr!”wika ko pa at hindi ko talaga maitago ang galit na nararamdaman ko. Talagang naiinis na ako. Hindi ko pa nga nakikita ang Arrow na 'yun ay pumupunta na agad ang dugo ko sa ulo ko, paano pa kaya kapag nakita ko na siya mamaya. AISH! . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD