Napamulat ng mga mata ang 14 years old na si Loraine nang narinig ang malakas na pagtunog ng alarm clock nya. Bahagya syang napaangat ng mukha, napatingin sya sa table clock, it’s already 5:00 am. Antok na antok pa sya. Bakit ba ang bilis tumakbo ng oras? Sa tingin nya kasi, katutulog palang nya.
“Iidlip lang ako ng 10 minutes.” Mahinang sabi nya sa sarili, saka ipinikit muli ang mga mata.
Mahinang katok sa pinto ang nagpagising ng tuluyan kay Loraine.
“Loraine baby—gumising kana dyan, maligo kana. Baka maabutan kana naman mamaya ni Zac na hindi pa handa.” Ani ng momshie Jorge nya, bahagya binuksan nito ang pinto ng kwarto nya.
“Yes momshie.” Antok na antok na sabi nya dito. Napatingin sya sa orasan. Nanlaki ang mga mata nya nang nakita kung anong oras na, it’s already 5:40 am. Bakit ba ang hilig nyang matulog? Lagot na naman sya nito. Agad syang kumuha ng tuwalya sa loob ng kanyang cabinet, saka mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa nyang pagpasok sa loob ng banyo.
Ngunit ng nasa loob na sya ng banyo, talagang ugali na nya na tignan ang sarili sa malaking salamin at mag-eemote.
“Hi everybody, my name is Loraine Kate Villacosta. “panimula nya sa laging ginagawa nya every morning. “Bakit ganyan ang pangalan ko? Well, dahil ipinanganak ako ng Valentine’s day, yong LO mula sa Love, at dahil sabi ng momshie at papsie ko, umuulan daw ng mga panahon na yon kaya naging LORAINE, yon Kate nga pala, galing sa pangalan ng mommy ko. Namatay kasi sya nung ipinanganak ako. I mean nagpakamatay nga pala sya kaya napilitan akong ipanganak ng wala sa oras.” Bahagyang lumungkot ang ekspresyong ng kanyang mukha, pero agad din syang napangiiti . “Alam nyo ba na lumaki ako sa isang nakakatuwa pero masayang pamilya? Yong kinalakihan ko kasing mga magulang ay puro mga bakla. Oo, bakla ang momshie at papsie ko. Kapatid kasi ng namayapa kong mommy ang momshie Jorge ko, kaya nung namatay ang mommy ko, sya ang naiwan guardian ko. Yon papsie Mike ko naman ay ang asawa ng momshie ko. Oo, mag-asawa sila, ikinasal kaya sila, doon sa ibang bansa. Ang momshie Jorge ko ay mukha talagang babae, isa syang make-up artist. Habang ang papsie Mike ko, mukha parin lalaki, at isang syang architect. Lumaki ako sa marangyang pamumuhay. Spoil na spoil kasi ako ng momshie at papsie ko.” saka nya nginitian ang sarili sa salamin.”Well, hindi lang naman ang bagay na yan ang nakaka-interest sa akin. Kilala nyo ba ang Del Fuengo Clan? Alam nyo ba na parang bahagi narin ako ng pamilya nila? Ninang ko lang naman kasi ang tatlong babae na naging ina ng new generation nila. Biniyayaan ng tatlong anak ang simula ng clan na sina grandpa Daniel at grandma Ysabelle, sina si Karl, at ang magkambal na sina Yumi at Aki.” May pa-aksyon aksyon pa sya ng mga kamay, na tila nagspeech lang. “Kaibigan kasi ng ninang Shay ko, asawa ni Karl, ang mommy Katie ko. Tapos yon momshie Jorge ko naman, ay parehong bestfriend ang ninang Yumi ko at ng ninang Haylee ko, asawa ni Aki. Oo nga pala, half brother din ng ninang Haylee ko ang papsie Mike ko. But do you know what's funny?” Lihim syang napangiti. “Yong true daddy ko na nasa Manila na ngayon at may sarili ng pamilya ay parehong nanliligaw sa ninang Yumi at ninang Haylee ko noon. Ang daddy ko lang naman ay si Felix Villacosta, may-ari sya ng isang photography studio.” Napangiti sya ng may naisip. “Kaya nga, kahit papaano, marami din ang naiinggit sa akin. Well, hindi naman yan ang tunay na reason kaya kinaiingitan din ako ng maraming babae. Kundi--- ako lang naman ang bestfriend ng tinagurian na “Most Handsome at Most Popular” na Del Fuengo in new generation na si Zachary Del Fuengo 2, the new Aki. Mukhang mula nang isinilang ako ay kasa- kasama ko na sya sa buhay. Kahit naman sabi----------“
“Loraine baby, tapos ka na ba sa paliligo mo? Baka darating na mamaya si Zac.” Natigil sya nangg narinig ang boses ng momshie nya. Malamang nasa kwarto na nya ito at inayos ang school uniform nya.
Oo nga pala, maliligo nga pala ako. Hindi pala ako magspe- speech.
-----
“Good morning Zac!” nakangiting nyang bati dito nang tuluyan na syang nakapasok sa loob ng front seat ng kotse nito. “Kumpleto na ang morning ko kasi nakita ko na naman ang napakaguapo kong bestfriend.” sabay pa nyang pisil sa pisngi nito. Ang lapad ng kanyang ngiti na nakatingin sa mahal na mahal nyang bestfriend, kahit pa sabihin na nakasimangot at abot kilay na Zac ang nasa harapan nya ngayon. Well, sanay na sya, talagang ganito lagi ito sa kanya.
“You almost make me waiting for 20 minutes, tapos gusot na gusot parin yan buhok mo.” pagalit na sambit nito. Nasabay na sya dito, talagang lagi itong galit sa kanya. Pero, gustong- gusto nya si Zac, mula nang nagkamalay sya sa mundo, kasama na nya ito sa buhay. Hindi ito mabait sa kanya pero tinagurian nyang bestfriend si Zac.
Saka nya lang napansin ang hindi pa nasuklay na buhok nya. Pasimple nyang sinuklay iyon ng dala nyang panuklay.
Saka pinatakbo nito ang kotse. Natutong magmaneho si Zac nung 14 years old ito at dahil isa sa pribilihiyo sa mga lalaking Del Fuengo ang pwedeng magmaneho sa sarili nilang kotse pag tumunton na sila sa 15 years old, kaya mula nung kasama na nya si Zac, sa pagpunta sa paaralan pati na sa uwian. Ang pribilihiyong ito ay sakop lang dito sa San Bartolome, pati na sa mga malapit na lungsod na sakop sa angkang Del Fuengo.
Nasa Grade 12 na si Zac, STEM ang kinuha nito dahil pangarap nitong maging Civil Engineer balang araw. Sya naman ay nasa Grade 10. Oo, kahit 14 years old palang sya ay nasa Grade 10 na sya , batang- bata pa kasi sya nung nag-grade one sya. Pangarap nyang maging Architect balang araw.
Parang mag-asawa lang ang mga pangarap nila ni Zac, sadyang pati sa pangarap ay hindi sila pinaghihiwalay. Isa lang naman syang tinagurian matalinong estudyante. Nag-aaral kasi sya ng husto para hindi maging alangan kay Zac, naturally matalino kasi ito, kahit pa tamad itong magstudy ng mga lesson nito. Sadyang ipinanganak itong matalino. Ilang parangal na kaya ang dinala nito sa EIS (Eastwest International School) dahil sa talino nito. Doon nga pala sila parehong nag-aaral ni Zac.
Kahit hindi naman sya biniyayaan ng katangkaran at sobrang kagandahan, pero ubod naman sya ng talented. Maganda ang boses nya, magaling din syang sumayaw at may kunting talent sa pag-acting. Magaling syang gumuhit at may isang sport kung saan sya magalit, ang archery. Kasali nga sya sa archery club ng school nila. Si Zac talaga ang nagturo sa kanya sa larong ito, dahil mahilig din ito sa Archery. Pero, basketball ang sport na pinasukan nito sa school nila. At sa kasalukuyan, ito ang bagong Basketball Team Captain ng school nila. Kaya mas lalong dumami ang mga babae at mga bakla na nahuhumaling dito. Paano ba naman kasi? Hindi lang ito saksakan ng talino, nag-uumapaw pa ito sa kaguapuhan at medyo may pagka-mesteryoso ang s*x appeal nito. Golden tan skin, pointed nose, kissable lips at flirt eyes. Dagdag din sa karisma nito ang perfect shape ng makakapal nitong eyebrow na lagi yatang nagsasalubong kaya suplado ang dating. Matangkad ito at may magandang pangangatawan. Hanggang kili- kili nga lang sya dito. Well, maganda din ang boses nito pero hindi mahilig kumanta. Halos perpekto na ang kanyang bestfriend. Ang swerte talaga nya.
“Anong oras kaba gumising? Diba sabi ko sayo gumising ka ng 5:00 am.” Tanong nito na ang pokus nasa pagmamaneho.
“Gumising nga ako pero—“
“Pero?” kunot- noo ito.
“Nakatulog muli ako.” lihim syang napangiti. Ito talaga ang madalas na mapag-usapan nila pag papunta sila sa school.
“Ano? Alam mo naman na medyo may kalayuan ang EIS.” Oo nga, nasa San Lazaro kasi ito habang sa San Bartolome naman sila nakatira pareho, pero 30 minutes lang naman ang byahe, lalo na at wala naman traffic, nasa probinsya kasi sila.
“Okay. Sorry.” Hindi na nya idinagdag dito na nag-eemote pa sya bago maligo dahil baka mas lalo pang magalit ang laging galit sa kanya na kaibigan.