CHAPTER 12

1059 Words

Kagaya nang mga karaniwang gabi, muli na namang sumabak si Adella sa pagsasayaw, muling ipinamalas ng kanyang malambot na katawan ang paggiling sa pole na iyon, kasabay ng isang malamyos na musika. Upang makasayaw ng hindi nawawala sa konsentrasyon iniisip na lamang ng dalaga na nag-iisa lamang siya nang mga oras na 'yun. Sa kanyang pagsasayaw ay may isang matang nagmamasid sa kanya. Si Apollo. Naguguluhan at tila uhaw sa attention mula sa dalaga, sinusundan ng mga mata ang bawat pagkibot ng katawan ni Addie. May kung anong kinang sa mga mata nito nang mga oras na iyon. "Take off the mask please!" Sigaw ng isang lalaki. Na ginatungan naman ng iba pa. Lahat ng tao roon ay gustong makita ang mukha ni Addie. Tila sila mga pusang curious nang mga sandaling iyon, kabilang na roon si Apollo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD