"Ahh.. fuck.. harder. That's right -f**k!"
Hioran was having a wonderful and delectable dream, pero naputol iyun nang magising siya dahil sa iyak ng sanggol.
Naiinis siya dahil naputol ang magandang panaginip niya. Ganun naman siya. Kapag wala siyang nakakasamang babae buong gabi, nagkakaruon siya nang ganung klaseng panaginip.
Pero nang mapagtanto niyang totoo ang iyak ng sanggol at mas lalo pa itong lumakas, sunod-sunod siyang napamura at bumangon.
Mabilis pa sa alas kwatro siyang lumapit sa switch ng ilaw para buksan ito saka siya lumapit sa kuna kung saan niya inilagay ang sanggol. Napaawang ang bibig niya nang makita niyang pulang-pula na ang mukha nito dahil siguro sa pag-iyak.
Iritado siyang napabuntong-hininga, "What is your problem?"
Napasulyap siya sa wall clock at mas lalo siyang nairita nang makita kung anong oras na.
Iritado siyang napahilamos sa mukha niya at muling tiningnan ang batang umiiyak.
"Do you even know what time is it? It's only two in the morning."
Iritado rin siyang napailing-iling kalaunan nang mapagtantong wala rin siyang mapapala sa pagkausap dito. Hindi naman siya nito maiintindihan. Tanging pag-iyak lang nito ang maisasagot sa kanya. Pero ano bang problema nito?
Ah. Baka naman nagugutom na.
Napatango siya sa naisip niya, "Oo na. Pagtitimplahan na kita ng gatas. Tumahan ka na."
Napailing-iling at napaikot siya ng mata nang mas lalo itong pumayahaw ng iyak. Pero hindi na muna niya ito pinansin, lumabas siya ng kwarto niya. Napailing-iling siya ulit nang madatnan niya ang mga gamit na nagkalat sa salas ng condo niya. Gamit ng sanggol na pinamili ni Ryeko para rito gamit ang pera niya.
Sa dami ng gamit na pinamili nito na hindi naman niya alam kung saan gagamitin, hindi niya alam kung may naiwan pa bang pera sa credit card niya. Isa lang ang sigurado niya. Halos limang buwan na sweldo mula sa pinagtatrabahuan niyang bar at restaurant ang nawaldas niya ngayong araw, dahil lang sa gamit ng sanggol. Isa pa ang sigurado niya, malamang at sa malamang, mamumulubi pa siya kapag nagpatuloy pa ito sa mga susunod pang mga araw.
Nailing na lang siya bago lumapit sa mga gamit sa salas para hanapin ang kailangan. Nahirapan pa siyang maghanap ng kakailanganin. Hanggang sa makita niya ang isang baby bottle at ang gatas na ititimpla niya.
Pagkakuha niya nun, agad siyang dumiretso sa kusina. Nilagyan niya nang maligamgam na tubig ang bote at nilagyan nang iksaktong dami ng gatas saka ito inalog.
Wala talaga siyang kaalam-alam sa bagay na ito. Mabuti na nga lang at may kaibigan siyang may alam sa ganito. Ryeko taught him this stuff.
Matapos niyang makuntento sa pag-alog sa gatas at nang masigurado na niyang natunaw na ang gatas sa loob nito, bumalik siya sa kwarto. Nailing-iling na lang siya nang hindi pa rin tumatahan ang bata sa kakaiyak.
"Oh, ito na. Dumede ka na nang tumahimik ka na."
Yumuko siya sa kuna ng bata saka maingat na isinalpak sa bibig nito ang baby bottle na may gatas.
He smirked when the child stopped from crying. Mission accomp -
Napawi ang ngisi niya nang makailang sipsip pa lang ito sa bote nang bigla na lang itong iniwas ang bibig sa bote at muling pumayahaw ng iyak.
"What is your problem? Here's your milk. Suck it already."
Sinubukan niyang muling ilapit ang bote sa bibig nito pero muli lang nitong iniwas ang bibig sa bote at nagpatuloy sa pag-iyak.
Napahilamos siya sa mukha. Nagsisimula na naman siyang mairita lalo na't naiirita siya sa iyak nito. Tangina. He want to sleep already. Antok na antok na siya.
"Ano bang problema mo? What do you want me to do?"
Again, pag-iyak lang ulit ang naisagot ng bata sa kanya. Hanggang sa pumasok sa isip niya ang ginawa ni Ryeko kanina para mapatahan ito.
Iritado siyang napabuntong-hininga at inilapag ang bote ng gatas saka muling yumuko sa kuna. Iniunat niya ang kamay niya para mabuhat ang bata.
Nang mabuhat na niya ito, dahan-dahan niyang ginaya ang ginagawang pagsayaw ng katawan ni Ryeko kanina habang kumakanta siya nang mahina at marahang tinatapik-tapik ang hita nito. But it didn't work. Mas lalong lumakas ang iyak ng bata kaya gustong-gusto na niyang magmura sa sobrang iritasyong nararamdaman.
Ipinikit niya nang marrin ang mga mata niya saka bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. At nang magmulat ulit siya, pigil na pigil niya ang sarili niyang sigawan ito.
"Tumahan ka na, please lang."
Ipinagpatuloy niya ang mabagal na pagsayaw rito at pagtapik sa hita nito pero tulad kanina, wala pa ring epekto. Patuloy ito sa pag-iyak. Tumigil siya sa ginagawa at muling napabuntong-hininga.
Wala na siyang maisip na gagawin para mapatahan ang sanggol kaya naisip niyang humingi ng tulong. Gamit ang isang kamay, inabot niya ang cellphone niyang nakapatong sa bedside table saka mabilis id-n-ial ang numero ni Ryeko.
"Pick up, moron."
Ilang beses pa niyang narinig ang pag-ring ng cellphone nito bago nito sinagot ang tawag na ipinagpasalamat niya nang palihim.
"Hey -"
"What the f**k, fucker! Do you know what time is it? At nangdidisturbo ka ng tulog! f**k you!"
Nailayo niya sa tainga niya ang cellphone niya dahil sa biglaang pagsigaw nito. Binawi niya ang pagpapasalamat niya. Tangina. Isa pa ito. Halos mabingi na nga siya sa iyak ng bata, dagdagan pa ng sigaw ng moron na 'to.
Muli niyang inilapit ang cellphone niya sa tainga niya, "I need your help."
Mukhang nawala ang iritasyon nito. Bigla itong tumawa. Mukhang narinig din nito ang iyak ng bata.
"Welcome to fatherhood, man" pang-aasar nito, "What kind of help do you want, Daddy? Papa? Tatay? Itay? Ama? What do you want to be called?" dagdag nito na pang-aasar nito.
"Shut up," iritado niyang sabi. Nang maalala ang kailangan, bumuntong-hininga siya, "What do you think his problem? Iyak nang iyak. Nangdidisturbo ng tulog."
"He must be hungry."
Napaikot siya ng mata, "Ayaw niyang dede-in ang tinimpla kong gatas."
"Nagawa mo na?"
He nodded, "Yeah."
"Wait. Did you sterilize the bottle before you used it?"
Napataas ang kilay niya, "What for?"
Napamura ito sa kabilang linya, "Gago! Kailangan i-sterilize ang botelya lalo na kapag bago. Tangina. Baka ano pang makuhang bacteria ng batang iyan -f**k! Puwede bang ibaba mo muna 'yang anak mo? Singerist, 'e." sabi nito na mukhang naiingayan na rin ito sa iyak ng bata.
Napaikot siya ng mata at sinunod naman ang sinabi nito. Ibinalik niya ito sa kuna at hinayaan niya muna itong umiyak nang umiyak para makausap nang maayos ang kaibigan.
"What now?"
Muli siya nitong minura, "Tangina ka. Next time, i-sterilize mo muna ang gagamitin ng bata sa pagkain bago mo gamitin."
"Oo na. Oo na," iritado niyang sabi, "So how can I f*****g stop him from crying?"
Muli na naman siya nitong minura, "Tangina mo talaga. Kung hindi lang dahil sa bata, pinatay na kita sa pangdidisturbo sa pagtulog."
Napaikot siya ng mata. Dami pang sinasabi, 'e.
Bumuntong-hininga ito kapagkuwan saka muling nagsalita, "Ganito. Tingnan mo kung puno na ang diaper niya."
Napakunot ang noo niya, "Puno ng?"
Muli itong napamura, "Basta tingnan mo na lang."
Bumuntong-hininga siya at ini-loudspeaker muna ang cellphone bago niya inilapag sa tabi. Yumuko siya sa kuna ng bata para gawin ang sinabi ni Ryeko.
"Baka maging pagtanggal ng tape, kailangan ko pang ituro sa'yo?" sarkastiko at mapang-uyam na sabi nito sa kanilang linya na ikinaikot niya ng mata.
Matapos niyang tanggalin ang dalawang tape at tingnan ang laman nito, bigla siyang napamura at napatayo nang maayos nang makita kung ano ang bumungad sa kanya. Narinig niya ang malakas na tawa ni Ryeko sa kabilang linya. Mukhang alam nito ang naging reaksyon niya.
"f**k you, moron!" he couldn't help but scold him. Ang walang hiya, hindi man lang siya in-inform tungkol sa bagay na ito.
"Ganyan din reaksyon ko nang first time kong palitan ng diaper ang baby ni Chynna." tawa nito. Ang tinutukoy nito ay ang kapatid nitong maagang nabuntis.
"What's next?" iritado niyang sabi. Pakiramdam niya, nanubig ang bagang niya dahil sa nakita. Wala na siyang pakialam sa tawa ni Ryeko. Ang gusto na lang niya matapos na niya ito at makatulog na.
Ikinalma muna nito ang sarili bago nagpatuloy, "Kumuha ka ng baby wipes, alcohol, at unused diaper sa mga pinamili ko."
Agad niyang sinunod ang sinabi nito. Sandali niyang iniwan ang bata at tumungo sa salas para kunin ang kakailanganin. Matapos niyang kunin ang alcohol, baby wipes at unused diaper, muli siyang bumalik sa kwarto.
"Then?" he asked Ryeko.
"Kunin mo 'yung diaper niya na puno ng pupu niya," tumawa ulit ito. Ngumiwi naman siya sa sinabi nito. Hindi naman niya gustong gawin, alam naman niyang wala siyang magagawa.
In his entire life, he never thought he would f*****g do this thing. f**k! Hindi niya alam kung paano nagagawa ng mga magulang ang bagay na 'to nang hindi nandidiri sa dumi ng mga bata.
Matapos niyang pikit-matang alisin at irolyo ang diaper na puno ng dumi ng bata, muli niyang tinanong si Ryeko kung anong gagawin. Ryeko told him what he should do next. Mula sa paglinis dito gamit ang baby wipes sa puwetan at hita nito, pagpunas ng alcohol para masigurado raw na walang bakteryang maiiwan, hanggang sa muling pagpalit ng diaper.
Halos manginig ang kamay niya sa ginagawa. Damn. He hate doing this s**t and he'll never like it.
Matapos iyun, sinuutan niya rin ito ng panibagong pajama at pinalitan ang saping hinihihagaan nito sa kuna. Matapos niyang palitan ng sapin ang kuna nito, maingat niyang muling inihiga ang bata rito at maingat ding isinalpak ang baby bottle sa bibig nitong kaagad naman nitong tinanggap.
Hindi niya alam kung ba't napangiti na lang siya nang tumahan ito sa pag-iyak matapos niyang gawin ang dapat gawin. Pakiramdam niya nakagawa siya ng bagay na nakakamangha.
Pabagsak siyang napaupo sa sahig matapos ng ginawa, "Ah thanks, God. Tumahan ka rin sa pag-iyak." wala sa sarili niyang sabi habang pinapanuod ang batang dumedede sa bote.
"Ang sarap maging ama, 'no?"
Napawi lang ang ngiti niya nang marinig niya ang boses ng kaibigang muntik na niyang makalimutang nasa kabilang linya pa pala.
"Shut the f**k up," iritado niyang sabi rito, "I still don't want to be his father." dagdag niya.
"Okay. Sabi mo, 'e. Anyway, you're welcome, fucker." sabi nito bago siya pinatayan ng tawag.
Nailing na lang siya. Mayamaya'y napatingala siya sa wall clock.
Muling bumalik ang iritasyon niya nang makitang alas tres y media na nang umaga. Kanina, gustong-gusto na niyang matulog pero dahil yata sa ginawa niya, nawala na ang antok niya kaya lumabas na lang siya sa kwarto para mag-ehersisyo habang hindi pa siya binubulabog ng bata.
He thought it was the end of his calvary, but it wasn't.
Araw-araw ganun ang eksena sa condo niya. Lagi siyang nagigising nang madaling araw dahil sa malakas nitong pag-iyak. Araw-araw, palagi, walang mintis.
Ang hindi niya lang maintindihan, sa dami ng oras na pipiliin nito para umiyak, bakit madaling araw pa?
Ipinagpasalamat niya kahit papaano dahil sa araw-araw na iyun, kahit papaano natuto na siya ng dapat gawin. Sa pagtimpla ng gatas at pagpalit ng diaper. Hindi na rin niya kinalimutang i-sterilize ang kagamitang magagamit sa pagkain nito, gaya ng sinabi ni Ryeko sa kanya.
Pero hindi pa rin siya natutuwa sa nangyayari sa buhay niya. Mas lalo siyang naiirita sa bawat araw na lumilipas lalo na't hindi lang pagtulog niya ang naaapektuhan.
Lahat ng nakasanayan niyang ginagawa nuon. Trabaho, gym, at pambabae na madalas niyang ginagawa nuon ay hindi na niya magawa dahil sa bata. Ni hindi niya magawang lumabas ng condo niya.
Sa ilang araw, sa apat na sulok lang ng unit niya umiikot ngayon ang buhay niya. Hindi naman kasi niya puwedeng iiwan ang bata. Hindi pa naman siya ganun kawalang kwenta at kasama para iwan ito nang mag-isang walang kasama at walang nagbabantay.
"How's the DNA test?" tanong niya isang araw nang tawagan niya si Brylle. Naaatat na siyang malaman ang resulta ng DNA test. Gusto na niyang tapusin ang kalbaryo niya sa araw-araw na nagdaan.
Humalakhak sa kabilang linya ang kaibigan niya, "Magto-two weeks pa lang. Didn't I tell you that the fastest is three to four weeks?"
Umigting ang panga niya at napatingin sa batang dumdede baby bottle habang nakahiga sa kuna. Tulad ng mga nagdaang araw, katatapos lang nitong tumahan mula sa pag-iyak.
"By the way, how's baby Hiojan?"
Napakunot ang noo niya, "Hiojan?"
Napatalak ang kaibigan sa kabilang linya, "I read the letter. Hiojan Oliver ang pangalan niya, 'di ba? Did I read it wrong?"
"Tss." he said when he remembered the letter.
Hanggang ngayon wala pa rin siyang kaide-ideya sa babaeng nasa sulat at ina ng bata. At kung sino man siya, wala siyang balak kilalanin ito. Ang gusto lang niya, bumalik ito at kunin ang batang wala naman kasiguraduhan kung sa kanya nga talaga.
"Make it fast." he said.
Brylle chuckled, "Three weeks. Ba't ba nagmamadali ka? Excited ka nang malamang anak mo nga 'yan?"
Napaismid siya, "Excited akong malamang hindi saakin ang batang 'to para matapos na ang kalbaryo ko," napahilamos siya sa mukha niya, "Ilang araw ko nang hindi nagagawa ang gusto kong gawin dahil sa batang 'to."
"Hire a nanny." Brylle suggested.
"Paano ako makakakuha ng nanny kung ilang araw na akong hindi nakakapasok sa trabaho? Anong ipagsusuweldo ko?"
"Ask your parents for help." Brylle another suggestion.
Napaismid siya, "I won't. May kanya-kanya na silang pamilya. Lalo na si Dad. I'll never ask him for help."
"You're still his son. He can help."
"No. Thank you."
Pinatay niya ang tawag mayamaya. Umigting ang panga niya. Ang ayaw niya talaga ang pinag-uusapan ang mga magulang niyang pinabayaan siya nang pareho itong makahanap ng panibagong pamilya.
His parents still wants to communicate with him, but he doesn't want to. Kaya matagal na niyang pinutol ang komunikasyon sa mga ito.
Hindi na niya ang mga ito kailangan sa buhay niya. Ilang taon na siyang namumuhay mag-isa nang hindi siya nito senusustintuhan. Nasanay na siya. Kaya para saan pa?
Days and weeks passed. And the DNA result finally came out.