CHAPTER 2

1165 Words
"Napaka bait mo talagang bata, siguro mga tunay mong magulang mababait." Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga sa kanila kung ano siya ng mga Javier. "Siguro nga po mababait, kung sana nga lang naalala ko kung taga saan ako, baka matagpuan ko po sila, " nakangiti niyang sabi sa matanda. "Sana nga ay balang araw, matagpuan mo ang tunay mong pamilya." Hindi na lamang siya sumagot. Paano ba niya matatagpua  eh hindi man niya hinahanap ang mga ito. Sa ngayon, huwag muna. ___________________________________________ ___________________________ "Aray!" Sigaw ni Adella nang hablutin ni Aling Cedez ang kanyang buhok. Nasa bahay na siya at halos kakauwi lamang niya mula sa palengke. "Ilabas mo ang pera!" Sabi nito sa kanya. Galit na galit. Ipinagpipilitan nitong nangupit siya ng isang daan. "Aray ko 'nay, wala po akong kinukuha diyan. Kapkapan niyo man ako." "Hindi ako bobang katulad mo! Malamang ginastos mo na iyon, ano pa ang makakapkap ko sa'yo?! Ilalabas mo o kakalbuhin kita?" Tsaka hinigpitan pa nito ang pagsabunot sa kanya. "Baka pinag yosi niya, 'nay! Nagyoyosi ata 'yan eh," sabat ni Grace habang nakasalampak sa upuan at enjoy na enjoy pang pinapanood siya. Si Yna naman ay wala lang pakialam at busy sa bagong bagong cellphone. "Inay wala po talaga," halos magmakaawa na siya dito. Sinampal siya nito. "Ninanakawan mo ako! Wala kang utang na loob, bwiset ka, pinapalamon kita!" Gusto niyang sabihin dito na ang Kuya Hector niya ang nagpapalamon sa kanya at hindi ito. Pero itinikom niya ang bibig. "Bakit niyo na naman sinasaktan si Adella?!" Sigaw ni Kuya Hector nang naabutan sila sa ganoong sitwasyon. Awtomatikong binitiwan siya ni Aling Cedez. Pero dinuro duro pa nito ang ulo niya. "Eh paano, itong ampon na ito ninakawan ako ng 100 pesos! Aba, tubo ko na iyon Hector." Tumingin sa kanya si Kuya Hector at nilapitan siya. Inayos nito ang nagulong buhok niya at tumayo ito sa harapan niya nang harapin ang ina. Bale nakatago siya sa likuran ng binata. "Hindi magagawa ni Adella iyon 'nay," sabi nito. "Aba eh, kinakampihan mo pa ang babaeng iyan! Kaya lumalaki ang ulo niyan eh dahil lagi mong kinakampihan." "Hindi ganoon iyon, Inay. Pero sobra naman 'yang ginagawa niyo kay Adella. Siya na nga itong nakakatulong sa inyo, ginaganyan niyo pa." "Ay tumigil ka Hector!" Tapos ay tinignan siya nito. "Oy ampon! Ibalik mo ang isang daan na iyon kung hindi malilintikan ka lalo sa akin!" "Tigilan niyo si Adella, oh ito. " Dinukot ni Kuya Hector ang wallet mula sa bulsa at naglabas ng isang daan. "Iyan na ang isang daan. Huwag niyong piliting bayaran kayo ni Adella," sabi ng kanyang kuya. Umismid ang Ginang at umupo sa sofa. "Pasalamat ka nandiyan si Hector, kung hindi nakalbo na kita." Napayuko siya at kinagat ang pang ibabang labi. Gustong gusto niyang sumagot sa matanda, kaso mas nangunguna pa rin ang respeto niya para rito. After all, inampon naman siya nito noon. "Pumasok ka na sa kwarto mo-" biglang natigilan si Hector nang maalalang wala pala siyang sariling kwarto. Sa sala lang siya natutulog. "Ikaw na lang sa kwarto ko matulog. Ako na lang ang dito sa sala, Adella." Nakakahiya. Sobrabg bait talaga ng Kuya niya. Sobrang layo ng tatlo rito. Marahan siyang tumango at bumulong ng pasasalamat kay Kuya Hector. Agad siyang pumasok sa kwarto at nahiga na roon. Hindi talaga siya makaiyak, talagang namanhid na ang buong pagkatao niya. Napagdesisyonan na niyang matulog at bukas kasi ay pagod na naman ang araw niya, dahil sabado. Nasa bahay lamang ang mga kapatid at ina niya. Utos dito at utos doon na naman ang aabutin niya. ______________________________________ ___________________________ Kalampag sa pintuan ng kwarto ang nagpamulat kay Adella. Tinignan niya ang orasan. Mag aalas-siete pa lamang ng umaga. Nataranta siya at agad agad na bumangon at binuksan ang pinto. "Anong akala mo? Prinsesa ka?! Kumilos ka na at maglinis, pero ipagluto mo muna kami ng almusal." Bungad ni Aling Cedez sa kanya. Tumango siya at nilampasan ito. Nagmumog lamang siya, pagkatapos ay nagpainit ng tubig. Magkakape siya at para naman mainitan ang sikmura niya, dahil siguradong walang almusal na magaganap sa kanya kapag sabado at lingo. Habang nagkakape siya, nagluluto na siya at naghuhugas ng plato. Minamadali na niya, dahil kapag nagising sina Yna, wala na siyang mahaharap dahil sa utos ng utos ang mga ito. Lampas alas otso nang matapos siya sa kusina. "Timplahan mo nga ako ng gatas, Adella." Napatingin siya kay Yna na kakalabas lamang mula sa kwarto. "Sige. Magpapa init lang ako ng tubig," aniya dito. "Bilhan mo na rin ako ng tinapay sa labas, pagkagawa ha?" Tila senoritang utos pa nito at tumalikod. Pasimple niyang Inambahan ng takure ito. Saktong natapos niya ang pag gawa ng gataa nito nang lumabas naman si Grace. "Patimpla ng gatas," anito sa kanya at nagmumog sa may lababo. "Ang baho, anong niluto mo?" "Itlog, tuyo at noodles." "Iyan lagi?" Pinaikot pa nito ang  mga mata. "Dalian mo ang gatas ko." Tsaka ito nagpunta sa sala. Sumunod siya dito at ibinigay kay Yna ang gatas. "Nasaan ang sa akin?" Usisa ni Grace. "Sandali, gagawan na kita." - Adella "Iyong tinapay ko? Ang bagal mo!" Sabi ni Yna na nakabusangot. Gusto niyang kutusan ito pero siya ang mayayari kapag ginawa niya iyon. Taranta siyang nagtungo sa kusina at tinimplahan ng gatas si Grace, pagkatapos ay lumabas ng bahay para ibili naman ng tinapay si Yna. "Yna, ito na." - Adella "Nakalimutan ko Adella. Bilhan mo nga rin ako." Nakangisi si Grace habang sinasabi iyon. Tila sinasadyang pagurin siya talaga. Nagpasensya siya. "Sige." - Adella Lumabas siyang muli at bumili. Malayo layo rin ang tindahan sa bahay nila. "Hi, beautiful Adella." Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng mga kalalakihang nadadaanan niya. Kung makatingin sa kanya ay parang lalamunin siya ng buhay. Minadali na niya ang pagbili, nang papalapit na siya sa bahay nila naroon ang chairman ng barangay nila at kausap si Aling Cedez. "Oh, ayan pala si Adella. Chairman, 'yan si Adella," sabi ng isang tanod. Nangunot ang noo niya. Anong kailangan ng mga ito sa kanya? Pumasok siya sa kanilang bakuran. Tinignan siya ni Chairman. "Hija, ipinagpapaalam ka namin sa nanay mo. Kung pwede ka naming kuhanin bilang muse ng barangay natin sa darating na kafiestahan, " sabi ni Chairman habang nakangiti. Nagningning ang mga mata niya, gustong gusto niya ang mga ganoon. "Ay naku Chairman! Baka pwedeng si Grace na lang o kaya ay si Yna? Mas maganda ang mga dalaga ko." Sabat ni Aling Cedez. Biglang bumagsak ang mga balikat niya. "Grace! Yna! Halikayo dito dali!" Sigaw ng ina sa dalawa na nasa loob ng bahay. "Ay, Aling Cedez, si Adella po sana ang gustong kunin ni Chairman," anang isang tanod na napapangiwi. Tinignan siyang masama ni Aling Cedez ngunit pasimple lamang iyon. "Hindi po ako pwede, pasensya na po." Siya na ang kusang nagsabi sa mga ito. Pagkaraan ay dali daling pumasok na siya sa loob ng bahay. Nakasalubong pa niya ang dalawa na nakangisi sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD