Hioran deeply sighed. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang ginawa ang pagbuntong-hininga habang nakayuko, nakapikit at nasa ulo ang mga kamay nito.
He stopped himself from shouting. Gustong-gusto niyang magwala. Gusto niyang magdabog pero pigil na pigil ang ginagawa niya sa sarili niyang gawin iyun.
How did that turn out to be positive? How did he become the father of that infant?
Yeah. The result of DNA test came out? And the result? Ninty-nine percent na siya nga ang ama ng batang iyun.
Hindi siya kapaniwala. Parang nang nakaraang linggo lang, wala siyang ginagawa kundi ang magpakasaya. Trabaho at babae. Duon lang umiikot ang mundo niya. Tapos sa isang iglap. In an instant he became a father?
Is this a curse? Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Bakit sa dinami-dami pa, na siya pa ang hindi pa handang maging ama, sa kanya pa nangyari ang bagay na ito?
Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang marinig niya ang pag-doorbell ng unit niya. Dahil parang nawalan siya ng gana sa lahat, hinayaan niya ang kung sinong man ang nambubulabog na naman sa doorbell ng unit niya. Pero nang mapagtanto niyang hindi ito titigil, nagpakawala siya nang malalim na hininga saka tumayo at walang ganang lumakad papalapit sa pinto.
“What do you want —”
“Congratulations!”
Napapikit siya nang biglang tumama sa mukha niya ang laman ng party poppers na hawak ni Carsiel at Ryeko na ngiting-ngiti. Ito ang mga bumungad sa kanya nang buksan niya ang pinto.
“Congrats! Tatay ka na talaga!” masayang-masaya sabi ni Ryeko sa kanya kaya gustong-gusto niyang wasakin and mukha nito.
Umigting ang panga niya. Idiniin niya ang pagpikit ng mata niya saka humugot nang malalim na hininga at saka nagmulat.
“What the f**k are you doing?”
Napabaling siya kay Brylle nang magsalita ito. Ngayon lang niya napansin ang hawak-hawak nitong cake na may nakalagay na 'Congratulations, Daddy'.
“They’re here to congratulate you when I told him about the result,” nagkibit balikat ito nang samaan niya ito ng tingin, “Wala akong kinalaman dito. Bigla na lang nila akong kinaladkad papunta rito. Kita mo naman sa suot kong lab gown, hindi ba?”
“Ano ka ba, man. Bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo? Dapat ka ngang maging masaya kasi tatay ka na!” sabi ni Enzo na may hawak-hawak na tig-dalawang beer sa magkabilang kamay na nakataas.
“Oo nga! Let's celebrate!” si Ryeko.
“Yeah. Let's celebrate —”
Naputol ang salita ni Carsiel nang pagsarhan niya ng pinto ang mga ito sa sobrang iritasyon.
Tangina. Hindi niya alam kung nang-aasar ang mga ito o kung ano, ‘e. Alam naman nilang lahat na kung gaano niya hindi kagusto ang nangyayari ngayon sa buhay niya pero pumunta pa talaga ang mga ito rito sa unit niya para mang-asar?
“Magsilayas kayo!” malakas niyang sigaw nang marinig niya ang sunod-sunod na pangungulit ng mga kaibigan niya sa labas.
“Let’s celebrate your fatherhood, man!”
Hindi niya pinansin ang mga kaibigan. Mabibigat ang hakbang niyang muling bumalik sa salas ng unit niya. Pagdating niya ruon, nadatnan niya ang bata na mulat na ang mata habang nakahiga sa crib.
Iritado siyang napabuntong-hininga at pabagsak na umupo sa sofa at tiningnan mabuti ang bata.
“What now? Are you happy? Are you happy that finally! I am really your father?”
The child made a muffle sound.
Nailing-iling siya at tumayo, “I don’t know. I don't know.” nalilito niyang sabi saka iniwan ang bata sa salas ng bahay. Pumasok siya sa kwarto niya para makapag-isip.
“Fuck..”
Iritado niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Ipinatong ang braso niya sa mga mata niya at nag-isip. Pero ang pag-iisip niya ay nauwi sa isang mahimbing na tulog.
Naalimpungatan lang siya nang marinig niya ang iyak ng bata mula sa salas. Napabangon siya at agad napatingin sa wall clock.
It's six pm!
What the hell? Limang oras siyang nakatulog?
Bumuga siya nang marahas na hininga saka bumungon at mabibigat ang hakbang na lumabas sa kwarto.
Nadatnan niya ang bata na pulang-pula na naman ang mukha at panay ang galaw ng mga at paa nito dahil sa pag-iyak.
Nailing-iling siya saka kinarga ang bata. Inilapag niya ito sa coffee table para gawin ang naging routine na niya. He checked his diaper. Nang makitang marami na ngang laman iyun, tinanggal niya iyun saka nilinisan.
Sa ilang linggo niyang paggawa nito, nasanay na rin siya sa amoy ng dumi nito. Oo, nasanay na siya pero hindi pa rin niya gusto ang pangyayaring ito. Ayaw niya pa rin ang responsibilidad na ‘to.
'But his your child.' anang traydor na boses kabilang bahagi ng isipan niya. Napailing-iling siya dahil duon at tinapos na lang ang paglilinis niya sa puwetan nito.
Matapos niyang palitan ng diaper ang bata, muli niya itong binuhat at tumungo sa kusina. Kinuha niya ang nakalatang gatas at naka-sterilize na baby bottle nito saka nilagyan nang tamang dami ng gatas at maligamgam na tubig.
Inalog niya iyun pagkatapos at hinintay muna bago lumamig saka isinalpak niya ito sa bibig ng bata na kaagad naman nitong tinanggap.
Nakatingin sa mukha niya ang bata habang dumedede ito sa baby bottle na hawak-hawak niya kaya iniwas niya ang tingin dito.
Umigting ang panga niya.
Hindi niya alam kung ba’t hindi niya magawang maramdaman ang nararamdaman ng ibang mga magulang kapag nalalaman ng mga itong magigiging magulang na sila.
He doesn't feel even a slight of happiness and excitement as he looks at the child, he felt nothing.
Napatingin lang ulit siya sa bata nang marinig niya ang mahinang tunog dito. Nang makita niyang wala na sa bibig ang baby bottle nito, kaagad niyang inayos.
Bumuntong-hininga siya at lumakad pabalik sa salas. Muli niyang inilapag ang bata sa crib at hinahayaan niyang dumede ito nang mag-isa.
Hindi niya mapigilang maglakad paruon at paparito habang nag-iisip. Ang totoo niyan, may naisip na siya kanina. Pero...
Tumigil siya sa ginagawa at tumigil sa tapat ng bata na nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya nang marahas. Bahala na nga.
Muli niyang iniwan sandali ang bata sa salas at pumasok sa kwarto niya. Mabilis siyang nagpalit ng damit. Kumuha rin siya ng pantaklob sa bata saka lumabas ulit at nilapitan ang bata at sinuot ang pantaklob na damit dito.
Maingat niya iyung binuhat at lumabas ng unit at sumakay sa elevator pababa. Habang nasa elevator sila at hinintay bumukas ito, napatingin siya sa bata na nakatingin sa kanya.
“Why are you looking at me?” marahas siyang napabuntong-hininga, “Hindi kita maaalagaang mabuti. I'm worthless person, you agreed with that, right?”
The child made a muffle sound while looking at him back.
“Yes. I am worthless. You don't deserve to have a worthless father like me. Wala akong magandang naidudulot sa buhay ko, sa'yo pa kaya? Ayaw kong maging miserable rin ang buhay mo kagaya ng buhay ko. So understand what am I going to do, okay? It's for your own good.”
Napatigil lang siya sa pagkausap dito nang bumukas niya ang pinto ng elevator kaya napabaling siya rito. Bumuntong-hininga siya saka muling sinulyapan ang bata at lumabas ng elevator.
Agad siyang nagpara ng taxi nang makarating siya sa labas ng building ng condo niya. Kaagad niyang sinabi sa driver ang pupuntahan nila.
“Anak niyo po, Ser?” tanong ng driver nang mapansin ang batang nasa braso niya.
Kaagad niyang matalim na tiningnan sa salamin ang driver kaya agad itong humingi ng tawad sa pagtatanong at hindi na nagsalita pa.
Ilang minuto pa ang nakalipas at tuluyan nang huminto ang taxi sa distinasyon nila. Binigyan niya ang driver nang higit pa sa pamasaheng hiningi nito saka bumuntong-hininga at bumaba ng taxi.
Nang makaalis ang taxi, napatingin siya sa malaking gate na nasa harapan niya saka tiningnan ang batang nasa braso niya.
Muli siyang nagpakawala nang malalim na hininga, “This is for your own good.”
The baby made a muffle sound. Pero hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Lumuhod siya sa semento at unti-unting inilapag ang bata.
“Be good, huh? Paglaki mo, huwag mong gagayahin ang ginawa ko. Magiging maayos ang buhay mo rito.”
The baby started to cry while looking at him. Pero hindi na niya ito pinansin, tumayo siya at tinalikuran ito. Sa bawat paghakbang niya papalayo rito ay siya ring paglakas ng iyak nito.
Napamura siya nang may maramdaman siyang hindi pamilyar sa kanya. Ilang beses pa siyang napamura sa isipan niya. f**k. Why am I feeling this way?
Tumigil siya sa paghakbang at mariing ipinikit ang mga mata.
No, no, Hioran. This is your only choice, this is for his own good.
Habang nakapikit siya, biglang pumasok sa isipan niya ang mga magulang niya. Ang pagpapabaya ng mga ito sa kanya dahil nakahanap ng ibang pamilya. Ang pamumuhay niyang mag-isa nang hindi kasama ang mga ito. Dahil duon, naimulat niya ang mga mata niya at agad nilingon ang kinaruruonan ng bata na mas lalong lumakas ang iyak.
May kusa yatang pag-iisip ang mga paa niya at namalayan na lang niya ang sarili niya pabalik sa kung saan niya iniwan ang bata.
“Why are you crying?” marahas siyang napabuga ng hininga, “I told you, you don't deserve to have a father like me! Stop crying!”
But the child didn't stop.
Muli siyang napabuga nang marahas ng hininga at lumuhod sa harap ng bata, “I said stop crying. Why are you crying like... damn!”
Napatingala at napapikit siya sa sobrang prustrasyong nararamdaman. Napamulat lang siya ulit nang marinig niya ang pagbukas ng gate. Kaagad siyang napatingin dito.
Mabilis pa sa alas kwatro niyang binuhat ang bata saka tumakbo patungo sa malaking halaman para magtago sa kung sino man ang lalabas dito.
Mabuti na nga lang at awtomatikong tumahan ang bata kaya hindi na siya mahihirapang mag-isip kung paano patahanin ito.
Bumuntong-hininga siya at sumilip sa harap nang malaking gate. Nakita niyang may lumabas na kasambahay rito. Luminga-linga sa paligid at nang mukhang wala naman itong napansin, muli itong pumasok.
Nagpakawala siya nang malalim na hininga, “That’s close..”
Napatingin lang siya sa batang nasa braso niya nang gumawa ito nang mahinang tunog. Nakita niya ring nakatingin ito sa kanya.
He sighed, “So do you want to have a worthless father, huh?” isang mahinang tunog lang ulit ang naisagot nito, “Tss. Pasalamat ka naisip ko na baka apihin ka lang ng mga tao sa loob. Huwag kang matuwa. Dahil kahit nagbago ang isip ko, hindi pa rin ako natutuwa sa nangyayari.”
Nailing-iling na lang siya nang wala itong ibang masagot sa kanya kundi isang mahinang tunog. Bumuntong-hininga siyang muli saka lumakad at para makauwi.
“Huwag mong pasakitin ang ulo ko, ha?” pagkausap niya sa bata habang hinihintay na bumukas ang elevator.
Kanina pa niya ito kinakausap. At wala itong ibang masagot sa kanya kundi ang mahinang tunog na nagagawa nito. Nailing-iling na lang ulit siya.
Nang bumukas ang elevator, agad siyang lumabas at naglakad patungo sa unit niya. Hindi pa man siya nakakalapit sa unit niya, naaninagan na niya ang taong nakatayo sa harapan ng pinto nito. Malayo pa lang kilala na niya ito.
“What are you doing here, Doctor Garcia?”
Agad napaharap sa kanya ang nasabing doctor saka ito ngumiti at marahan siyang tinapik sa balikat, “You did a great job. Congrats.”
Kinunutan niya ito ng noo, “What do you mean?”
“I saw what happened.”
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito.
“Pupunta na dapat ako rito nang makita kitang nagmamadali paalis ng condo mo, kaya sinundan kita. I saw the whole scene,” muli siya nitong tinapik sa balikat habang nakangiti, “He’ll be proud of you when he grow up.”
“Tss,” he said, “I didn't change my mind because I want him in my life. Nagbago ang isip ko dahil naisip kong baka apihin lang siya ruon.”
The doctor chuckled, “Whatever you say, Hioran.”
Inikutan niya ito ng mata, “Whatever you say, too, Brylle. Tumabi ka nga riyan.” pagsusungit niya rito.
Humalakhak lang naman nang marahan si Brylle saka tumabi. He pressed his unit’s passcode. Nang mabuksan na niya ang pinto, papasok na sana siya nang marinig niya ang pagsalita ni Brylle.
“Basta, buddy. I'm happy with your decision. I know it won't be easy for you to take of your child alone kaya nandito kami ng mga kaibigan. We’ll help and support you. If you need help, mapa-finacial man o ano, we’re here. What are friends are for, ‘di ba?”
Nilingon niya ito. Tinapik ulit siya nito sa balikat at ngumiti. Bumuntong-hininga siya at tuluyang pumasok sa condo niya nang hindi sumagot sa sinabi ni Brylle.