Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Hioran. Salubong na salubong ang kilay habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa kapirasong papel na hawak niya kani-kanina pa.
Nasa sulat din ang birthday ng bata. And the child is two months old only.
Iritado siyang napabuntong-hininga at muling binasa ang nakasulat sa papel, nagbabasakaling may magbabago pa, pero wala talaga.
Muli siyang napabuntong-hininga, “Pakisapak nga ako — f**k!” napamura siya nang malakas na may bigla na lang kamaong tumama sa guwapo niyang mukha.
Nang tingnan niya ang may gawa nun, nakita niya ang nakangising si Brylle. Kaagad niyang sinamaan ito ng tingin.
“Why the f**k did you hit me?”
Brylle shrugged cooly, “Kasasabi mo lang sapakin ka, ‘di ba?” sabi nito saka siya tinapik sa balikat, “You’re not having a nightmare. Talagang may anak ka na.”
Mas lalo niyang itong tinapunan nang matalim na tingin, “He’s not.. she? Whatever is he or she.. she's not my f*****g child!”
“He’s a he,” si Ryeko na ngayon ay buhat-buhat ang sanggol, “Look oh. He has a putotoy.”
Ang walang hiyang Ryeko. Ibinaba pa nito ang lamping suot para ipakita sa kanila ang tanda ng p*********i nito. And Ryeko is right. The child is a he. At wala pa rin siyang pakialam. Hindi niya anak ang batang iyan. Siguro pinagti-tripan lang ulit siya at kung sino man ang nangti-trip sa kanya, patay talaga sa kanya.
“If that child is really not yours, why don't you do what the woman said in the letter? Prove us, prove to yourself too. Take a DNA test. Our hospital is open for you and your child anytime.” Brylle said cooly.
Iritado niya itong tiningnan, “Hindi na kailangan, kasi hindi ko naman anak ang batang iyan.” siguradong-sigurado niyang sabi.
Dismayado siyang inilingan ng mga kaibigan niya, pero wala siyang pakialam. Nailing-iling siya. Bakit nga ulit narito ang mga ito rito sa condo niya?
Ah, oo nga pala. Ilang minuto matapos niyang mabasa ang sulat ng misteryosong babae at ina ng batang sanggol, tinawagan niya ang mga ito para humingi ng tulong dahil gulong-gulo siya. Pero imbes na makatulong, mas lalo lang yatang pinagulo ng mga ito ang sitwasyon niya.
Iritado siyang napatingin sa sanggol na nasa braso ni Ryeko. Hindi niya ito mapatahan ng iyak kanina, dahil wala naman siyang kamuwang-muwang sa pagpapatahan at lalo na sa pag-aalaga ng bata. Pero nang sinalpakan ni Ryeko ng isang bote ng gatas —na nasa basket din na kinalalagyan din kanina nito —ang bibig nito, kaagad itong tumahan.
Mukhang aliw na aliw si Ryeko sa sanggol dahil ito naman kasi ang mahilig sa bata sa kanilang magkakaibigan, dahil na rin siguro ito ang nag-alaga sa anak ng kapatid nitong maagang nabuntis. Siya ang pinakahuli.
Ayaw niya sa bata. Madali siyang mairita sa ingay na ginagawa nito. Lalo na ang iyak nito. Kaya sa kanilang magkakaibigan, bakit siya pa? Puwede namang si Ryeko. Tutal ito naman ang mahilig sa bata.
“Umamin nga kayo,” bumuntong-hininga siya at isa-isang matamang tiningnan ang mga kaibigang nakatingin na rin sa kanya, “Isa sa inyo ang totoong ama ng batang iyan. Isa sa rin sa inyo ang nag-iwan sa labas ng unit ko para ipaako saakin ang responsibilidad na hindi niyo magawa,” ngumisi siya sa mga kaibigang maang na ngayong nakatingin sa kanya, “Aminin niyo na.”
“Hoy! Tangina nito!” si Ryeko ang unang nakabawi, “I find him cute but no way. No f*****g way. This child is not mine. I'm a hundred one percent sure of that.”
“Me too,” si Enzo na humihithit ng sigarilyo sa bintana, malayo sa bata dahil na rin sa pagsuway ni Ryeko rito. Masama raw sa kalusugan ng bata ang usok ng sigarilyo. Daming alam, “I pull out before I release.”
“Ako rin,” si Carsiel naman, “I am making sure that the woman I f**k is safe so don't accuse me.”
Brylle cooly shrugged, “Lalo na ako. I inject an anti-pregnancy in my f**k buddy for safety before I f**k her, therefore, your accusation is imposible,” sabi nito bago siya tiningnan nang seryoso, “Why don't you accept the fact that that child is yours?”
Humalakhak si Ryeko, “Good luck for being a father, man,” inilapit pa nito ang mukha ng sanggol sa kanya na sipsip-sipsip ang pacifier na isinalpak nito, “Say hi, daddy.”
Sinundan pa iyun ng tawa ng iba pa niyang kaibigan kaya mas lalo siyang nairita. Kung hindi lang karga-karga ni Ryeko ang sanggol, baka kanina pa niya winasak ang pagmumukha nito sa birong hindi naman nakakatawa.
He's f**k now. Matapos niyang magpakasarap sa kagabi, ito ang bubungad sa kanyang umaga. He became a father in an instant, real quick. But nah. Hindi pa sigurado. He'll prove that child is not his.
Sa sobrang iritasyon, tumayo siya at lumakad para pumasok sa kwarto niya at matulog baka pagkagising niya, magbago ang lahat. Hindi pa man siya nakakahakbang nang magsalita si Ryeko.
“Saan ka pupunta?”
Binalingan niya ito at blankong tiningnan, “Matutulog.”
“Hoy gago! How about your kid, man?”
Ngumisi siya, “Sa’yo na kung gusto mo.”
Sumama ang timpla ng mukha nito sa kanya, “Tangina mo, gago ka ba? Ayan tayo, ‘e. Matapos mong magpakasarap, kapag may nabuo, hindi mo papanagutan. Ididispatiya mo lang ang bunga ng pagpapakasarap mo.”
“Eh sa hindi ko nga alam kung totoong anak ko nga ang batang iyan. I have even no idea who is the mother of that child!” umigting ang panga niya. Bakit ba ipinagpipilitan ng mga ito?
“Even a hint?” si Enzo, “Wala kang natatandaang babaeng nakatalik mo na hindi ka gumagamit ng protection?”
“No!” kaila niya, “I always use protection.”
“Sigurado ka?” paninigurado nito habang nakataas ang kilay at pinipitik-pitik ang sigarilyong hawak.
Ibinuka niya ang bibig niya para sumagot, pero hindi rin natuloy. Hindi siya nakasagot.
Actually, malay ba niya. Sa rami ng babaeng naikama niya wala na siyang matandaan kung may isa siyang naikamang hindi niya ginamitan ng proteksyon. Pero imposible. Siguradong-sigurado siya. Wala siyang naikamang babaeng hindi niya ginamitan ng proteksyon. Sa takot lang niyang makabuntis. Hindi siya handa at kahit kailan hinding-hindi siya magiging handa.
“Take a DNA test,” si Brylle na nagbalik ng diwa niya. Iritado niya lang itong tiningnan pero hindi ito nagpaapekto, “If he's not your child, hindi ka na namin papakialaman sa gagawin mo sa kanya. Pero kapag anak mo ang batang iyan, wala kang magagawa kundi ang alagaan siya. Dahil dugo’t laman mo iyan.”
Hindi agad siya sumagot. Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi ng kaibigan. Tama. Kung malaman niyang hindi niya totoong anak ang batang ito, ipapaampon na lang niya parang walang problema. Paano naman kung anak niya nga talaga ang batang ito? Anong gagawin niya?
Tanginang buhay ‘to oh!
Bumuntong-hininga siya matapos nang pag-iisip, “How long does it take to know the test result?”
Brylle grinned, “Usually, it takes six to twelve weeks. But because you are my friend, I'll make it three to four weeks.”
Napamura siya, “Ang tagal.” reklamo niya.
Ibig sabihin, ilang linggo pang mananatili ang batang ito sa puder niya na hindi naman niya sigurado kung sa kanya talaga?
“Atat na atat malaman?” halakhak ni Carsiel.
Matalim niya itong tiningnan bago muling bumaling kay Brylle, “Make it one week.”
Brylle shrugged, “Three weeks is the fastest.”
Umigting ang panga niya at muling napamura. Pero alam naman niyang wala na siyang magagawa. If he really wants to know the truth, he needs to be patient.
Sana lang. Sana nga hindi niya anak ang bata dahil bukod sa hindi pa siya handang maging ama, alam niyang magiging iresponsable lang siyang ama kapag nagkataon dahil aminado siyang wala siyang kwentang tao.
Sa araw na iyun, he took a swab test for the sample. Ganun din ang sanggol. Hindi naman siya nag-alala na baka may magbago ng resulta pareho ng nasa walang kwentang palabas dahil kilala at pinagkakatiwalaan niya ang doctor. Si Brylle mismo na kaibigan niya ang doctor na sasagawa ng test.
“Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng anumalya, ha?” sabi niya sa kaibigan matapos siyang kunan ng specimen.
Humahalakhak si Brylle habang maingat na nilalagay ang specimen sa lalagyan nito bago binalingan ang nurse na kasama nitong nag-asekaso sa kanila.
“You may now leave. Make sure it's safe kung ayaw mong mawalan ng guwapong doctor dito sa hospital.”
Namula ang pisngi ng babaeng nurse may hawak ng sample, “Yes, Doc.”
Napairap siya at tumayo para lumabas na sa clinic ni Brylle. Sumunod naman ito sa kanya. Nadatnan niya ang mga kaibigan niya sa labas na nagtulong-tulong na mapatahan ang sanggol. Bigla na lang kasi itong nagising nang kunan ng sample ni Brylle kanina.
“Mabuti pa umalis na kayo. Baka na kung ano pang makuhang sakit ng batang ‘yan dito.” si Brylle.
Bumaling sa kanya ang mga kaibigan.
“Tangina mo, Serron. Ikaw nga magpatahan sa anak mo.”
“He is not my child.” iritado niyang sabi kay Carsiel na ikinangisi lang nito.
“Oh yeah? He's yours, hangga't hindi pa napapatunayang hindi mo nga anak ang batang ‘to —Oh f**k!”
Natabunan nang malakas na iyak ng sanggol ang mga salita ni Carsiel.
“Oo na. Oo na. He's your dad.” pag-aalo nito sa sanggol pero hindi pa rin tumatahan. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan at hindi niya alam kung mahihiya o maiinis siya.
“Baka gutom na siya. Wala na siyang gatas,” si Ryeko, “Let’s buy him some milk.”
Kinuha ni Ryeko ang sanggol mula sa braso ni Carsiel at nauna itong lumakad. Sumunod naman si Enzo at Carsiel dito. Bumuntong-hininga siya at susunod na rin sana nang tapikin siya ni Brylle sa balikat kaya napabaling siya rito.
“I can’t go with you, I’ll stay here. I have a patients to take care of.” sabi nito. Muli siya nitong tinapik sa balikat saka isinabit sa leeg nito ang stethoscope bago siya tinalikuran.
Nailing siya saka sumunod sa mga kaibigan niyang nagtutulong-tulong pa ring mapatahan ang bata. Hanggang makarating at makapasok sila sa isang convenient store.
Tahimik lang siyang nakasunod sa mga kaibigan. Tulala at malalim ang iniisip. Hindi siya kapaniwalang mangyayari ito sa isang iglap. Tangina talagang buhay ‘to.
“What is this for?” Carsiel asked Ryeko nang may inilagay itong ilang box ng brand ng diaper sa cart na tulak-tulak ni Enzo.
“Tarantado. Para kapag napuno na ang pupu o wiwi, may pamalit. In case of emergency.”
“How about these?” si Enzo.
“Baby wipes iyan. Panlinis sa sanggol.”
“How about this?”
Napakamot sa ulo si Ryeko. Kanina pa ito na bubuwesit sa kakatanong ng dalawa sa kung anu-anong bagay na nilalagay nito sa cart. Paano ba naman kasi. Siya naman itong madaming alam pagdating sa bagay na iyun.
“Tangina niyo kasi. Ang sipag niyo lang umararo ng babae tapos hindi pala kayo handa sa bagay na ito.” sabi nito sabay sulyap sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin.
“Eh bakit, ikaw? Are you ready for this?” si Carsiel.
“Siyempre, hindi. Pero kapag sakali.. pipilitin kong maging handa.” Ryeko said.
“Kung ganun, why don't you adopt that child? Tutal mukhang wala namang plano si Hioran sa batang iyan.” nakangising bumaling sa kanya si Enzo.
“Tarantado. Anak ko ba ‘to? ‘Di ba hindi? Kaya bakit ko aakuin ang hindi ko anak kung may dapat namang mag-alaga sa kanya? Mag-isip ka nga.”
Nagpatuloy sa pagkuha ng kung anu-ano si Ryeko. Halos mapuno ang cart na tulak-tulak ni Enzo ng kung anu-anong bagay na hindi niya alam kung saan gagamitin.
“Twenty-thousands and fourty-nine pesos po lahat, Sir.” sabi ng kahera matapos nitong i-scan lahat ng produktong pinaglalagay ni Ryeko sa cart.
Napanganga siya, “Paanong umabot ng twenty-thousands —”
“Oh ayan,” biglang inilagay ni Ryeko sa dibdib niya ang resibo saka sarkastiko siyang tiningnan, “Tingnan mo. Tapos kung nakabawi ka na, bayaran mo na rin.”
Napamaang siya habang nakatingin sa resibo kung saan kita niya ang halaga ng pinamili ni Ryeko saka siya nag-angat ng tingin kay Ryeko.
“Ikaw ang nagyaya saaming bumili, kaya bakit ako ang kailangang magbayad?”
Nginitian siya nito nang sarkastiko, “Ikaw ang tatay, ikaw ang gumastos.”
“He's not my child.”
“Oh f**k you.”
Tinalikuran siya nito habang dala-dala ang sanggol. Tinapik siya sa balikat ni Carsiel at Enzo saka sumunod ang mga ito rito. Iritado siyang napabuntong-hininga at walang nagawa kundi ang ilabas ang card niya.
Matapos niyang bayaran ang pinamili, sumunod na rin siya sa mga ito.
Akala niya duon na nagtatapos ang kalbaryo niya. Pero biglang pinaliko ni Ryeko ang kotse ni Enzo na sinasakyan nila patungo sa mall kaya mas lalong bumasangot ang mukha niya lalo na nang maihinto ni Enzo ang kotse nito sa basement ng mall.
Naunang bumaba si Enzo at Carsiel. Bumuntong-hininga siya at bababa na rin sana nang biglang ibinigay sa kanya ni Ryeko ang sanggol sa kanya. Kaya sa takot na baka mahulog, napilitan siyang hawakan ito.
“What the f**k?”
Nginisian siya ni Ryeko, “Huwag ka nang sumama. Kami na ang bahala. Bantayan mo na lang ang anak mo. Kanina mo pa iyan hindi nahahawakan. We’ll give you a time. Subukan mo lang, baka sakaling may maramdaman kang kahit katiting na lukso ng dugo sa batang ‘yan.”
Tinapik pa siya nito sa balikat saka ito bumaba. Pero mukhang may nakalimutan pa ito dahil sumilip pa ito sa pinto.
“By the way,” napakunot ang noo niya nang inilahad nito ang kamay sa kanya, “Your credit card. Akin na.”
Sinamaan niya ito ng tingin pero wala rin siyang nagawa. Iritado niyang ibinigay ang card dito. Humalakhak itong isinirado ang pintuan ng kotse bago ito sumunod sa mga kaibigan.
Nang tuluyang mawala ang mga kaibigan niya sa paningin niya, napabuntong-hininga siya. Nagbaba siya ng tingin sa sanggol na kalong-kalong niya at natutulog sa braso niya.
Hindi niya mapigilang mapatitig sa maliit na mukha nito. Huminga siya nang malalim kapagkuwan.
“Let’s just pray that I'm not your father, because I don't know what to do if that will happen. Hindi ko alam kung magiging responsible akong ama kong mangyari iyun. I'm not deserve to be your father because I'm worthless.”
The baby made a muffle sound and pressed his face to his chest.
Napakunot ang noo niya. Did he agree on what he said? Did he agree that he's worthless?