Umaga na nang malingat si Adella, nasa sofa pa rin pala siya ng sala. Nakatulugan na niya kagabi ang paghihintay sa binata, pero walang Apollo na dumating. Kailangan niyang sanayin ang sarili na hindi laging pupuntahan siya ni Apollo. Bumangon na siya at naglinis ng sarili. Pagkaraan ay nagluto na ng almusal para sa kanyang sarili. Abala siya sa paghahanda pagluluto at palibhasa ay nakatalikod sa pinto. Halos mapasigaw siya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Pero kumalma siya nang maamoy ang pamilyar na pabangong iyon. Si Apollo "Good Morning. Hindi ako nakapunta kagabi, may biglang lakad. I miss you, Adella." He rested his face in between of her head and shoulder. Tila sininghot pa nito ang amoy niya. God! Namiss niya rin ito. Humarap siya sa binata, kaya nagkalapit ang kanil

