"Talaga Kuya?! Akin ito?!" Masaya at hindi makapaniwalang bulalas niya kay Kuya Hector nang iabot nito sa kanya ang bagong cellphone.
Nakangiting tumango ang kuya niya.
"Kuya, bakit siya lang ang meron?" Ani Grace na nanghahaba ang nguso.
Binalingan ito ni Hector.
"Ano ka ba naman Grace, kaka regalo ko lang sa'yo ng cellphone, nung birthday mo," ani Kuya Hector dito.
"Eh, ang tagal na nun. Maluluma na 'to," sabi pa ni Grace.
"Ay nako, Grace! Favorite ng kuya mo 'yang si ampon. Kaya huwag ka ng kumontra diyan." Sabat ni Aling Cedez.
"Inay naman! Kung anu-ano 'yang sinasabi niyo kaya lumalaking sutil sina Yna," naiinis na pahayag ni Kuya Hector. Tahimik lamang siyang nakikinig sa pagtatalo ng mga ito. Nakaka konsensya, dahil sa kanya nagtatalo ang mga ito.
"Aba! Hindi sutil sina Yna. Iyang ampon na 'yan ang kakaiba ang ugali," sabi ng matanda habang binabagsak ang sandok sa kaldero. Nagluluto kasi ito.
Inakbayan siya ni Kuta Hector at nginitian.
"Huwag mo ng pansinin ang mga 'yan Adella," bulong nito sa kanya. Ngumiti siya at tumatango tango. Kapag nasa bahay ang kuya nila, hindi siya gaanong inaalipin ng tatlo, dahil ipagtatangol siya ni Hector sa mga ito. Kaya sana laging lingo na lang eh.
"Kuya, doon muna ako sa kwarto mo, checheck ko lang ang cellphone na bigay mo," paaalam niya dito. Tumango ang kuya niya.
"Pinalowdan ko 'yan, Adella." Habol na sabi nito.
Kinalikot niya ang cellphone sobra siyang natutuwa. Agad niyang in-open ang sss account niya, ginawa niya ang account na 'yun kapag nagpupunta siya sa computer shop dati.
Nag scroll lamang siya, napabalik siya sa pagbaba nang may makaagaw sa pansin niya. Shinare ng isang friend niya sa sss. Tatlong picture ng isang lalaki, hindi basta lalaki. Kung hindi sobrang gwapong lalaki. Nakita niya ang pangalan nito sa caption.
Apollo Williams, 24, Surfer
Hindi niya alam kung bakit, sobra siyang naenganyo sa mga litrato nito. Sa tantya niya nasa 5'9 ang height nito, moreno ito at sobrang ganda ng katawan. Mas higit na nakaagaw sa pansin niya rito ay ang mga bumbayin nitong mata at ang heart shape na labi. Nangungusap ang mga mata nito kapag tinitigan, at ang mga labi nito ay nakakaenganyong pagmasdan.
Okay! May Crush na siya. Tatandaan niya ang pangalan nito, Apollo Williams.
Okay lang naman sigurong humanga, hindi naman sa personal, kumbaga parang celebrity ito at siya ay ordinaryong fan. Agad agad sinearch niya kung may mga videos ba ito habang nagse-surfing. At ang dami nga niyang nakita, sobrang galing nito, for sure lagi na niyang papanoorin ang mga videos nito.
_________________________________________
______________________
"Adella!" Mula sa kwartong tinutulugan dinig niya ang pagtungayaw ni Aling Cedez. Nataranta siyang bumangon, kapag ganitong labas litid na sigaw ng matanda, it means grabe na ang galit nito. Kinalampag nito ang pintuan.
"Letse ka! Lumabas ka diyan!" Sigaw nito mula sa labas ng pinto. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang pinto. Saktong pagbukas niya ay nalasap niya ang sampal ng matanda.
"Nanadya ka ba ha?! Nanadya ka?!"
Naguguluhan siyang napatingin sa sinabi ng ina.
Hindi niya alam anong tinutukoy nito.
Doon pa lang niya napansin na may hawak itong uniporme, ibinato nito iyon sa kanyang pagmumukha.
"Bakit po ginupit 'yan?! Anong problema mo?!" Sigaw nito. Nanlaki ang mata niya, siya? Bakit naman niya gugupitin iyon?
"Alam mong lunes ngayon at may pasok si Grace, tapos sinabotahe mo ang isusuot niya sana?!"
Napailing iling siya, lumipad ang tingin niya kay Grace na nasa likuran ni Aling Cedez, tatawa tawa ito na tila enjoy na enjoy sa pagtalak ng ina nito sa kanya. Kuha na niya, ito ang gumupit sa sariling uniporme at siya ang sinumbong. Siguro ginawa iyon ni Grace, dahil sa inggit sa kanya kagabi, na binilhan siya ng cellphone ng kanyang Kuya Hector.
"Hindi ko po magagawa iyan 'nay. Hindi naman po ako ganoo-"
"... Aray! " Aniya nang sabunutan siya ng matanda palabas sa kwarto at ibinalya siya sa sahig sa sala.
"Lumalabas na ang pagka demonyita mo ha! Akala mo ba, lagi kang maipagtatangol ng panganay ko?! Anong pinapakain mo kay Hector? Bakit napaka amo sa'yo?!" Ayaw ni Adella ang malisyosong punto ng matanda sa kanya. Gusto niyang maiyak. Bakit ganito mag isip ang matandang ito?
"Inay, huwag naman po ninyo akong pag isipan ng masama," aniya na sobrang nasasaktan.
Nilapitan siya ng matanda at sinipa.
"Alam mo.." dinuro siya nito.
"Simula dumating ka sa buhay namin, nagkanda malas malas na kami eh. Sana hindi na lang ako pumayag noon na ampunin ka namin!"
Ang sikip sikip ng dibdib niya sa mga sinasabi ng ina. Ang babaeng itinuring niyang tunay na ina.
"Isa ka pang palamunin! Naku! Sana hindi na lang kita inampo-"
"Sana hindi na lang po talaga. Sana hinayaan niyo na lang akong magpalaboy laboy noon," puno ng hinanakit na sabi niya sa matanda. Nakita niya ang mas paggalaiti nito sa galit. Nilapitan siya at sinampal.
"Walang utang na loob! Ikaw na ang ginawan ng mabuti, letse ka talaga!"
Patuloy sa pagsampal ito sa kanya, at patuloy lamang niya iyong tinatangap. Hindi niya sinasalag, para ano pa? Sanay naman na siyang mabugbog, sanay naman na siyang masaktan. Living punching bag siya ng matandang ito at katulong ng dalawa niyang mga anak.
"Sige Inay, huwag mong hayaang sinasagot sagot ka niyan. Napaka walang modo." Dinig niyang sabi ni Grace at sinundan iyon ng isang tawa. Si Yna naman ay walang pakialam at busy sa cellphone. Pakiramdam niya pumutok na ang gilid ng labi niya,
"Huwag kang kakain ngayon ha?! Bwiset kang ampon ka! Subukan mong magsumbong kay Hector, malilintikan ka lalo!" Anito habang hawak hawak ang buhok niya.
"Kunin mo ang gunting, Grace! Madali!"
Nanlaki ang mata niya.
"Anong gagawin mo 'nay?! "
"Gugupitan ko ang buhok mo! Ginupit mo ang uniporme ni Grace, kaya gugupitin ko ang buhok mo!" Nagpumilit siyang tumayo, pero hinawakan siya nito ng mahigpit.
"Oh, Inay. " Inabot ni Grace ang gunting sa ina.
"Please, Inay 'wag naman po!"
Ngunit tila walang narinig ang matanda. Ginupit nito ang buhok niya, sa mga ganoong sitwasyon niya na hinihiling na sana biglang dumating ang Kuya Hector niya. Ang itinuturing niyang tagapag ligtas niya sa panahong aping api siya. Ang Kuya Hector niya ang tanging taong nagpakita ng pagmamahal sa loob ng tahanang iyon.
"Magtatanda ka na siguro ngayon ha!" Sabi ng matanda habang patuloy pa rin ito sa pag gupit ng kanyang mahabang buhok. Awang awa siya sa sarili niya, pero hindi niya magawang umiyak, talagang naubos na ang luha niya. Napagod siya sa kakapiglas kaya hinayaan na lang niya ang ina na gawin ang gusto sa kanya.
Dumating ka na Kuya Hector please, dumating ka na. Ligtas mo ako rito. Dumating ka na please, Kuya Hector....
Tahimik na panalangin ng dalaga sa kanyang isipan.