bc

His Innocent w***e (La Gresa Series #1)

book_age18+
20.9K
FOLLOW
108.8K
READ
forbidden
dominant
submissive
aloof
bxg
love at the first sight
lusty
naive
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa mga masasamang nangyari sa buhay ni Adella, napilitan siyang pumasok bilang dancer sa isang club, para lamang mabuhay. Hindi niya akalaing doon niya makikita at makikilala ang iniidolong sikat na surfer na si Apollo Williams. Unang pagtatama pa lamang ng mga mata nila, alam na ni Adella na may kakaiba siyang nararamdaman dito. Ngunit paano siya magugustuhan ng isang tinitingalang taong katulad ni Apollo, gayon ang tingin lamang nito sa kanya ay isang mababang uri ng babae. For him, she was just his w***e. Magkakaroon kaya ng katugunan ang nararamdaman ng dalaga patungkol dito? O mananatili na lamang siyang bayarang babae para kay Apollo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Wala ka na talagang ginawang matino, Adella!" Tungayaw ni Aling Cedez sa bente-uno anyos na dalaga na nakayuko lamang sa sofa at naluluha, habang tumatalak ang matanda sa harapan niya. Hindi kasi niya naplantsa ng maayos ang uniporme ni Yna- ang tunay na anak nito. Ampon lamang kasi siya ng mga Javier. "Ulitin mo 'yan! Walang silbi!" Sabay hampas sa kanya ng unipormeng tangan nito. Marahan niyang hinawakan iyon at tumayo para sundin ang ipinapagawa nito. Nagpunta si Aling Cedez sa kusina at ipinagpatuloy ang pag aalmusal. Kumakain na ang mag anak, siya ay hindi pa. Trabaho agad ang ipinapa-asikaso sa kanya, kanina pa nga siya nagugutom eh. "Ayusin niyong kumain, Yna at Grace. Ubusin niyo na ang ulam na 'yan, kumain naman na ang kuya Hector niyo," sabi ng matanda sa mga anak. Ni hindi man talaga siya naisip na tirhan ng pagkain. Gusto na naman niyang mag iiyak, pero wala ng tumutulong luha mula sa mga mata niya. Siguro, dahil sa paglipas ng ilang taong ganitong nararanasan niya ay tumigas na ang loob niya. "Oh? Anong tini-tingin tingin mo d'yan?! Bilisan mo ang ipinapagawa ko, impakta ka!" Baling sa kanya ng matanda. Napayuko siyang muli at ipinagpatuloy ang pagpa-plantsa. "Plantsahin mo na rin ang palda ko, Adella." Dinig niyang utos ng disi-otso anyos na si Grace. Hindi naman kasi magkakalayo ang sala sa kusina. Maliit lamang ang bahay na tinitirhan nila. "Sige," walang ganang sagot niya sa babae. Wala talagang galang si Grace at Yna sa kanya kahit pa na matanda siya sa mga ito. Palibhasa mula pagkabata tinuruan na ng matanda na huwag siyang ituring na kapatid. "Ayaw mo ata eh?" Ani ni Grace bumusangot pa. Napabuntong hininga siya at tumalima. Pumunta sa kwarto ng dalawa at kinuha ang palda ni Grace. "Oh, bakit kayo lang kumakain? Hindi niyo isabay itong si Adella?" Bigla silang napalingon sa pintuan, at nakita roon ang Kuya-kuyahan niyang si Hector. Si Kuya Hector lamang ang mabait sa kanya, mula pa noon. "Busog pa raw eh," sagot ng kinse anyos na si Yna at sabay ngisi sa kanya. "Totoo bang busog ka, Adella?" Baling sa kanya ni Kuya Hector. Napatingin muna siya sa tatlo, na masama ang titig sa kanya bago muling tinignan ang kanyang kuya. Pilit siyang ngumiti at marahan na tumango. Napabuntong ang lalaki pagkatapos ay nilampasan siya, pumunta sa kusina para doon ilapag ang mga dala dalang supot ng pagkain at bigas. Isang Jeepney driver si Kuya Hector. "Wow kuya! Para sa amin ba ito ni Ate Grace?" Excited na bulalas ni Yna. "Hindi lang para sa inyo ni Grace 'yan. Bigyan niyo si Adella." - Hector Nakita niya ang pasimpleng pagismid ng mga ito sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin. Minadali na niyang tinapos ang mga plantsahin at pagkatapos ay naglinis na ng buong kabahayan. Maliit nga pero makalat, dahil sa dalawa niyang kapatid. Nang makaalis na ang dalawa para pumasok sa eskwela at nakaalis na si Aling Cedez para naman magtinda sa palengke, agad siyang nilapitan ni Kuya Hector. "Itigil mo na 'yang paglilinis na iyan Adella. Kumain ka na, alam kong hindi ka busog." Nabitawan niya ang hawak na walis at nahihiyang tumingin kay Kuya Hector. Ginulo nito ang buhok niya. "Kain na. Hindi ko alam sa'yo bakit ka nagpapa api kina nanay. Masyado ka kasing mabait, naku!" Sabi nito sa kanya at umupo sa luma nilang sofa, halata sa hitsura ng kanyang kuya ang pagod sa pamamasada. Madaling araw pa lamang kasi bumabyahe na ito. "Bubugbugin ako ni Nanay, kapag sumagot sagot ako Kuya," aniya at naglakad patungo sa mesa para kumain na. "Sinaktan ka na naman ba niya?" Usisa nito at napatingin sa kanya. "Hindi ha!" Sabay iling. Pero sa totoo lang, kagabi noong wala ang Kuya Hector niya sinampal at sinabunutan siya ni Aling Cedez, dahil lang sa hindi niya nagawan agad ang ipinag uutos nito. "Mabuti naman kung hindi. Maiiwan muna kita diyan at ako ay matutulog lang. Babyahe ako ulit mamaya." Tsaka tumayo ito naglakad patungo sa maliit nitong kwarto. "Matulog ka ng mahimbing Kuya," habol  niyang sabi dito. Itinuon niya ang pansin sa pagkain. Gutom na gutom na talaga siya, apat na taong gulang siya nang mapulot siya sa quiapo ni Mang Roben- tatay nina Kuya Hector. Si Mang Roben na namatay din isang lingo matapos siyang matagpuan, kaya ganoon na lamang ang galit sa kanya no Aling Cedez, sabi nito malas siya, namatay ang asawa nito dahil daw sa kanya. May dala dala raw siyang kamalasan. Simula noon puro pagmamalupit na ang dinanas niya sa kamay nito. Ang pangalan niyang Adella, si Kuya Hector nagpangalan sa kanya, pero ang natatandaan niyang pangalan niya ay Gabriella. Atsaka hindi niya talaga alam saan siya nakatira, at anong pangalan ng mga magulang niya. Sana, natandaan niya para hindi niya nararanasan ngayon ang impyernong buhay sa kamay ni Aling Cedez at sa dalawang anak nito. Minsan gusto na niyang maglayas, pero iniisip niya ang Kuya Hector niya at isa pa, wala pa siyang alam na trabaho. Pagkatapos niyang kumain, iniligpit na niya ang mga pinagkainan at ipinagpatuloy na ang paglilinis ng mga kalat na iniwan ng kanyang mga kapatid. Maya maya pa, narinig niya ang mga katok sa pinto. Agad niyang pinagbuksan ang kumakatok. "Oy! Ikaw nga ang magtinda sa palengke! Sumakit ang ulo ko." Nabigla pa siya sa bungad na iyon ni Aling Cedez na nagbalik pala. "Sige po, 'nay. Magbibihis lang po ako." Isang kaltok sa ulo ang ibinigay nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. "Boba ka! Huwag ka ng magbihis! Dalian mo na! Maglakad ka na lang, wala akong pambigay ng pamasahe sa'yo." Wala daw pero bukol na bukol ang bulsa nito. Agad agad na siyang lumabas ng bahay at naglakad patungo sa pwesto ng nanay niya sa palengke. Maliit na pwesto na puro gulay lamang ang tinda. Napapatingin siya sa mga kasing edad niya na nakakasubong sa daan, naka uniporme ang mga ito. Buti pa ang mga ito nakakapag aral, siya first year high school lamang ang natapos dahil ipinatigil siya ni Aling Cedez sa pag aaral. Makalipas ang ilang minuto nasa palengke na siya. "Iyan talagang nanay nanayan mo, bigla biglang iniiwan ang pwesto!" Salubong sa kanya ni Aling Mameng. Katabi ng ina sa pwesto. "Tapos kapag may nawala, sa'yo hahanapin. Baliw talaga ang matandang iyon! Tumatandang paurong," dugtong pa ng matanda. Natawa siya. Mas gigil pa ito kesa sa kanya. Umupo siya sa bangkito. "Bakit hindi ka na lamang bumukod hija? Kesa naman sa ginaganyan ka ng mag iina?" Usisa nito sa kanya. Napangiti siya at umiling. "Inaalala ko po si Kuya Hector, aling Mameng. Wala ng mag aalaga roon, wala namang pakialam mga kapatid ko kahit pagod si Kuya. Atsaka isa pa, mag aalala lang iyon sa akin kapag bumukod ako." - Adella.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Fight for my son's right

read
146.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.4K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.6K
bc

That Professor is my Husband

read
504.8K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook