Story 7- Loving my Bestfriend- Prolugue

2194 Words
"You always knew that I love you. You just don't know how much. I can do everything for you. Everything that I do, I do it for you."-- Zac **** **** Story 7- Loving my Bestfriend (Zac and Loraine) --- Prolugue Abot tainga ang ngiti ni Loraine, habang naglalakad sa aisle ang matalik na kaibigan na si Elisse, ang ninong Aki nya ang naghahatid nito sa altar. Napakaganda talaga ng kaibigan nya at masaya sya, dahil nakatuluyan nito ang lalaking mahal na mahal nito, mula pa noon. Hiniling talaga nya sa kaibigan na hindi na sya ang pakakantahin sa kasal nito at wag narin syang isali sa entourage nito dahil sa isang bagay. Lihim syang napatingin sa bungad ng altar, lihim nyang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa, ang isang lalaki na kinasasabikan nya ng husto pero kailangan nyang pagtaguan, ang bestman ni Brat at ang bestfriend nyang si Zac. Kailangan hindi magku- krus ang mga landas nila, at kailangan hindi sila magkikita sa kasalanan ito. Kung, hindi lang dahil matalik na kaibigan nya si Elisse baka hindi na sya pumunta sa kasalan ito. Halos dalawang linggo palang mula nang bumalik dito sa bansa si Zac. Sa pagbabalik nito isang family dinner lang ang nangyayari. Hindi kasi ito mahilig sa mga social gathering. Nung nalaman nya na umuwi na si Zac, at invited sya sa family dinner, agad syang nag-volunteer na syang mag-check ng mga project nila sa Cebu, para may valid reason sya kung bakit hindi sya nakapunta. At mula nang bumalik ito, talagang todo pag- iingat na ang ginawa nya para hindi sila magkita nito. Lalo’t pa, lagi itong nagpupunta sa HardRock Architectural Firm, ang daddy kasi nito ang senior vice president ng kompanya at alam nyang ito ang papalit sa posisyon ng ama. Kaya sandamakmak tuloy na pagtatago at kabaliwan ang ginawa nya. Napatulo pa ang luha nya nang nakita na nakatulo ang luha ni Brat habang tinatanggap ang kamay ni Elisse, may sinabi pa ang ninong Aki nya dito, napangiti naman si Brat. Hanggang sa lumapit sina Brat at Elisse sa harapan ni Father Augustin. “Loraine—ano bang nangyari sayo? Bakit sobra kang makasiksik sa akin?” puna sa kanya ni Bret. Katabi nya ito. Hindi din ito sumali sa entourage, kasali na kasi ito sa entourage ng kapatid nito na si Bianca. Matanda ito sa kanya ng halos isang taon, pareho Architect ang course nilang dalawa, at sabay din silang kumuha ng masteral at grumadwet. Magkasama din sila nito sa trabaho. Kasalukuyan ito ang project manager nila, pero balang araw, ito din ang papalit sa ama. Habang sya ay ang designer 2 ng kompanya. Kapatid ito ni Brat at pinsan ni Zac. At hindi lang ito basta’t- basta pinsan ni Zac, ito din ang pinsan ni Zac na halos hawig na hawig dito. Kaya crush na crush nya ito noon. “Wag kang maingay at mag-reklamo.” Mahinang sabi nya dito. Mabuti nalang malaking lalaki ito kumpara sa kanyang hindi na nga katangkaran, may kaliitan pa ang pangangatawan. “Okay.” Talagang hindi ito magrereklamo sa kanya. Close din kasi sila nito. At mas lalo pa nyang isiniksik ang kanyang sarili dito. Dapat talaga, hindi sila magkita ni Zac, kahit itali pa nya ang sarili kay Bret ay gagawin nya. ------ Pagkatapos ng kasal, napagpasyahan ni Loraine na hindi muna pumunta sa reception. Kailangan lang muna nyang tagal- tagalan ng kunti. Hindi mahilig sa mga social gathering si Zac, kaya sigurado syang hindi ito magtatagal sa reception. Hindi naman din sya kailangan sa reception a, baka hindi na mapansin ni Elisse na wala sya doon. Napagpasyahan nyang puntahan muna ang uncle ni Elisse, alam nyang hindi na ito pupunta sa reception. “Namimiss ko ang pagmimisa ninyo, uncle.” Nakangiting sabi nya dito. Nakaupo ito sa upuan nito. Matanda na ito at hindi na masyadong nagmimisa. Pero, noon paman pinangako na nito na ito ang magkakasal sa pinakamamahal nitong pamangkin. Napansin nya ang pamumula ng mga mata nito pero napangiti ito ng nakita sya. Uncle narin ang tawag nya dito, pag hindi ito nagmimisa, dahil narin sa kagustuhan nito. “Loraine—“ sambit nito sa pangalan nya. “Alam kong umiiyak ka.”hindi nya napigilan isambit. “Masaya lang ako dahil nakatagpo narin si Elisse ng lalaking magmamahal at mag-aalaga sa kanya habang buhay. Akalain mo yon, ang malukong Brat pala na yon na laging inaantok pag nagmimisa ako ang makatuluyan ng pamangkin ko.” nakatawang sabi nito. “Buti nalang, hindi inaantok kanina. Ikaw, kailan kayo ikakasal ni Zac? Isa pa yon maluko, tinutulugan talaga ang ako noon. Hindi nya alam kung dapat ba syang matawa sa sinabi nito. Pero mas pinili nyang ikaswal lang ang lahat. “Uncle—magkaibigan lang talaga kami ni Zac.” Totoong sabi nya dito. “Impossible naman nyang sinasabi nyo.” Ouh! Ang sakit naman sabihin na hanggang magkaibigan lang kami ni Zac. “Ganun? Sige ikaw nalang, kailan kaba ikakasal? Sana naman kaya ko pang magmisa sa mga panahon yan, dahil pinangako ko rin na ako ang magkakasal sayo.” “Uncle, hindi po ako mag-aasawa.” Mukhang totoong sabi nya dito. Mukha kasing hindi na sya maka- move on sa feelings nya kay Zac. At mas pipiliin nalang nyang virgin habang buhay kaysa makasama ang lalaking hindi nya mahal. “At bakit naman? Alam mo ba na ipinanganak ang mga babae para maging ina.” Ani nito. “Mag-aanak nalang po ako uncle.” Well, pangarap talaga nyang magkaroon ng anak. Maang itong napatingin sa kanya. Alam nyang hindi ito natutuwa sa kanyang sinabi. Napaka- strict pa naman nito. “Don’t say things like that Loraine—ipagdarasal ko na makakita karin ng lalaking mamahalin ka habang buhay.” Mariin na sabi nito sa kanya. Pwede request Father uncle? Pwedeng si Zac nalang ang lalaking iyon. ------- Todo ang pag-iingat nya habang papasok sa bungad ng reception. Madami pa naman tao, siguro hindi na sya mapapansin ng kung sino. Agad syang pumunta sa may gilid na bahagi. “Loraine, kanina pa kita hinahanap. Saan kaba nagpunta?” sabi sa kanya ng momshie Jorge nya, kasama nito ang papsie Mike nya. “Sa tabi- tabi lang po momshie.” Saka sya nagpaalam sa mga ito. Madaldal ang mga ito, baka sa kadaldalan pa ng mga ito, makita pa sya ni Zac. Nakatago talaga sya sa gilid. Lihim na pinalinga- linga nya ang kanyang mga mata, hinahanap nya si Zac, mabuti naman hindi na nya ito nakita, siguro umuwi na ito. Nakaupo na sina Elisse at Brat, sa bungad ng stage, siguro tapos na ang sayawan ng mga ito. Talagang halatang- halata ang pagmamahalan ng mga ito sa isa’t- isa. Ngayon si Bret na naman ang hinahanap ng kanyang mga mata, kailangan talaga nyang may masiksikan. Ngunit sobrang panlalaki ng kanyang mga mata nang nakita nya ito, kausap pala nito si Zac. Kainis, hindi pa pala umaalis si Zac. Alam nyang todo hirap na naman ang pagdaanan nya, hindi lang sya makita nito. Maya’t- maya lang tumayo ang groom at bride, nagpasalamat ang mga ito sa lahat. Pero laking panlalaki ng mga mata nya nang may sinabi pa naman si Brat na simula ng torture sa kanya. “There is a song that I really want to hear again. Kasi sabi sa akin ng mahal kong sweetheart—“ tumingin pa ito sa mahal na asawa at nagkangitian pa ang mga ito. “—ito talaga ang dedicated na song nya sa akin, mula noon hanggang ngayon. and since kinanta naman ito ng bestfriend nya nung una ko syang isinayaw.” kinakabahan sya bigla. “So, may I request Loraine, to sing that song for us, again.” Hindi nya alam kung tuluyan bang magtago o aakting nalang na nawawalang ng malay. Kainis talaga ang Brat na ‘to. Bakit kaya hindi nalang si Elisse ang pakakantahin nito? “Loraine—Loraine. Where are you?” paghahanap pa sa kanya ng kunehong si Brat. Napatingin sya sa bungad nina Zac at Bret. Napansin nya na tila hinihintay din ng mga ito na lumabas sya. Kainis, mukhang wala na syang takas. “Nandito sya.” malakas na sabi ni Kyle, nasa likod nya pala ito. Si Kyle ay anak ng ninong Karl at ninang Shay nya. Pinsan din ito ni Zac at bahagi din sa angkan Del Fuengo. Agad na napatingin ang halos lahat sa bungad nya, lihim syang napasulyap sa bungad ni Zac, mukhang nakita na nga sya nito, dahil nakatingin ito sa kanya. Pinilit nyang hindi sumulyap dito. Pasimple nyang nginitian ang lahat. ----- “Ano bang kanta ang sinasabi ni Brat?” bulong na tanong nya kay Elisse nang nakalapit na sya sa mga ito. “Smile in your heart, Friend.” Bulong na sagot din nito sa kanya. Oo nga pala! Bakit ko ba nakalimutan? Kinuha na nya ang mic, sana naman makanta nya ito ng matiwasay. Umakyat sya sa pinaka stage na bahagi, at sinimulan ng tugtugin ng live band ang chord ng kanta. I had a feeling that you’re holding my heart And I know that it is true You wouldn’t let it be broken apart ‘cause it’s much too dear to you Buti nalang maayos ang pagkakanta nya, kahit pa sabihin na todo kaba ang nadarama nya. Hanggang sa natapos ang pagkanta nya, hindi talaga sya sumulyap sa bungad ni Zac. Pinilit nyang ngumiti, habang ibinalik ang mic ay Brat. Sana naman ito ang una at huling torture na mangyayari sa kanya sa gabi na ito. Pabababa na sya sa stage, nang sa tingin nya namutla sya dahil sa sumalubong sa kanya. Si Zac, nakangiti sa kanya at nakalahad pa ang kamay na tila sinasabing alalayan sya nito sa pagbaba nya dito. Sobrang kaba ang nadarama nya. Kung iisnabin nya ito, baka magtataka ang mga nakatingin sa kanila. Karamihan pa naman sa mga bisita ay alam na alam ang closeness nila. At dahil wala sa tamang pag-iisip, kaya natapilok tuloy sya at napayakap kay Zac nang wala sa oras. Napaangat sya ng mukha dito at sumalubong sa paningin nya ang nakangiting mukha ni Zac. Nakasungaw pa ang natural na pagka-flirt ng mga mata nito. Oh my God! Ang guapo talaga ng bestfriend ko. Anong klasing torture ito, Lord? Ibalik mo na ako sa dating ako, Lord. Yon kaibigan lang ang turing sa kanya. “Talagang hanggang ngayon, lampa ka parin.” Nakangiti na sabi nito sa kanya. Napanganga sya, nakangiti ito habang sinasabihan syang lampa, hindi na nagsasalubong ang makakapal na kilay nito. ----- Talagang hindi pa sya naka-move on sa nangyari sa kanya kanina. Buti nalang natakasan na naman nya si Zac, at ngayon naman nasa isang sulok talaga sya, yon hindi sya makikita. It’s about time para ihagis na ng bride ang bridal flower nito. Nakangiti pa si Elisse habang tila may hinahanap ang mga mata nito. Gusto sana nyang mas magtago pa, pero huli na dahil nakita na sya nito. “Hindi ko na ito ihahagis eh! Kasi may gusto na talaga akong pagbibigyan nito, dahil gusto ko rin na makakita sya ng forever nya.” nakangiti pa si Elisse. Nanlaki yata ang mga malalaki nyang mga mata nang naglalakad ito palapit sa kanya. “Para sa inyo ng forever mo, bestfriend!” nakangiting sabi nito sa kanya sabay bigay sa kanya ng bulaklak. Wala sa loob na tinanggap nya yon. Nagpalakpakan pa ang halos lahat. Panahon na naman sa groom na ihagis ang bridal garter. Pero may drama naman ito na katulad ni Elisse. “Well, saan ko ba ito ibibigay-----“ “Sa akin mo ibigay.” Napatingin ang halos lahat sa nagsasalita na yon. Parang tumalon yata ang puso ang nya dahil sa nagsasalita. “Well, I just miss my BESTFRIEND.” mariin na sabi nito na sa kanya nakatingin. “What can I say, my nag-claim na.” nakatawang sabi pa ni Brat. Sumabay pa ang ibang bisita sa tawanan. Nakangiti si Brat habang ibinigay kay Zac ang bridal garter. Saka nakangiti si Zac na humakbang palapit sa kanya. Sobrang kaba ang kanyang nadarama. Tila naghahabulan ang mga daga sa loob ng kanyang dibdib. “Higher!” sigaw pa ng mga iba, habang isinusuot ni Zac ang garter sa binti nya, mas itinaas pa ito nito iyon hanggang sa umabot na ito sa legs nya. Sobrang kaba ang nadarama nya, nakatitig kasi si Zac sa kanya, at ang manang puso nya hindi pa naman mapigilan ang maakit dito. Sa wakas natapos narin ang kahihiyan nangyari sa kanya kanina. Ngayon, pareho na silang nakatayo ni Zac habang nakaharap sa mga bisita sa kasal nina Brat at Elisse nang may sumigaw nang..... "Kiss!" Parang gusto na nyang lamunin ng lupa na ngayon, ito na ang sinisigaw ng mga tao. Humarap si Zac sa kanya at unting- unti inilapit nito ang mukha sa kanya. Sunod- sunod ang paglunok nya na pati yata ang nerbiyos na kanyang nadarama ay nalunok nya, kaya ngayon biglang nagdilim ang kanyang paningin. And---- wala na syang alam. - - Warning: Pabebe ang character ni Lorainne. Kung ayaw nyo sa ganitong character, skip this story, pero nakakatuwa ang kwentong ito at nakakakilig. Salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD